Dennis Trillo and Tom Rodriguez gear up for My Husband’s Lover US tour and album promo

Dennis Trillo on their forthcoming US tour for the recently concluded GMA teleserye My Husband’s Lover: “Medyo magiging busy pa rin naman po kami dahil magpu-promote kami ng album, tapos may US tour. Pero mami-miss ko yung ginagawa namin sa My Husband’s Lover dahil sobrang memorable po talaga yun para sa amin.”


Live na nag-guest sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez sa Startalk TX kanina, October 19, at ang unang itinanong sa kanila ng Startalk TX host na si Joey de Leon ay kung hindi ba nila mami-miss ang isa’t isa ngayong tapos na ang pag-ere ng My Husband’s Lover.

“Hindi, may US tour pa e,” ang sagot ni Tom, na ang tinutukoy ay ang My Husband’s Lover concert tour nila sa Amerika.

Ayon naman kay Dennis, “Medyo magiging busy pa rin naman po kami dahil magpu-promote kami ng album, tapos may US tour.

“Pero mami-miss ko yung ginagawa namin sa My Husband’s Lover dahil sobrang memorable po talaga yun para sa amin.”

Ang ilan daw sa mga pupuntahan nilang lugar sa American tour ay ang mga lungsod ng San Diego at Los Angeles sa California.

“Excited na yung family ko, na for the first time mapapanood nila ako mag-perform, kasi dati hindi ko naman ginagawa ito e,” ang natatawang sabi ni Tom.

Matagal ding nanirahan si Tom sa Amerika noong hindi pa siya artista, at naka-base pa rin doon ang kanyang mga magulang at kapatid.

May bago ba silang ipapakita sa US tour na hindi napanood sa Araneta Coliseum concert nila?

“Napakarami nilang dapat abangan dahil, iyon na nga, first time na pupunta ng My Husband’s Lover para umikot sa iba’t ibang lugar sa US. Kaya sobrang happy rin kami na makikita namin yung mga sumusuporta sa amin doon,” sinabi ni Dennis.

Bukas ng gabi, Linggo, ipapalabas sa SNBO ng GMA ang One More Try: My Husband’s Lover The Concert sa Araneta Coliseum, na ginanap noong Sabado, October 12.

“Ang kulit lang niya kasi in-character pa rin ang atake namin sa buong show e,” sinabi naman ni Tom.

“Parang iyon na yung send-off namin nung show, kaya feeling namin parang extension siya ng wrap party namin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HOT ALBUM. Available na rin ang TomDen album nina Tom at Dennis.

“Ang nakakagulat dun, nalaman namin, pinapasabi na sa first two days pa lang, naka-number one na kami sa iTunes, kaya talagang nagpapasalamat kami sa lahat ng bumili at nag-download,” pahayag pa rin ni Tom.

May revival sila doon ng kantang “One More Try” na duet, at ang kantang “Forever.” Marami ring kasamang OPM revivals mula noong ’80s at early ’90s.

May album tour sila bukas sa SM Valenzuela, at sa November 3 naman sa SM Marilao.

NO INVOLVEMENT IN RECENT BREAKUPS. Sa puntong ito ay itinanong naman ng Startalk host na si Lolit Solis kung bakit kamakailan ay nadawit ang pangalan ni Dennis sa breakup nina Cristine Reyes at Derek Ramsay.

At ngayon naman daw ay nadadawit ang pangalan niya sa hiwalayang Jennylyn Mercado at Luis Manzano.

Sina Cristine at Jennylyn ay naging mga girlfriend ni Dennis.

“Nakakaloka naman ’yang mga tanong! Pag-uusapan natin ’yan sa harap ni Beh? Nakakahiya naman kay Beh,” pabirong sagot ni Dennis, na ang tinutukoy ay si Tom.

Pabiro namang sabat ni Tom, “Anong kaguluhan ito? Akala ko ako lang?!”

“Hindi totoo yun, huwag kang mag-alala,” pabiro pa ring paglinaw ni Dennis kay Tom.

Matapos ang maikling biruan, nagseryoso na si Dennis at saka madiing itinanggi ang mga haka-haka, “Hindi po totoo yun, hindi po totoo. Ewan ko kung bakit ako nadadamay diyan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN