Chariz Solomon hopes for normal delivery of first baby, no drugs and pain killers: “Ayoko namang lumabas ang baby namin na bangag.”

Chariz Solomon relates husband Nestor Ng is more excited about having a baby: “Minsan nga feeling ko siya pa yung buntis kesa sa akin! Mas lalo kaming naging solid ngayon, yung bonding namin ay parating kasama ang baby sa tiyan ko.”


Malapit nang magsilang ang Kapuso comedienne na si Chariz Solomon sa una nilang anak ng kanyang asawa na si Nestor Ng.

Nasa 35th week na ng kanyang pagbubuntis si Chariz, at sa loob ng dalawang linggo ay maaari na siyang manganak.

Kuwento ni Chariz sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), mas excited ang mister niya sa kanyang nalalapit na panganganak.

“Si Husband ang super-duper excited at napaka-supportive niya.

“Minsan nga, feeling ko, siya pa yung buntis kesa sa akin!

“Mas lalo kaming naging solid ngayon, yung bonding namin ay parating kasama ang baby sa tiyan ko.

“Lagi silang naglalaro ni Baby kahit nasa tiyan pa lang siya.

“Nakikita ko na ang bonding nilang mag-ama, kapag lumabas na siya at lumalaki na… parang ang saya-saya, di ba?”

Kakaiba lalo ang pakiramdam Chariz at hindi makapaniwalang magiging isang nanay na siya.

Lalaki ang isisilang na sanggol ng StarStruck alumna, at papangalanan nila itong “Apollo.”

Sabi pa ni Chariz tungkol sa kanyang nalalapit na panganganak, “Yung feeling, hindi ko ma-describe—super excited kaming mag-asawa.

“Hindi ko pa rin ma-imagine ang saya kapag nandito na siya at nahahawakan ko na.

“I just feel so blessed.”



FAMILY AND FRIENDS SUPPORT. Kampante si Chariz na makakayanan niya ang pagiging isang ina.

Sabi niya, “Lagi ko nakakausap ang aking mommy and daddy friends na taga-showbiz and non-showbiz.

“Napakamatulungin nila sa aming mag-asawa kaya naman ready na ready na kami ni Nestor na maging parents.

“Si Roadfil and si LJ Reyes, pinahiram nila ako ng baby stuffs.

"Nakakatuwa talaga and I appreciate them so much.

“Very thankful kami ni Nestor sa mga tulong at concern nila.”



NORMAL DELIVERY. Gusto ni Chariz na maging normal ang kanyang panganganak hangga’t maaari.

Aniya, “As of now, eighty percent, kaya ko daw mag-normal delivery.

“Yun talaga ang gusto ko. I want everything to be natural as much as possible.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At kung pupuwede, no pain killers sana, walang droga na ma-involve.

“Ayoko namang lumabas ang baby namin na bangag, di ba?” biro niya.

Dagdag pa ni Chariz, “Kaya nagpe-prepare talaga ako physically, emotionally, and psychologically.

“Lahat ng libro about giving birth, nabasa ko na.

"Nagyo-yoga ako para maging madali ang paglabas niya.

“I want to give my best. Lagi ko yun pinagpe-pray kay Lord na magkaroon ako ng healthy delivery.”



STILL ON CALL. Kahit buntis si Chariz ay nagte-taping pa rin siya sa weekly programs niyang Bubble Gang at Pepito Manaloto.

“Okey lang sa akin ang mga once-a-week taping, yung hindi magdamagan ang trabaho.

“Kapag teleserye kasi, ngaragan ‘yan. E, hindi na ako puwede sa ganoon habang buntis ako, di ba?

“Okey lang na napahinga muna ako sa mga teleserye, sunud-sunod din ang mga nagawa ko.

“Hindi ako napahinga sa paggawa ng teleserye kaya naging malaking tulong iyon at nakaipon ako.

“Ngayon lang ako nagkaroon ng pahinga at nami-miss ko na rin.”



FULL TIME. Babalik daw sa todong pagtrabaho si Chariz pagkatapos ng dalawang buwan pagkapanaganak niya.

“Mag-i-spend time muna ako with my family, and ie-establish ko muna ang aking milk supply!

“Magpapa-breastfeed talaga ako at gusto ko hangga’t kaya ko.

“Two years ang plano ko magpa-breastfeed, kahit na nakabalik na ako sa trabaho, magpa-pump ako ng milk para kay Baby.”

Nakaplano na rin daw ang magiging binyag ni Baby Apollo.

“Yung mga kukunin naming ninong at ninang ay yung mga naging abay namin sa kasal ni Nestor… inaayos pa namin ang final list.

“Gusto kasi namin na before Christmas ay mapabinyagan na namin si Apollo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN