Julie Anne San Jose on her Star Awards victory: “It’s really an honor.”

Julie Anne San Jose on winning the New Female Recording Artist of the Year award during the recently-concluded Star Awards for Music: “Sa Twitter ko po actually nalaman, tapos iyon sinasabi po nila pumunta daw po ako kasi nominated daw po ako pero iyon nga po hindi nga po ako umabot and then nalaman ko na lang po na winner pala ako. It’s really an honor, it’s a great feeling na nanalo po ako.”


“Okay naman po, masaya,” bungad na pahayag ni Julie Anne San Jose nang kumustahin tungkol sa role niya sa Kapuso drama series na Kahit Nasaan Ka Man.

Hindi na siya hirap dahil hindi na bulag ang papel niya sa show.

“Hindi na po. Kasi mahirap po yung nakatulala, e. Kasi di ba bulag po ako before so kailangan isa lang yung ano [expression].”

Marami ang nakakapansin na magaling na si Julie Anne sa mga eksenang iyakan sa Kahit Nasaan Ka Man.

Paano niya namu-motivate ang sarili niya sa mga ganitong eksena?

“Siyempre po talagang kailangan po ng matinding motivation like kunyari kung paano mo ire-relate yung isang eksena dun sa buhay mo.

“So ayun mas madali po talaga kung nakakakuha ng magandang emosyon,” saad niya.

May nasabihan na ba siya ng Kahit Nasaan Ka Man sa tunay na buhay?

“Hindi pa naman, wala pa, wala pa,” at natawa si Julie Anne.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julie Anne sa taping ng Kahit Nasaan Ka Man ng GMA sa Sampaloc, Manila nito lang Biyernes, October 18.

ON ELMO MAGALONA. Hiningan namin ng reaksyon si Julie Anne na ang dati niyang ka-loveteam na si Elmo Magalona ay may bago nang project, ang Villa Quintana, kung saan kapareha nito si Janine Gutierrez.

Mabilis niyang tugon, “Yeah, of course I’m happy for him kasi may bago na rin po siyang project and may bago na po siyang ginagawa. So I’m really happy for him.”

Sa kanyang pinakahuling panayam sa PEP, sinabi ni Elmo na wala siyang tinatanggihang anumang projects. May lumabas kasing mga isyung panay daw ang tanggi ni Elmo sa mga ibinigay ditong projects ng GMA, kabilang na ang Kahit Nasaan Ka Man na eventually ay naibigay kay Kristoffer Martin ang male lead role.

“Actually ano po e, I don’t know about these things pero I think management decision po talaga, e. ’Tsaka hindi naman po kami ang nagde-decide kung tatanggapin ba namin ang isang project or what, di ba?” depensang pahayag ni Julie Anne para sa dating loveteam partner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON KRISTOFFER MARTIN. Adjusted na si Julie Anne kay Kristoffer bilang leading man niya.

At may nadiskubre pa siya kay Kristoffer bilang katrabaho.

“Seryoso siya pero madaldal,” at tumawa si Julie Anne.

“’Tsaka masayang kasama.”

At tanggap ni Julie Anne na in terms of acting, mas lamang ang experience ni Kristoffer dahil mas matagal na itong nag-aartista kumpara kay Julie Anne na nagsimula bilang singer.

“I admit naman po na talagang mas marami siyang experience sa acting.

“Tulad pong sinabi ko na kailangan talaga ng matinding motivation.”

Tuloy pa rin ang pagiging singer ni Julie Anne.

“Hindi naman po talaga mawawala yun kasi ako po masasabi ko sa sarili ko, I’m a singer who can act at ayoko pong isipin na actress na ako kasi singing po talaga yung forte ko.

“Kumbaga marami pa akong kailangang matutunan sa acting,” pag-amin ng dalaga.

Samantala, kahit na mas naunang nakilala ang Julie Anne at Elmo na tandem, hindi naman daw nagpabaya ang mga fans sa tandem ngayon nina Julie Anne at Kristoffer.

May mga JuliElmo fans pa rin daw na sumusuporta sa Kahit Nasaan Ka Man.

“Oo naman! May mga iba pa rin po siyempre na siguro hindi po nila matanggap pero, yeah that’s how it is po e,” pagkibit-balikat niya.

Mas marami naman daw ang mga sumusuporta kaysa sa mga hindi matanggap ang tandem nila ni Kristoffer.

So ang iba pang JuliElmo fans ay lumipat na rin kay Kristoffer?

“Ah, hindi ko po alam, e. Siguro po let’s just say na kung saan po yung idol nila siyempre dun din po sila, di ba?”

STAR AWARDS VICTORY. Nanalo si Julie Anne sa katatapos lang na Star Awards for Music bilang New Female Recording Artist of the Year pero hindi siya nakadalo sa awarding ceremonies

“Actually hindi ko po talaga ini-expect kasi yung awards night na po na yun, galing po kasi ako sa SM Marilao so hindi po ako umabot dun sa mismong awards night,” panghihinayang niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May nagbiro kay Julie Anne na kung umabot siya ay nagkita sana sila ni Daniel Padilla na dumalo sa awards night.

Matatandaang nagkaroon dati ng isyu sa pagitan nina Julie Anne at Daniel.

“Sobrang tapos na po yang issue na yan,” at napatawa si Julie Anne.

Baka naman sinadya niya talaga na hindi pumunta para huwag silang magkita ni Daniel?

Dagdag niya, “Hindi po talaga ’tsaka hindi rin po kasi ako prepared, e.”

Ano ang naging reaksyon niya noong nalaman niyang nanalo siya ng award?

“Sa Twitter ko po actually nalaman, tapos iyon sinasabi po nila pumunta daw po ako kasi nominated daw po ako pero iyon nga po hindi nga po ako umabot and then nalaman ko na lang po na winner pala ako.

“It’s really an honor, it’s a great feeling na nanalo po ako,” papgmamalaki niya.

NO RIVALRY WITH BEA. Isa si Bea Binene sa mga tinalo niya sa naturang kategorya pero hindi raw iyon nakaapekto sa friendship nila ni Bea; magkaibigan daw sila ni Bea.

“Wala naman pong isyu na ganun, na natalo ko siya like parang may misunderstanding kami just because natalo ko siya or something.

“Wala pong ganun,” pangwakas niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN