Kim Chiu relieved grandma safe after Cebu earthquake; looks forward to new movie with Xian Lim

Hinihikayat ni Kim Chiu ang kanyang kapwa-artista na magbigay ng kahit kaunting tulong para sa mga biktima ng lindol sa Central Visayas.


Sa gitna ng trahedyang dulot ng matinding lindol sa Central Visayas, ibinahagi ni Kim Chiu na nag-alala siya nang husto para sa kanyang Lola Francisca, ang paternal grandmother nitong nakatira sa Cebu.

Unang nailathala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong October 15 ang tungkol sa pag-post ni Angelica Panganiban, Kim, at iba pang Kapamilya stars ng kanilang pakikiramay sa mga biktima ng kalamidad.

(READ: Angelica Panganiban shaken by first-hand experience of Bohol earthquake; asks for prayers on Instagram)

May lakas na 7.2 magnitude ang tumamang lindol sa Bohol, Cebu, at iba pang karatig-probinsiya.

Ayon kay Kim, unang beses daw naranasan ng kanyang Lola Francisca ang ganoon katinding lindol.

"Yeah, at first, natakot kami kasi mga yaya lang nandoon. Pati aftershocks ang dami. Not just twice, siguro mga limang beses," kwento ni Kim nang makapanayam siya ng PEP sa ginanap na Bodog Nation Sports Fest, ngayong araw, October 19.

Tinawagan daw agad ni Kim ang kanyang lola upang siguruhing ligtas ito. Bagamat natakot nga raw si Lola Francisca sa naganap na sakuna, ipinagpapasalamat nito na hindi apektado ang lugar na kinatatayuan ng bahay nila.

Lahad ng aktres, "So, tinawagan namin siya. Mabuti na lang kasi bungalow naman yung house namin dun."

Dala ng pag-aalala niya para kay Lola Francisca, iminungkahi ni Kim na tumira na ito sa bahay ng aktres sa Quezon City. Ngunit matigas daw ang ulo ng kanyang lola, at gustong sa Cebu pa rin manirahan.

"Ayaw niya umalis kasi dun na raw siya lumaki. Sabi niya bahala na kung mamatay siya. Sabi ko, ’Huwag naman muna!’"

Pagkatapos siguruhing nasa mabuting kalagayan ang kanyang lola, agad din nagpadala ng tulong si Kim para sa mga biktima ng lindol sa Cebu.

"Yeah, nagpadala na kami ng relief goods, ng tulong sa Cebu. I want to encourage yung kapwa-artista ko to help also in their own little way, kahit na maliit lang na donation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At least kahit papa’no makatulong tayo sa mga kababayan natin."

Sa kabila ng sunod-sunod na kalamidad na nararanasan ng Pilipinas, nag-iwan ng positibong mensahe ang aktres para sa mga kababayan.

"Sabi nga namin, ano bang nangyayari sa Pilipinas, parang gugunaw na ata ang Pilipinas? Pero yun.

"Siguro it’s a way na rin of saying na lakasan nila ang faith nila, kasi alam natin yung mga churches natin nasira."


NEW MOVIE. Samantala, naitanong ng PEP kay Kim kung ano ang bagong proyekto nito.

Masaya namang ibinalita ni Kim na may panibagong pelikula silang gagawin ni Xian Lim sa ilalim ng produksiyon ng Star Cinema.

Nakapag-look test na raw sila noong Biyernes, October 18.

"It’s directed by Mae Cruz. Hindi naman siya Book 2 ng Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo. It’s another type of romantic comedy.

"Mas gusto ko yung romantic comedy, kasi sa dami ng nangyayari dito sa Pilipinas, gusto ko tumawa yung mga tao, yung mga manonood.

"At least for one hour and forty five minutes, tumawa sila, masaya sila, and ma-in love sila."

Maging si Xian daw ay excited na ring masimulan ang shooting ng bago nilang proyekto.

Saad ni Kim, "Ayun, excited kami and happy and thankful kasi magsisimula na yung movie namin.

"And excited na rin kami kasi regalo na rin namin para sa fans na sumuporta sa amin sa last movie namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN