Kristoffer Martin on rumored breakup with girlfriend Joyce Ching: “Magulo kami ngayon, yun lang ang masasabi ko.”

Kristoffer Martin on alleged breakup with longtime girlfriend Joyce Ching: “It’s a long, long story, basta magulo kami ngayon.”


“Siyempre work yun e, siyempre dapat labas ang personal na pakiramdam dun.

“Siyempre ang una mong gagawin trabaho, iyon naman ang focus natin dun e, yung work,” ang sagot ni Kristoffer Martin sa tanong kung ano ang naramdaman niya nang kunan ang kissing scene nila ng loveteam partner niyang si Julie Anne San Jose sa Kahit Nasaan Ka Man.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kristoffer sa taping ng naturang GMA-7 drama series sa Sampaloc, Manila nitong nakaraang Biyernes, October 18.

Pero siyempre, dahil ilalagay pa rin niya ang sarili sa karakter niya bilang si Leandro, hindi maaaring hindi siya magpakita ng emosyon.

“Siguro may halo na rin pero nangingibabaw kasi yung work, plus ang daming kamera plus ang daming tao, so hindi magiging certain yung feeling na gusto mong maramdaman, e.

“So pure work lang,” muli niyang diin.

Hindi raw nailang si Kristoffer sa kanilang kissing scene.

“Hindi naman, kasi before the take nag-usap kami ni Julie. Kung okay lang ba, ganyan-ganyan ’tsaka tinanong ko lang kina direk [Gil Tejada Jr.] ’tsaka very smooth lang naman.”

May pinagpaalaman ba siya? Nagpaalam ba siya sa girlfriend niyang si Joyce Ching?

“Hindi, wala, wala,” pakli niya.

Okay lang kay Joyce?

“Work lang naman kasi,” dagdag pa niya.

Marami na ring naging kissing scenes si Kristoffer sa mga nakaraan niyang projects.

LESSER BASHERS NOW. Na-bash na ba siya ng mga fans ni Elmo Magalona. na dating ka-loveteam ni Julie Anne?

Aniya, “Nawala na, ay actually nabawasan, hindi na yung katulad ng dati.”

Hindi raw siya sumasagot sa mga bashers.

“Hindi, kasi mas mabuting tahimik na lang kasi pag pinansin mo lalong maku-caught yung attention, e. Kasi sasabihin nila, ‘O patola [pumapatol] ito! Siguro guilty ito.’

“So tahimik na lang.”

BREAKING DOWN JULIE ANNE’S “WALL.” May nadiskubre pa ba siya kay Julie Anne habang tumatagal ang kanilang taping?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She has this strong personality, si Julie. Makapal yung wall niya bago mo siya makilala, pero once you get to know her worth it naman yun, e. Worth it naman,” pag-analisa niya sa ka-loveteam.

Ano nga ang nalaman niya tungkol kay Julie nang mawala na ang wall?

“Akin na lang yun, akin na lang yun. Kasi siyempre yung mga ganyang bagay ano na yun e, for personal ano na lang yun.

“Siyempre kasi kasama na dun yung buhay niya so siyempre ayoko namang pati iyon ay sabihin pa.”

Bilang leading lady, ano si Julie Anne?

“Ano siya... malambing, ’tsaka masayahin siyang tao. Mahilig siyang kumanta. Pag mga tengga moments nandun siya sa grand piano sa set, kakanta-kanta lang siya,” masaya niyang kuwento.

Sa Sunday All Stars, ilang beses na ring naghubad si Kristoffer sa mga production numbers.

“Tatlong beses na ’ata,” pag-alala niya.

Okay lang daw kay Kristoffer na magpakita ng hubad na katawan, pero hindi pa raw siya gano’ng ka-confident.

“Pero bahala na ang audience kung maumay sila sa katawan ko kasi wala pa naman akong abs,” at tumawa ang binata.

Hindi pa siya rumampa nang hubad sa Cosmo Bash.

“Hindi pa po, baka pag twenty na ako, eighteen pa lang po ako, e.”

“Sabi rin kasi ni Alden, huwag muna. Siya rin nag-a-advise din.”

“Huwag muna raw, kasi kuya-kuyahan din naman yun e,” saad niya.

May abs naman dati si Kristoffer.

Panghihinayang niya, “Nawala kasi kain nang kain. Kain, puyat.”

May nasabihan na ba siya sa tunay na buhay ng “kahit nasaan ka man?”

Mabilis niyang sagot, “Oo, family siguro. Siguro si Joyce.”

SUPLADO? Alam ni Kristoffer na sa iba ay suplado ang pagkakakilala sa kanya.

“Pag nakikita ako sa personal, kasi ako kasi siyempre ayoko namang magmukhang, ‘Hello! Hello!’

“Hindi naman ako kandidato,” at muli itong natawa. “Siyempre, malay ko ba kung kilala pala nila ako baka mamaya kakaway ako hindi naman ako kilala ako naman yung nagmukhang tanga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, iyon po yung nakakahiya.”

Hindi naman siya nasasaktan kapag sinasabihan siyang suplado.

“Dati, pero nasanay na rin ho kasi, e. Kasi nung high school pa ako ganun din madalas akong napapaaway dahil suplado daw, mahangin daw, ganyan-ganyan.

“Siguro dahil pag naglalakad ako, lalo na pag mag-isa, hindi ako namamansin talaga.

“Kasi nakakahiya naman, kausapin mo, sabihin baliw ka,” natatawa niyang payahag.

Magna-nineteen siya sa November 20 at wala pa raw siyang planong celebration.

BUSINESS VENTURE. Gusto raw magtayo ni Kristoffer ng negosyo balang araw.

“Hindi ko pa alam kung ano yung business na gusto ko, e.

“Iyon lang, ’yon yung inaaral ko, kung saan mas kikita. Kasi gusto ko rin yung parang, apartment kasi malaki din yung kinikita dun.

“Hindi ko pa alam. Kasi dun mo na ibubuhos yung pera mo e, papalakihin mo na lang kasi dun sa business,” detalye niya.

So mapera na siya?

Mabilis niyang pagtanggi, “Hindi naman po. Siyempre nagiging practical for future purposes lang.”

FLOOD. Naapektuhan sila ng nakaraang bagyo dahil binaha ang bahay nila sa Olongapo.

“Yung bahay po namin lumubog. Dati hanggang kalahati lang sa bahay, ngayon lumampas na sa tao.

“Nandun po kasi yung daddy ko, yung lola ko, yung isa ko pang lola plus yung pinsan ko, plus yung mga katulong.

“Umalis sila pero hindi na nila naisalba yung gamit.

“Ngayon wala nang tubig pero ang sabi kasi ni daddy sisirain yung bahay tapos ipapatayo na lang ng mas mataas.

“Kasi ilang beses na rin po kaming binaha, pero yung pinakamataas itong recent lang kasi sobrang lampas-tao. First time pong ganun kataas.

“Iniwan na lang nila, nag-hotel na lang sila. Pati mga damit wala.”

DREAM ROLE. Ano ang dream role ni Kristoffer?

“Gusto ko yung mga joker na role e, yung sa Batman. Mga ganun, medyo psychotic. Kasi feeling ko, dun ako matsa-challenge pa kasi iba yung mundo kasi nun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi mo alam yung tumatakbo sa utak niya so dun ako naku-curious kung paano ko aatakehin, kung paano ko ba mabibigyan ng justice yung ganung role, kung kaya ko ba.”

Kung gay role?

“Okay lang kung malinis naman pero kung mga siguro bed scene sa lalaki, halik sa lalaki, hindi.”

Sa Kahit Nasaan Ka Man ay madalas na si Eula Valdes ang kaeksena niya bilang inampon siya nito sa kuwento.

Mahusay na aktres si Eula; hindi ba siya nahihirapang sumabay sa pag-arte dito?

“Nung una lang po, nung una lang, as in nung first day. Ngayon okay-okay na po. Pero siyempre andiyan pa rin yung nakakatakot, na minsan natatakot akong umarte.

“Pero okay naman po kasi ang ginagawa ko nakikipag-close po ako sa kanila, kinakausap ko sila,” saad niya.

Kasing-edad niya ang anak ni Eula.

Aniya, “Oo nga po, nagkukuwento nga po siya tungkol sa anak niya.”

BREAKUP WITH JOYCE CHING? Pagkatapos ng interview namin kay Kristoffer ay muli na itong bumalik sa set para mag-taping, at noon naman ay may nakapagsabi sa amin na break na raw sina Kristoffer at Joyce.

Kaya minabuti naming puntahan si Kristoffer at kausaping muli.

Naghahanda na ito para sa eksena kaya mabilisan lang ang naging pag-uusap namin.

Sa tanong namin kung break na nga sila, ang sinagot ni Kristoffer ay…

“Magulo kami ngayon, magulo, yun lang ang masasabi ko.

“It’s a long, long story, basta magulo kami ngayon,” pangwakas niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN