Ramon Revilla Sr. on son RJ’s involvement in Ramgen Revilla murder case: “Inosente po ang aking anak.”

Former Senator Ramon Revilla Sr. maintains his son RJ’s innocence in the murder of RJ’s brother Ramgen two years ago. His statement reads in part: “Para akong nabagsakan ng mundo nang malaman ko na ang aking anak na si Ramon Joseph ay hindi nabigyan ng piyansa ng hukuman. Ako po ay naniniwalang hindi magagawa ng anak ko ang ganyang bagay na karumaldumal.”


Sa darating na October 28 ang ikalawang taong anibersaryo ng karumaldumal na pagpatay kay Ramgen Revilla, kapatid ni Senator Bong Revilla sa ama.

Ang dating senador na si Ramon Revilla Sr. ay ama nina Ramgen at Bong, ngunit sa magkaibang ina.

Sa unang pagkakataon, nagbigay ng pahayag ang Revilla patriarch tungkol sa pagpaslang kay Ramgen.

Nagpahiwatig din ito ng dismaya at galit sa pagkakakulong ng isa pa niyang anak, si Ramon Joseph "RJ" Bautista—ang nakababatang kapatid ni Ramgen, na ayon sa mga imbestigador ay siyang nagpapatay kay Ramgen.

Sa statement na nakuha ng InterAksyon.com kahapon, October 18, pinangatawanan ni Ramon Sr. na inosente ang anak nitong si RJ.

Ikinulong si RJ noong 2011 sa Parañaque city jail. Kasalukuyang nakakakulong si RJ sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.

Hindi pinayagang magpiyansa si RJ ni Judge Fortunato Madrona ng Parañaque City Regional Trial Court Branch 247.

Ang isa pang kapatid nina Ramgen at RJ, si Ramona, ay kinasuhan din kaugnay ng pamamaslang kay Ramgen, ngunit nakalabas ito ng bansa papuntang Hong Kong bago makuha ng mga awtoridad. Pinaniniwalaang nasa Turkey ito ngayon, kasama ang asawa.

Sina RJ at Ramona ang siyang inakusahan ng mga imbestigador na mga utak ng naturang krimen, kasama ang limang iba pang suspek, dahil sa diumano’y selosan sa paghati-hati ng kanilang buwanang allowance mula sa ama.

(READ: Two suspects assert that Bautista siblings involved in Ramgen Revilla’s slaying)

Sina Ramgen, Ramona, at RJ ay tatlo sa siyam na anak ng dating senador kay Genelyn Magsaysay.

Inilabas ang pahayag ng dating senador at aktor noong Huwebes, Oktubre 17, kasabay ng pagdiriwang ni RJ ng kanyang ika-20 kaarawan.

Sinabi rito na inaresto si RJ nang walang kaukulang warrant of arrest.

Ayon pa sa pahayag ni Ramon Sr.: “Para akong nabagsakan ng mundo nang malaman ko na ang aking anak na si Ramon Joseph ay hindi nabigyan ng piyansa ng hukuman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako po ay naniniwalang hindi magagawa ng anak ko ang ganyang bagay na karumaldumal.”

Diin ng dating senador: “Inosente po ang aking anak.”

Umapela din ang dating senador ng dasal mula sa publiko para raw makakamit na ng hustisya sina Ramgen, RJ, at Ramona.

Ang statement ng Revilla patriarch ay may kasamang thumbmark nito.

Matatandaang sa kasagsagan ng imbestigasyon sa pamamaslang kay Ramgen, inakusahan ng ina nitong si Genelyn Magsaysay si Senator Bong, na nag-impluwensiya raw sa imbestigasyon ng pulisya kaya nadiin sa krimen sina RJ at Ramona.

(READ: Senator Bong Revilla condemns sister Ramona Bautista’s move to leave the country; says what she did is "sign of guilt")

(READ: Genelyn Magsaysay takes a swipe at Senator Bong Revilla; tells him not to use her son’s murder case as publicity stunt for the elections)

Matatandaan ding noong gabi ng October 28, 2011, may armadong lalaki na diumano ay pumasok sa bahay nina Ramgen sa BF Homes Parañaque.

Doon ay binaril at sinaksak si Ramgen, pati na ang girlfriend nitong si Jannelle Manahan.

Isinugod sa Paranaque Medical Center si Ramgen, pero idineklara itong dead on arrival. Twenty-two years old si Ramgen noon.

Si Janelle naman ay nakaligtas, matapos ma-ospital ng ilang linggo para gamutin ang mga natamong sugat.

Sa testimonya ni Janelle, sinabi nitong sina RJ at Ramona ay kasabwat ng mga killers na pumatay kay Ramgen, na ka-live in nito.

(PEP SPECIAL REPORT Part 1: Janelle Manahan says she never imagined the Bautista siblings would be capable of murdering Ramgen Revilla)


(PEP SPECIAL REPORT Part 2: Janelle Manahan on Ramgen Revilla’s siblings: "Walang tears, walang panic, walang grieving...")


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN