Genesis director Joyce Bernal dreads signing exclusive contracts, explaining she cannot accept projects that do not appeal to her

As a matter of curiosity, PEP asked Direk Joyce Bernal what she will do at the end of the world, which is the theme of her current project, Genesis: “Hangga’t hindi nawawala yung ilaw, gusto kong manood ng sine... makikipagkuwentuhan, mananahimik, makikipagkuwentuhan... to be with my daughter, yumakap, humalik, kumiss, mag-text, bumonding, lahat—anything.”


Nakakapagdirek si Joyce Bernal sa tatlong major TV networks: sa GMA, sa ABS-CBN, at sa TV5.

At never daw siyang nagpa-exclusive kahit na saang network.

Paliwanag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Natatakot ako sa kontrata mismo, nate-tense ako.

“Hindi ko alam. Nagpa-panic ako!

“Siguro parang kapag nakakontrata ako, nahihiya akong tumanggap ng pera na hindi ko gusto yung proyekto, parang ganoon.

“Gusto ko kasi, yung gusto ko yung proyekto, yung ganoon.

“Kahit Viva kunyari, may contract ako, meron akong ano... to do outside, may ganoon, hindi exclusive talaga.”

Ano ang pagkakaiba working with the three major TV networks?

“Pare-pareho! Honestly, yung network kasi, yung composition niyan, yung pagiging competitive nila, pare-pareho lang.”

Kumusta naman ang mga talent fee nila?

“Pumapareho din sila... dapat lang!” at tumawa si Direk Joyce.


END OF THE WORLD. Si Joyce isa sa dalawang direktor ng bagong primetime series ng GMA, ang Genesis, na may tema na tungkol sa end of the world.

Tanong ng PEP, halimbawang matatapos na nga ang mundo, ano ang mga gagawin niya bago magwakas ang lahat?

Lahad niya, “Una, manonood ako ng sine... oo naman.

“Ay, actually, iyon na yung pinakahuli siguro, gusto kong manood ng sine habang nangyayari ang lahat...

“Hangga’t hindi nawawala yung ilaw, gusto kong manood ng sine.

“Tapos, makikipagkuwentuhan, mananahimik, makikipagkuwentuhan...

“To be with my daughter, yumakap, humalik, kumiss, mag-text, bumonding, lahat—anything.”



WITH VISION. Pang-apat na beses na ni Joyce na makatrabaho si Dingdong Dantes, na siyang bida sa Genesis.

“Sa TV—sa movie, Segunda Mano pa lang kami, e.”

Paano naman katrabaho ngayon si Dingdong?

“Ngayon, si Dong, dahil sa pag-ano namin, nakikita ko na yung vision niya as a person, nararamdaman ko na.

“Hindi ito kasi yung dumarating lang.

“Alam niya, may vision siya for his career, for himself. So nakikita ko, nararamdaman ko yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And namamangha ako, kasi siyempre for someone na ano, he thinks outside of the...

“Yung kung ano yung tingin ng network, or noong ano... may sarili siya for himself. So nakakahanga.”


MISS LT. Si Lorna Tolentino naman ay dalawang beses na niyang nakatrabaho.

“Mga tatlong taping days lang ako sa kanya sa Glamorosa, e,” pagtukoy niya sa dating primetime series ng TV5.

Pero dito sa Genesis ay buong show niya makakatrabaho si LT.

“At Presidente pa siya ng Pilipinas—okey siya,” banggit ni Direk Joyce sa role na ginagampanan ng aktres.

Isa sa itinuturing na pinakamagaling na aktres sa bansa si Lorna, may piniga pa ba siya rito?

“Lahat ng mahihirap, kay Direk Mark,” natatawang pagtukoy ni Direk Joyce sa isa pang direktor ng Genesis na si Mark Reyes.

“Lahat ng effects actually, lahat ng mga sumabog, may mga kagagawan sa spaceship, hindi kaya ng powers ko yun, kaya ni Mark Reyes yun.”

May ipina-peg ba siya kay LT bilang Pangulo ng Pilipinas?

“Ano siya, e, crying president siya, e.

"Although, si Cory [Aquino] sana ang peg namin sa kanya.

"E, hindi naman crying president si Cory, so ito medyo maano pa rin yung puso niya, crying president...

“Yung ano, parang inapi ng buhay, e, kaya crying president siya.”

May mga artista pa ba siyang gustong mahawakan na hindi pa niya naididirek?

“Si John Lloyd Cruz, hindi ko pa siya naha-handle.

“Sa babae? Sino pa ba? Iisip pa ako,” bitin niyang sagot.


POLITICAL EVENTS. Nakaapekto ba sa Genesis ang mga nagaganap ngayon sa pulitika?

Tugon ni Joyce, “Ay, wala, wala kami sa pork barrel kasi end of the world na kaagad, e.

“So, mas malaki yung end of the world kesa sa pork barrel.

“Wala kaming tinouch na ganoon, although parang ano... may mga siraan, pero hindi masyado.”

Malaki ang scope ng show, lalo’t tungkol sa katapusan ng mundo ang tema nito. Ang hirap isipin kung ano nga ang gagawin ng tao kapag nangyari ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ni Direk Joyce, “Gusto kong hanapin din yung other side ng mga tao o may ganyan.

“Tapos katulad ko, parang, ‘Oh, end of the world!’

“So, parang hindi ako pupunta doon. Sa akin makikapag-ano ako, kung ano yung gusto kong mangyari.

“Parang ike-create mo na yung heaven dito pa lang, parang ganoon.”

Magastos ang Genesis, paano nila sinigurado na ang effects nila ay cutting edge nga?

“Actually, si Direk Mark, grabe siya sa effects.

"Sa akin, okay na, e. Sa kanya, hindi pa, as in napapangitan pa siya.

“So, parang feeling ko, kung sa quality ng effects, alam ni Direk Mark yun.

“Sa akin kasi, buo na lang istorya, character, at saka paano itutuhog na ano.

“And then, naiwan talaga kay Direk Mark, first three weeks, kasi puro effects yung mga episodes namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN