Miss Universe Philippines 2013 Ariella Arida tries to take criticisms constructively

Ariella Arida on handling criticisms: "When it comes to the physical… mga things that I have to improve, it’s not hurtful for me, because I’m aware naman of my weaknesses. But what’s really hurtful, pag naging personal na sila."


May sariling paraan si Miss Universe Philippines 2013 Arielle Arida kung paano harapin ang pambabatikos ng netizens sa kanya.

“I have this selective type of reading, so alam ko ngayon kung ano ang pakikinggan ko,” saad ng beauty queen sa send-off party para sa kanya, na ginanap sa Gloria Maris Hall, Gateway Mall, Cubao, Quezon City, kahapon, October 17.

Pagpapatuloy ni Ariella, “Mapi-feel mo naman sa mga bashers kung constructive sila or not.

“But, you know, thank you din kasi aware ka na, ‘Oh, this is my weakness. Ito pala ang kailangan kong i-improve.’

“Without them, you will be relaxed na, wala ka nang kailangang i-improve.

“Thank you din, I’m a strong woman now.

"Pagdating ko dun [sa competition], kung ano ang sasabihin ng mga tao, sanay na sanay na ako.”

Si Ariella ang kandidata ng Pilipinas sa Miss Universe 2013, na gaganapin sa November 9, sa Moscow, Russia.

PERSONAL ATTACK. Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ariella kung anong klaseng pambabatikos ang nakakasakit.

Sagot niya, “When it comes to the physical… mga things that I have to improve, it’s not hurtful for me, because I’m aware naman of my weaknesses.

“But what’s really hurtful, pag naging personal na sila.

“Parang, you can judge me physically and with all the trainings concerning Miss Universe, but pag personal, I think that’s none of your business.

“Pag it’s more personal, I think that’s more hurtful.”

Katulad halimbawa ng?

“I don’t know... but I find it really harsh when I read, like, sana I get pregnant so I won’t be representing our country.

“I can’t really see that as constructive criticism, hindi ba?

“Pero ako naman, deadma na lang din, if you know naman na it won’t help you in any way.”

Hindi raw nababahala si Ariella kung nilalait ng iba ang kanyang hitsura.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I know it’s inevitable, di ba?

“You can’t please everyone.

“Kahit how perfect you are as a person, parang hindi pa rin, e.

“Bahala sila [kung] yun ang tingin nila sa akin.

“Basta ako, I know myself.

"I’m a confident person, you just have to be yourself.

“Kung gano’n ang tingin nila, sila ang may problema.”



ON ERVIC VIJANDRE. Isa sa mga masugid na manliligaw ni Ariella ay ang aktor na si Ervic Vijandre.

(Read: Ervic Vijandre has no regrets in case Ariella Arida rejects him: “At least ako, ginawa ko yung lahat ng best ko, para sa sarili ko.”)

Nang maitanong sa beauty queen ang estado ng kanilang relasyon, sagot nito, “Ganun pa rin po, kasi I told him from the start that I really can’t… na parang I’m giving my priority to Miss Universe.

“I always tell him, ‘Let’s see after the pageant.”

Supportive naman daw si Ervic sa kanyang desisyon.

Nang usisain kung ano ang mensahe sa kanya ni Ervic para sa nalalapit niyang laban sa Miss Universe, ang maiksing tugon ni Ariella: “Good luck daw.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN