Jennylyn Mercado-Luis Manzano breakup confirmed

Kinumpirma ng ilang malalapit na tao kina Luis Manzano at Jennylyn Mercado ang balitang break na ang dalawa. Sa ngayon ay wala pang direktang pag-amin mula sa magkasintahan, ngunit inaasahan na magsasalita rin sila sa mga susunod na araw.


Kumpirmadong break na sina Jennylyn Mercado at Luis Manzano.

Bagamat wala pang direktang pag-amin mula sa dalawa, kinumpirma sa PEP.ph (Philippine Entertaiment Portal) ng ilang malalapit sa kanila ang impormasyong ito.

Ngayong araw, October 18, ang ikalawang anibersaryo sana nina Jennylyn at Luis bilang magkasintahan.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng PEP, ayaw na raw munang pagtuunan ng pansin ni Jennylyn, 26, ang kanyang lovelife.

Sa susunod na linggo ay gaganapin ang story conference ng bagong drama series ni Jennylyn sa GMA Network.

Dito ay baka sakaling magsalita na ang Kapuso actress-TV host tungkol sa breakup nila ni Luis.

Sa mensahe naman ni Luis sa PEP senior staff writer na si Bernie Franco sa Facebook ngayong araw, sinabi ng Kapamilya TV host actor: "We would like to keep it private munaSmile


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN