Oyo Sotto prefers wife Kristine Hermosa not to have kissing scene with Jericho Rosales in a possible reunion project

Oyo Sotto wants to have six children with wife Kristine Hermosa: “Gusto namin sana anim, e. Pero, siguro four, okey na—four ang minimum.”


Napapabalitang may alok kay Kristine Hermosa na gumawa ng isang teleserye kasama ang dating kasintahan at ka-loveteam na si Jericho Rosales.

Pero ayon sa mister niyang si Oyo Sotto, undecided pa ang aktres hinggil dito.

Natawa nga ang actor nang tanungin kung okey lang sa kanya na magkaroon ng kissing scene si Kristine kay Jericho, sakaling matuloy ang project ng dalawa.

Tugon niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): “Siguro, para wala na lang problema, wala na lang kissing scene!

“Naku! Mamaya magalit na naman sa akin yung mga fans nila!” pabirong sabi pa niya.


MARITAL BLISS. Masaya at tahimik ang pagsasama nina Oyo at Kristine bilang mag-asawa.

Parang kailan lang noong ikinasal sila, at ngayon nga ay dalawa na ang anak nila.

“Magtu-two years old na yung bunso namin sa December. Sana buntis na!” tawa na naman ng aktor.

Ini-expect na ba nila ang kanilang ikatlong anak?

“Actually, noong nag-one [year old] si Ondrea [ang bunso nila], sinusubukan na naming ulit sundan, kaya lang hindi pa ibinibigay ni Lord.”

Ilang anak ba ang plano nila?

“Gusto namin sana, anim, e. Pero siguro four, okey na—four ang minimum,” natawa ulit si Oyo Boy.



NEW GENRE. Kinumpirma ni Oyo na nais magbalik-showbiz ang asawa.

Sabi niya, “Ako, sa totoo, na I feel for Kristine. Alam ko talaga na nami-miss na niyang magtrabaho.

“Kaya lang, yung mga projects na ino-offer sa kanya, hindi suma-swak doon sa ano, e, sa schedule.

“Kasi kapag nag-soap ka, i-expect mo nang araw-araw ‘yan, e.

“At saka yung uwi mo laging umaga, di ba?

“So yun lang. Sana maayos lang yung schedule at saka mabigyan siya ng gusto niyang role.”

Nabanggit din ni Oyo na parang gusto ni Kristine na gumawa ng project na medyo may pagka-action ang tema.

“Nanawa na yata siya sa drama, e,” sabay tawa ulit ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She also wants to do a comedy or sitcom o anything na light lang,” panghuling nasabi na lang ni Oyo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN