Freddie Aguilar’s girlfriend openly declares: “Mahal ko siya. Wala na akong pakialam kung anong nakaraan niya.”

Freddie Aguilar’s girlfriend declares her feelings for the Pinoy rock legend: “Sobra, as in. As in mahal ko siya. Hindi ko masabi kung gaano, kasi walang limitasyon ang pag-ibig, e. Basta mahal ko siya! Iyon ’yun. As in, sobra. Mabait siya. Makulit din. Tapos yung mga mali ko, kinu-correct niya. Minsan naiinis ako, ’Hayaan mo na!’ Pero yun ang maganda sa kanya, kasi tinuturo niya sa akin ang tama. Mahal ko siya do’n, e.”


Sa kauna-unahang pagkakataon na nagsalita ang 16-year-old girlfriend ni Freddie Aguilar, sinabi nitong mahal na mahal niya ang singer.

Kuwento pa ng dalagita sa abs-cbn.com ngayong araw, October 19: “Mahal ko siya. Wala na akong pakialam kung anong nakaraan niya, kung ano siya. Basta love ko siya, iyon ’yon.”

Hindi pinangalanan ng news website ang dalagita dahil menor de edad ito.

LOVE AT FIRST SIGHT? Limang buwan pa lang daw ang relasyon nila ng Pinoy rock legend.

Ikinuwento nito kung paano sila nagkakilala ni Ka Freddie sa isang election sortie sa Oriental Mindoro.

Sinabi nitong hindi naman love at first sight ang kanyang naramdaman para sa beteranong singer noong una niya itong makita.

Dagdag pa ng dalagita, “Actually noong una, hindi e. Akala ko joke lang, e.

“Kasi nga, di ba, celebrity siya, e. Ta’s ako, simpleng tao lang ako do’n. Sabi ko, ’Joke ba ’to?’”

Noong panahong yun, binigyan daw siya ni Freddie ng calling card nito.

Umabot daw ng ilang araw bago niya kinontak si Freddie. Ang akala raw kasi niya ay nawala niya ang calling card, pero nasa bulsa lang pala ito ng kanyang shorts.

At noon raw mga panahong yun, hindi naisip ng dalagita na tawagan si Freddie dahil wala naman daw siyang dahilan para kontakin ito.

Ayon pa dito, “Bored lang ako. Naka-unli [unlimited text] naman ako no’n, e.”

Dagdag pa niya, “Tapos, nag-text ako sa kanya. Tapos, yung mga text niya, sakay-sakay din lang.

"Tapos, nung nakipagkita ako sa kanya sa Maynila, nag-stay ako sa bahay niya. Mga twelves days ako do’n.”

Nang makauwi na siya mula sa bakasyon sa Maynila, hindi na raw mawaglit sa kanyang isipan ang 60-year-old singer.

Saad niya, “Pag-uwi ko sa amin, doon ko naramdaman na love ko na pala ’yon. Akala ko joke lang. Pagdating ko sa amin, hindi ako makatulog, laging iniisip ko siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinaalam daw agad ng dalagita sa kanyang ina ang tungkol sa kanila ng singer.

Sabi pa niya, “Tapos, ito na, sabi ko sa nanay ko, ’Ma, uwi na ako sa amin.’

“Sabi ng nanay ko, ’Ito ang bahay mo, saan ka uuwi?’

“Sabi ko, ’Kay Freddie. Hindi ko alam, Ma, basta mahal ko na siya, e.’"

Dagdag pa niya, “Tapos sabi ng nanay ko, ’Anak, mahirap ’yan, kasi, di ba, celebrity ’yan? Maraming babae ’yan.’

“Sabi ko, ’Ma, okay lang ’yon, basta mahal ko siya.’ Tapos, ’yon, pinayagan niya ako... sa bahay nila. Sabi ko, ’Ito na, love na ’to, e.’”

SHE SAID YES THRU TEXT. Naging mas malapit pa ang ugnayan ng dalawa, hanggang sa ipinagtapat na ni Freddie ang nararamdaman niya sa pamamagitan ng text.

Natatawang kuwento ng singer, “Hindi siya sumasagot.

“Sabi ko, ’Ayaw siguro.’ So tinext back ko siya, ’Okay lang naman kung ayaw mo. Di bale na lang.’

“Tapos nag-text siya sa ’kin, ’Hindi, busy lang kasi ako.’”

Kahit daw parati silang may oras para sa isa’t isa, nanatili pa ring palaisipan sa babae ang tanong ng singer.

Dagdag pa ng dalagita, “Sabi niya sa akin, ’Ano, puwede ba kita maging girlfriend?’

“Sabi ko naman, ’Ha? Uh...’ Tapos tumawag siya. Hindi ko alam ang isasagot ko! Tapos pinatay ko.

“Tapos sabi niya, ’Okay lang naman kung ayaw mo e, sabihin mo.’

“Tapos, sabi ko, ’Teka.’ Tapos tinext ko siya ulit. ’Busy lang ako kanina.’ Tapos text lang ako nang text. Tapos iyon na, doon na nagsimula.”

Ayon kay Freddie, hindi niya alam ang totoong edad ng dalagita noong sila’y magkakilala, pero hindi raw niya maiwasang ma-in love dito.

Aniya, “Ang naramdaman ko sa kanya, mahal ko siya, kahit pa sabihin mong sixteen [years old].

“Ni hindi ko nga naisip na umatras, e. Ang naisip ko lang, ’Anong magagawa ko, nandito na ’to e, na-in love na ako, e.’ Paninindigan ko na ’to.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang sumunod daw na hakbang ng singer ay ang lumapit sa mga magulang ng dalagita at ipagtapat ang kanilang relasyon, dahil alam daw niya ang importansiya ng basbas ng magulang, lalo na’t ito ay isa palang minor.

Kuwento pa niya, “Nararapat lang ’yon, kasi menor de edad siya. Kung di ko ipapaalam ’yon, pangit ang dating sa magulang niya n’on.

"So, sabi ko sa kanya, ’Babe, paalam natin sa nanay at tatay mo na meron na tayong relasyon.

"Kailangan malaman nila, at sa ’tin mismo manggaling, hindi kung saan-saan pa manggaling.”

UNFAZED BY CRITICISMS. Dumagsa ang maraming kritisismo at batikos kay Freddie sa social networking sites, simula nang aminin nito sa publiko ang kanyang limang buwang relasyon sa isang babaeng mas bata sa kanya ng halos 44 na taon.

Pero nanatiling matibay ang loob ng singer, at hindi na lang daw niya pinapansin ang mga batikos.

Saad niya, “Hindi ko alam kung may nilalabag akong batas. Kung meron man, ewan ko kung masasakop ng batas ang puso ko.

“Kasi nung batas militar din, ipinagbabawal ng batas ang mga kinakanta ko, pero kinakanta ko pa rin.

“Puwede nga akong mamatay nung mga panahon na ’yon e, pero hindi na sakop ng batas militar ang puso ko, e.”

Matatandaang isang aktibong militante si Freddie noong panahon ng dating Pangulong Ferdinand Marcos, na nagdeklara ng martial law noong 1972 at siya ring nagpawalang-bisa nito noong 1981.

Pero, ibang usapin daw ang kanyang puso pagdating sa mga batikos, na inayunan naman ng kanyang karelasyon.

Ayon pa sa kanyang girlfriend, “Tao ako e, hindi ako manhid. So, masakit. Pero hindi ako nasasaktan sa mga komento nila e, na kesyo ganito, ganito, ganito.

“Nasasaktan ako sa realidad ng buhay na baka isang araw, yung relasyon namin ay masira dahil sa mga isyu na gano’n. Yun lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nais daw nitong huwag maapektuhan ng kontrobersiya ang relasyon nila ng singer. Saad niya, “Hindi natin masasabi, pero sana hindi. Sana huwag.”

WEDDING IN TWO YEARS? Pinanindigan ng girlfriend ni Freddie ang nararamdaman niya para sa singer, sa gitna ng mga kritisismo sa kanila.

Ipinaramdam raw niya kung gaano niya kamahal ang singer na nagpasikat sa awiting “Anak.”

Paglalarawan ng dalagita, “Sobra, as in. As in, mahal ko siya. Hindi ko masabi kung gaano, kasi walang limitasyon ang pag-ibig, e. Basta mahal ko siya, iyon yun. As in, sobra.

“Mabait siya. Makulit din. Tapos yung mga mali ko, kinu-correct niya. Minsan naiinis ako, ’Hayaan mo na!’

"Pero yun ang maganda sa kanya, kasi tinuturo niya sa akin ang tama. Mahal ko siya doon, e."

Pinag-uusapan na rin daw nila ang mga magiging plano nila sa buhay, kasama na ang pag-asang makakasal sila mga dalawang taon mula ngayon.

Saad naman ni Ka Freddie na natatawa, “Medyo maganda-ganda na ang takbo ng utak niya noon, eighteen na siya noon, e.

"Baka malay mo, bukas, magising ito, mauntog ito, magbago isip nito.”

Pero bawi niya sa girlfriend, “Joke lang, Babe."

Pinag-usapan na rin daw nila ang civil wedding, pero mas gusto daw ni Freddie na sa simbahan sila ikakasal.

Sabi ng singer, “Sa simbahan sana, kung pahintulutan kami makarating doon.”

Masaya naman daw siya na tanggap ang kanilang relasyon ng kanyang mga anak. Ayon pa kay Freddie, naging kabarkada na ng mga ito ang kanyang girlfriend.

Matatandaang sa Facebook ay dinipensahan ni Maegan Aguilar ang relasyon ng ama sa bagong girlfriend.

Ang bunso naman ni Freddie na si Jeriko, 24, ay tanggap din daw ang girlfriend ng ama.

Handa naman kaya ang “babe” ni Ka Freddie na pakasalan ito?

Sagot ng dalagita, “Medyo, pero hindi pa gano’n kahanda. Kulang pa. Hindi pa sapat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mensahe pa ng dalagita sa mga kritiko, “Pag na-in love kayo, maiintindihan niyo rin ako. Ako, nandito na ako sa stage na sixteen pa lang ako, pero alam ko na na matured na yung puso ko para magmahal. Yun lang.”

Sa November 17 ang ika-labimpitong kaarawan ng dalagita.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN