Freddie Aguilar on his 16-year-old girlfriend: “Mahal ko po si Jovy at wala po akong inaagrabyadong tao.”

Legendary singer Freddie Aguilar claims he had no idea that his girlfriend was a minor during their courtship. “Noong makilala ko siya sa Mindoro, I thought she was around twenty, twenty-one [years old], kasi medyo matangkad siya, mature looking siya. Kaya lang noong malaman ko na sixteen siya, kami na.”


Inulan ng batikos ang 60-year-old singer na si Freddie Aguilar dahil sa pakikipagrelasyon nito sa isang menor de edad.

Sa panayam ng GMA morning show, Unang Hirit, ngayong araw, October 18, ibinahagi ni Freddie na love at first sight ang kwento ng pag-iibigan nila ng nobyang pinangalanan niyang Jovy.

Mayroon daw siyang gig noon sa Mindoro nang masilayan niya ang dalagita na nanonood sa kanyang performance.

“Na-in love na po ako noong nakita ko siya for the first time sa Mindoro. Talagang na-in love na ako sa kanya, tapos akala ko hindi na kami magkikita uli.

“After the show, nakita ko siya at nagpa-picture siya sa akin. ‘Yon na yung pagkakataon ko para maibigay yung card sa kanya. Split second lang, kasi maraming nagpapa-picture kaya I made it a point na maibigay ko ang card ko sa kanya.”

Hindi raw niya akalain na 16 years old lang ang dalagita.

Tila maiksing panahon niya lang ito nilagawan dahil huli na nang malaman ni Freddie na menor de edad pala ito.

“Noong makilala ko siya sa Mindoro, I thought she was around twenty, twenty-one [years old], kasi medyo matangkad siya, mature looking siya.

"Kaya lang noong malaman ko na sixteen siya, kami na.”

Ganunpaman, ang mahalaga raw para kay Freddie ay tanggap ng mga magulang ni Jovy ang kanilang relasyon.

Sa katunayan, kamakailan lang ay bumisita raw ang nanay ng dalagita sa bahay ng singer sa Fairview.

Paglilinaw ni Freddie, maging ang pamilya niya ay hindi tutol sa pakikipagrelasyon niya kay Jovy.

Matapang ngang ipinagtanggol ang kilalang singer ng anak niyang si Maegan Aguilar laban sa pambabatikos ng publiko.

(Read: Maegan Aguilar lashes back at critics of dad Freddie Aguilar’s relationship with 16-year-old girlfriend)

Saad ni Freddie tungkol dito, “Ang mga anak ko naman, ever since na mahiwalay ako sa nanay nila, they’ve always supported me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In fact, sa akin nga sila nakatira. Kasi very close kami sa mga anak namin. Pinalaki namin yung mga anak namin na malawak ’yung pag-iisip.”

Samantala, inamin ni Freddie na matagal na panahon siyang naghintay na umibig muli, kaya’t hindi raw niya palalampasin ang pagkakataong makasama si Jovy.

“Ngayon lang po ako nagkaroon ng seryosong relasyon sa loob ng twelve or fourteen years. Pasama-sama lang po ako sa agos.”

Bagamat marami ang hindi sang-ayon sa pakikipagrelasyon niya sa isang 16 taong gulang, iginiit ni Freddie na hindi batayan ang edad pagdating sa usapang-pag-ibig.

Depensa niya, “Kaya nga po ako nagpaunlak na magpa-interbyu, para maintindihan po nila na hindi ko po mapipigil ang puso ko kung iibig po ako sa isang tao.

“Wala naman pong nakalagay sa batas na hindi ka pwedeng umibig kung mas bata sa iyo o mas matanda sa iyo, o mas mahirap sa iyo, o mas mayaman sa iyo. Wala naman pong ganoon ang pag-ibig.”

Dagdag pa ng singer, malinis ang intensiyon niya kay Jovy.

“Basta ako po, mahal ko po si Jovy, at wala po akong inaagrabyadong tao."

Balak daw niyang pakasalan ang dalaga pagdating ng tamang panahon.

“Ganun ang plano namin ni Jovy. Pinag-uusapan namin na pag dumating yung tamang time, magpapakasal po kami.

"Siguro, mga two years from now pa po siguro.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN