Sarah Geronimo neither confirms nor denies relationship with Matteo Guidicelli

Walang ginawang kumpirmasyon o pagtanggi ang Pop Princess na si Sarah Geronimo nang tanungin tungkol sa nababalitang relasyon nila ng actor-athlete na si Matteto Guidicelli. Ngunit sabi ng Pop Princess, "Sana, kung anuman yung meron kami, sa amin na lang dalawa, or dun sa mga taong malalapit sa amin."


Matunog ang balitang mag-on na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Ngunit tumangging magbigay ng kumpirmasyon ang Popstar Princess tungkol sa isyung ito nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press, ngayong araw, October 17, para sa presscon ng kanyang 10th anniversary concert.

Ang Perfect 10 ay magaganap sa Novemeber 15 sa Araneta Coliseum, at sa November 30 sa Mall of Asia Arena.



LOVELIFE. Nang diretsahang tanungin si Sarah tungkol sa napapabalitang relasyon nila ni Matteo, naging mailap ang dalaga.

“Pasensiya na po, ayoko po talagang pag-usapan. Pasensiya na po,” pakiusap niya.

Pag-udyok naman ng media kay Sarah, sa ika-sampung taon niya sa showbiz, nais lamang daw malaman ng mga tao ang lagay ng kanyang puso.

Sagot niya, “Opo, tama po kayo dun, kasi twenty-five na rin po ako at saka, babae rin po ako, di ba?

“Pero ako po kasi, sa lahat po ng pinagdaanan ko, naging open po kasi talaga yung personal kong buhay.

“Sana naiintindihan niyo po na, this time, sana gusto kong gawing private at ayaw kong haluan ng showbiz.

“Kung sino man yung taong mapapalapit sa puso ko… kasi nandun na po talaga yung takot ko.

“At the same time, gusto ko nang makita kung gaano kasinsero… kung anuman yung… kung gaano kasinsero siguro yung tao na yun.

“Or, ako din, di ba?

"So, pasensiya na po talaga, hindi ako ganung ka-open.”

Tanong muli kay Sarah: Inspired ba siya ngayon?

Sagot niya, “Opo. Kailangan po, e. Kailangan ko, di ba?

“Para patuloy na mabuhay… nandudoon yung fire mo na pagbutihan pa at sipagin, pagsipagin pa ang trabaho mo.

"So, importante na, kahit walang lovelife, inspired ka, e.”

Ibig sabihin ay wala siyang lovelife?

“Hindi naman po. Hindi naman po sa ganun.

"Kumbaga, importante na may inspirasyon ka, e—kahit hindi sa lalaki.”

Muling tanong ng media kay Sarah: May lovelife ba siya ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta okay naman po lahat, okay pa naman po, so far.

"Sana, maging okay naman siya,” tugon niya.



MATTEO GUIDICELLI. Gaya ni Sarah, umiiwas din si Matteo tuwing tatanungin tungkol sa kanilang relasyon.

(Read: Matteo Guidicelli on rumored relationship with Sarah Geronimo: “Wala naman akong ’tinatago, I just don’t wanna talk about it.”)

Bakit nga ba nila piniling manahimik tungkol sa isyu?

Sagot ni Sarah, “Ayun, katulad po nung sinabi ko kanina, iba pa rin po kasi talaga if you keep things private, di ba po?

“Ayaw ko pong matulad sa iba, e, na lahat may say, lahat may alam, di ba?

“Pero hindi naman nila alam kung anong nangyari. Lahat, pinag-uusapan.

“Sana, kung anuman yung meron kami, sa amin na lang dalawa, or dun sa mga taong malalapit sa amin.

"Para tahimik lang din po.

“Tsaka, kung anuman yung… lalabas at lalabas din naman po, e, kung ano yung totoo, di ba po?

“Di naman namin kailangang, ‘Oh, I’m so in love!’

"Hindi naman kailangang ganun, e, di ba po?”

Ano naman ang masasabi na Sarah na may balitang lumabas na sila ni Matteo ay “official” na?

Sabi niya, “When you say official, it should come from us.

"Siyempre, malaki naman yung respeto natin kung sino man ang nagsulat nun.

“Pero to say na it’s official, mali naman yata na sa kanila manggagaling.”

Ang dahilan daw kung bakit walang kumpirmasyon galing sa kanila ni Matteo: “Kasi, as much a possible sana, gusto namin na, yun nga, maihiwalay yung trabaho sa kung anuman yung meron kami…

“Or anuman yung magiging kahihinatnan namin ng… kung anuman yung relasyon namin.

"So, sana hindi maging magulo, sana.”

Sa hiwalay na panayam kay Matteo, ayaw niyang sabihing ginagamit niya lamang ang Pop Star Princess.

Tugon ni Sarah dito, “Maraming salamat. Kasi ako din naman, ganun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayokong… di ba, may mga taong nagsasabing I’m using him?

“Di ba, ayaw na ayaw namin dumating sa ganung conclusion yung mga tao.

"Pero wala, e, talagang walang control sa mga iniisip ng ibang tao, di ba?

“So, maganda, maayos na wala naman kaming sinsabi pa na kahit ano. Ayun.

"So, hanggang dun na lang po muna.”

Totoo nga ba ang balitang boto ang ina niyang si Mommy Divine kay Matteo? Kilala kasing napakahigpit ng ina ni Sarah sa mga lalaking nagkakagusto o nagugustuhan ng anak.

“Ayun ang hindi ko masasabi.

“Kasi, uhm, magiging boto lang naman ang nanay kapag pinayagan na niya sigurong magpakasal.

“Or, yun nga, di ba, pag hinayaan na niyang mapunta sa lalaki yung anak niya.”

Maging ang mga magulang daw ni Matteo ay boto rin sa kanya. Totoo ba ito?

“Uhm, titingnan po natin. Titingnan po natin kasi hindi ko pa rin alam ’yan, e.

"Hindi ko alam kung san nanggagaling ’yan.”

PERSONAL NA BUHAY. Ano ang nararamdaman ni Sarah tuwing inuusisa siya tungkol sa kanyang personal na buhay?

Wika niya, “Naiintindihan ko naman po, e.

"Naiintindihan ko, siyempre people are excited to see me experience love, di ba—yung totoong klase ng pag-ibig.

“Kasi, nasa tamang edad na rin naman po ako, twenty-five.

"At gusto ko naman… normal naman.

"Normal naman talaga na ma-in love ka o magka-boyfriend ka.

“Dadaan naman tayo diyan sa buhay ng babae, buhay ng lalaki. Naiintindihan ko.

"Pero yun nga, gusto kong maging maingat talaga, e, maingat.

“Sabi ko nga, hindi naman forever ko itong itatago.

"Pero hindi rin kailangang i-broadcast pa na broken-hearted ako, in love ako, sinaktan niya ako, niloko niya ako.

“Parang hindi maganda, e. Past ten years, ganun yung nangyari sa kin.

"So, yun lang po yung iniiwasan namin.”

A YEAR AGO. Matatandaang sa concert ni Sarah noong nakaraang taon na SG 24/7 ay umakyat sa stage ang kanyang special someone noong mga panahong iyon—si Gerald Anderson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayong taon ay iniiwasan na raw ng 25-year-old singer-actress na magkaroon ng ganitong eksena sa kanyang concert ngayong taon.

Paliwanag niya, “Kasi, the past shows na ginawa ko, laging merong… alam niyo po yun?

“Sabi ko, this time, ayokong may halong ganun. Gusto ko, ako lang talaga dahil concert ko naman po ito…

“At yung talent ko ang sinu-showcase dito, hindi yung lovelife ko or sino man ang nail-link sa kin, di ba po?

"So, ayokong ihalo yung aspetong yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN