Julie Anne San Jose hopes that Kahit Nasaan Ka Man gets extended: “Marami po kasing revelations talaga.”

Julie Anne San Jose on how she would feel if her teleserye Kahit Nasaan Ka Man gets an extension: “Wala naman po sigurong cast na ayaw ang ma-extend ang show nila, di ba? ’Tsaka a lot of things are parang kaabang-abang ’tsaka, basta maganda po kasi talaga yung story kaya sayang naman po, di ba, kung hindi mae-extend.”


Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Julie Anne San Jose sa taping ng Kahit Nasaan Ka Man sa Sampaloc, Manila nitong nakaraang Biyernes, October 18, tinanong namin si Julie Anne kung may nanliligaw ba sa kanya ngayon.

“Hindi ko po alam e, siguro meron po pero… hindi ko po alam,” at tumawa ang young actress/singer.

Artista ba ito? Taga-Sunday All Stars ba ito?

“Hindi ko po alam, e. Hindi ko po alam.”

“Siguro when it comes to things like that, hindi naman siguro ako ang kailangang tanungin,” natatawa niyang sagot.

ON RURU MADRID. May tsismis na may crush sa kanya si Ruru Madrid.

Tumawa at nag-blush si Julie Anne nang mabanggit ito.

“Hindi po, may blush on po ako,” at tumawa nang tumawa si Julie Anne.

“Hindi po, hindi po. Si Ruru po, kasi… ewan ko, hindi ko alam kung bakit nga po, e.”

Close ba sila?

“Hindi po. Hindi, kasi nga po di ba before may mga numbers po kami sa Sunday All Stars na magkasama po kami, tapos iyon nga parang inaasar-asar siya.”

Fifteen-years-old si Ruru at nineteen naman si Julie Anne.

“Wala, he’s just a younger brother to me,” saad niya.

Meron bang hindi gusto si Julie Anne sa pagiging isang aktres? Nagsimula kasi siya bilang singer.

Aniya, “Wala naman po. I still haven’t figured out that yet. So far wala pa naman po.”

Ine-enjoy raw niya ang pagiging aktres.

Ayon kay Julie Anne, “Ever since, I’m really passionate about singing, but sa ngayon po, actually pantay-pantay po sila, singing and acting.”

POSSIBLE EXTENSION FOR KAHIT NASAAN... May posibilidad na ma-extend ang Kahit Nasaan Ka Man dahil sa maganda nitong ratings at kuwento.

Gusto raw iyon ni Julie Anne.

“Oo naman po. ’Tsaka wala naman po sigurong cast na ayaw ang ma-extend ang show nila, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

’Tsaka a lot of things are parang kaabang-abang ’tsaka, basta maganda po kasi talaga yung story kaya sayang naman po di ba, kung hindi mae-extend,” dagdag niya.

Marami pa raw magagandang mangyayari sa show nila nina Kristoffer Martin, Lucho Ayala, Tessie Tomas, Michael de Mesa, Rita Avila, Yayo Aguila at Eula Valdes.

“Marami po kasing revelations talaga,” sabi pa ni Julie Anne.

ON LUCHO AYALA. Speaking of Lucho, wala itong girlfriend, at bagay sina Julie Anne at Lucho. Hindi ba si Lucho ang nagpaparamdam sa kanya?

Mabilis niyang pagtanggi, “Hindi po. Hindi kasi si Lucho kasi, ano siya parang napaka-formal niyang tao. Parang pag nagsasalita siya, pormal.”

Close ba sila?

“Hindi ko po masasabi na hindi close, na hindi ko rin po masasabi na close. Tama lang, tama lang po,” pakli niya.

Naitanong naman kay Julie Anne kung nakaka-experience rin siya ng bashers sa Twitter?

Sabi niya, “Oo naman po, oo naman.”

Hindi raw siya pumapatol sa mga ito.

“Kasi kapag po sinagot mo sila, may masasabi talaga sila sa iyo so I’d rather keep silent na lang po.

“Block na lang, ’tsaka i-ignore lang po talaga yun kasi siyempre kapag pinansin mo sila, parang ikaw pa yung talo, e.

“Di ba? So huwag na lang pong pansinin kasi alam naman natin na iba-iba yung utak ng mga tao, yung pag-iisip nila, so wala po akong magagawa dun, wala po tayong magagawa dun.

“And we really can’t please everyone,” pag-amin niya.

NOT INTERESTED IN JOINING BEAUTY PAGEANTS. Natuklasan naman namin na may mga nag-e-encourage pala kay Julie Anne na sumali sa isang beauty pageant.

“Actually pinu-push nga po nila ako, e. Pero ayokong sumali ng beauty contest. I don’t know, hindi ko po, hindi ko feel. Wala yung puso ko dun,” tugon niya.

Ano ang ayaw niya sa pagsali?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, “Wala, parang ewan ko, hindi ko po alam, e. Basta ayoko lang po talaga.”

Hindi rin daw kasi siya nagsusuot ng swimsuit na isa sa mga requirements sa mga beauty pageants.

Pero may chance ba na magbago ang isip niya balang araw?

“Let’s just see, let’s just see,” natatawa niyang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN