Aljur Abrenica shrugs off intrigue that his Dodge Challenger came from gay benefactor

Wala raw alam si Aljur Abrenica tungkol sa usap-usapang may offer diumano sa kanya ang ABS-CBN. Pero pag-amin ng Kapuso actor, “Actually, I take it as a compliment na yung may mga ganyang lumalabas na isyu.”


Kamakailan ay may sumulpot na intrigang ang mamahaling sasakyan ni Aljur Abrenica na Dodge Challenger—na nabangga ilang araw lamang pagkatapos niya itong bilhin—ay regalo diumano sa kanya ng isang mayamang bading.

Ipinagkikibit-balikat lang ni Aljur ang balitang ito.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “E, natural ‘yan, e. Normal ‘yan, e, kahit hindi totoo—kaya nga intriga, e.

“Kaya nga tsismis, e. Minsan, gawa-gawa na lang.

"Hindi naman lahat… Ang sasakyan na ‘yan, hindi ko alam ang sasabihin ko, e.

“Hindi ko talaga alam.”

Nagagalit ba siya kapag may ganitong balita o natatawa na lang siya?

Sabi ni Aljur, “Manhid na rin, kasi sa sobrang daming isyu na ganyan, at saka sa mga sobrang daming nagpaparatang ng kung anu-anong bagay sa akin.”

Hindi na raw siya naaapektuhan kapag may ganitong klase ng intriga tungkol sa kanya.

Kahit daw ang girlfriend niyang si Kylie Padilla ay hindi na apektado ng mga ganoong intriga.

“Well, I think we’re mature enough para hindi na pansinin yung mga ganyang bagay.”



GAY ROLE. Natanong din ng PEP kay Aljur kung papayag siyang gumanap ng isang gay role.

Sagot niya, “I’ve never tried, but yung mga ganyang bagay kasi, pinaplano ‘yan, e.

“Let’s see. I can’t say yes or no, e.

“So, sa ngayon, hindi ko alam, e. Ngayon, patok siya.”

Ang tinutukoy ni Aljur ay ang phenomenal success ng GMA primetime series na My Husband’s Lover, na tumalakay sa pagmamahalan ng dalawang kapwa lalaki.

Hindi pa raw siya naaalok ng ganitong klaseng papel.

“Sa panahon… siguro ang makakasabi niyan, panahon.”

Marami pa raw siyang gustong gampanan na papel, at isa na rito ay ang isang action-drama role.

“Full action talaga, action-drama.”



OFFER FROM COMPETING NETWORK. Naitanong naman kay Aljur kung ano ang reaksiyon niya sa balitang may offer sa kanyang maging contract artist ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman nawala yung isyu na ‘yan, lagi na lang!” ang natatawang sabi ni Aljur.

Hindi raw alam ng Kapuso actor kung bakit may ganoong isyu, at hindi rin daw niya alam kung may offer nga sa kanya.

“Hindi ko rin alam, pero hindi ko talaga alam…

“Wala namang offer, wala namang nakakarating sa akin, wala naman silang inaaabot sa akin.

“And it’s a compliment, it’s a compliment…

“Actually, I take it as a compliment na yung may mga ganyang lumalabas na isyu.”

Hanggang kailan pa ba ang kontrata niya sa GMA?

“It’s confidential, e, so pasensiya na. Confidential,” sabi niya.

Kinu-consider ba niya ang mga offer mula sa ibang istasyon, kung sakaling mayroon nga?

Ani Aljur, “It’s more on, para sa akin, sa pagkatao ko, kung paano ako binrought-up ng parents ko, is utang na loob, e.

“Tumanaw ng utang na loob sa nakatulong sa iyo, sa mga dahilan kung nasaan ka man ngayon.”

Produkto ng reality-based artista search ng GMA na StarStruck si Aljur. Nagwagi siyang Ultimate Hunk sa fourth season ng programa.

Kaya forever na ba siyang Kapuso?

“I love GMA, I love GMA!” bulalas niya.



ALDEN RICHARDS. Sa November 7 ay gaganapin ang concert ni Aljur na Come And Get Me sa Music Museum.

May nagtanong kay Aljur kung nararamdaman ba niyang nauungusan na siya ng kapwa niya Kapuso na si Alden Richards, kaya naisipan niyang mag-concert.

“Saan galing yun?” natawang reaksiyon ni Aljur.

Dagdag niya, “Well, ako, happy ako sa mga nangyayari at sa lahat ng naa-achieve ng mga kapatid ko sa network natin.

“Kasi, lahat naman tayo… Alden is hardworking, e.

“Nakikita naman natin yun, and I give him that, magaling siya.

“Magaling naman talaga siya, and he deserves all that.”

Magkaibigan daw sila ni Alden at walang anumang intriga o negatibong isyu sa pagitan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m happy, I’m happy for him, kung saan man siya ngayon.

“Well, we all know naman kung saan man yung nararating mo ay dahil iyon sa pinaghirapan mo, e.

“So, sa akin, happy ako sa nararating ng isa sa mga kapatid ko sa network.

“And yung achievement nila is parang—magkakasama rin tayo sa network, e—achievement na rin nating lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN