Tom Rodriguez disappointed over non-airing of kissing scene with Dennis Trillo in My Husband’s Lover

Sa loob lamang ng ilang buwang pagpapalabas ng My Husband’s Lover ay marami nang nabago sa buhay at career ng aktor na si Tom Rodriguez. Sa kabila nito, tiniyak ni Tom na nakatapak pa rin sa lupa ang kanyang mga paa.


Nanghihinayang si Tom Rodriguez na hindi naipalabas sa telebisyon ang kissing scene nila ni Dennis Trillo sa My Husband’s Lover.

Ngayong gabi, October 18, ang huling episode ng phenomenal hit primetime series na ito ng GMA.

Gumaganap dito sina Tom at Dennis bilang gay lovers, sina Vincent at Eric.

Sabi ni Tom sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Ako, may panghihinayang ako, kasi pinaghirapan namin nang husto yung eksenang yun.

"Pero, wala sa amin ang desisyon, e.

"At least, as performers, kami ni Dennis ay nagampanan namin tungkulin namin.

"Kami rin, nagulat rin kami na ganun nga ang nangyari.

“Pero sa DVD version, dun na ’ata ipapakita."

Nagbalik-tanaw rin si Tom noong ginagawa nila ang kissing scene nila ni Dennis.

"Nakakatawa nga, kasi sobrang kinakabahan ako.

“Buti na lang si Dennis ay napaka-professional na tao.

"Alam kong pareho kaming hirap, pero kailangang gawin.

“Sabi ko nga sa kanya, ‘Ipikit na lang natin ang ating mga mata!’” sabay tawa ng pinakabagong Kapuso matinee idol.

Ngayong tapos na ang My Husband’s Lover, nagpapasalamat si Tom sa naging mainit na pagtanggap ng mga manonood sa kanilang programa.

"Sobrang nagpapasalamat ako sa mga viewers, kasi sobrang laki ang nagawa nito sa career ko.

"At saka sa whole production, kasi sa audition namin noon, ang dami nilang puwedeng pagpilian, pero ako ang kinuha nila.”

Nakausap ng PEP si Tom sa presscon ng Bekikang, noong October 15, Martes, sa Citybest Restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City.



STILL GROUNDED. Sa kabila ng kasikatang tinatamasa niya ngayon, nananatiling nakatapak pa rin daw sa lupa ang mga paa ni Tom.

Aniya, "Oo naman po.

“The people are there to remind me always na kailangang maging humble pa rin ako.

"My parents are there to remind, na kapag humihingi ako ng advice, lagi nilang sinasabi na, ’Anak, lahat ng ito, lahat ng kasikatan, lahat ng adoration na ito, all of these will fade in time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Pero kung paano ka nakitungo sa mga tao, sa mga nakasama mo, yun ang mag-e-endure.’

"Yung relationship sa mga tao, yun ang masarap i-maintain, e.

“Kaya, I know in my heart that I have to stay grounded and humble.”

Dagdag ng former Pinoy Big Brother housemate, "Actually, whatever is happening now, going here, ay nagulat ako na ganito ang mangyayari, e.

“Hindi ko alam na lalampas ito sa expectation ko sa career ko.

"Noon kasi, I was already comfortable kung ano ang nangyayari sa akin.

"Kung dumating man sa point na mawawala na ito, itse-cherish ko talaga ito.

“Sabi nga, ’Don’t cry over what has happened.’

"Ready naman ako diyan.”

Simple lang naman daw kasi ang hangad niya sa buhay bago siya pumasok sa show business.

Kuwento niya, "I was born here [in the Philippines], pero I grew up in Arizona.

"Ang pinakahangad ko lang po ay maging isang pintor... maging illustrator or magtrabaho sa mga comic books.

"Hindi ko naman inasahan na magiging artista ako—sobrang malayo siya sa ini-expect ko para sa sarili ko.

"Hindi naman ako nanghihinayang, kasi sobra akong nag-e-enjoy sa kinalalagyan ko ngayon.

"Ang dami kong natutunan dito, hindi lang in terms of acting, kundi tungkol sa life’s lesson na rin.

"Acceptance of people, acceptance of the changes, and acceptance of the things you can’t control.

"At saka, yung things na hindi ka naman maaapektuhan, don’t dwell on it, kasi baka ma-ruin lang ang araw mo."



WORLD TOUR. Samantala, excited na si Tom sa world tour ng My Husband’s Lover (MHL), na magsisimula sa huling linggo ng Nobyembre.

Ito ay pagkatapos ng matagumpay na One More Try: My Husband’s Lover Concert, noong October 12 sa Smart Araneta Coliseum.

(View photos: My Husband’s Lover concert highlights)

Sabi ni Tom, "Sobrang saya ko na mapapanood ng buong family ko ang world tour ng MHL sa San Diego, sa California.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Happy ako na first time akong mapapanood ng family ko na nagpi-perform.

“Kasi sa bahay ay hindi mo naman ako mapapa-perform o mapapakanta... wala silang idea talaga.

"Ang alam ko, kung saan-saan kami mapupunta. We have Los Angeles, Maryland, San Francisco, and New York pa ’ata.

“Hindi ko pa talaga alam ang buong schedule, pero ako, sobrang excited ako.

"Pero, this end of the month, punta muna akong Singapore. Parang bakasyon ko na rin.

"Tinanong ko kasi mga kaibigan ko kung saan magandang mag-relax.

“Iniisip ko sana na dito na lang sa Pilipinas, pero sabi nila, ‘Mag-out of the country ka. I-refocus mo ang sarili mo.’

“Kasi, sa sobrang busy ng schedule ko.

“Sabi nila, baka raw kung mag-Palawan ako o saan man dito sa atin, baka raw hindi ko maramdaman na nagbakasyon ako.

"And then, sa January [2014], baka bumalik ako ulit sa States."



LEADING MAN. Si Tom ang “leading man” ni Joey Paras sa launching movie ng huli, na Bekikang: Ang Nanay Kong Beki, mula sa direksiyon ng box-office director na si Wenn Deramas.

Kinumusta ng PEP kay Tom ang working relationship nila ni Direk Wenn.

"Masaya kami sa set! Nakailangang movies na rin ako sa kanya, di ba?

"Ibang experience talaga kapag kasama ako sa grupo ni Direk Wenn.

"Parang hindi kami nagsu-shoot. Puro tawanan, kuwentuhan ng kung anu-ano, kulitan.

"Basta with Direk Wenn, comfortable din ako.

“Sabi ko nga, it was a happy set also, like yung MHL set."

Nakatrabaho na ni Tom si Direk Wenn sa mga pelikulang Petrang Kabayo (2010) at Ang Tanging Ina Mo, Last Na ‘To (2010).

Pagkatapos nito ay inilarawan ni Tom ang role niya sa pelikula.

"Dito kasi, parang ako yung love interest ni Joey.

“Pero hindi ako gay dito, straight ako.

"It gave me the freedom to break away sa role ko dun sa MHL, kasi magkaiba sila, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naramdaman ko na may pahinga ako kay Vincent, kasi ako dito si Fortunato.

"Unang-una ay probinsiyano siya and, yeah, he’s heterosexual.”

Masaya rin daw si Tom sa kanyang “leading lady” na si Joey Paras.

"Siyempre naman! This guy is such a professional actor.

"Magaling siya sa timing, sa delivery ng lines, sa emotion… grabe!

"Joke ko nga sa kanya, na kahit si Dingdong [Dantes] talaga ang choice niya for this, perfect second choice naman ako.

"Pero, I think, siya rin ang nag-recommend ng name ko nang hindi naging available si Dong.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN