Banana Split cast undergo stress debriefing, thankful of surviving the Bohol earthquake

Tiyempong nasa Bohol ang cast and crew ng gag show na Banana Split nang tumama ang napakalakas na lindol sa nasabing lalawigan. Nag-post pa nga si Angelica Panganiban sa Instagram ng larawan na kuha mula sa Bohol pagkatapos ng lindol.


Nasa Bohol ang cast and crew ng ABS-CBN gag show na Banana Split nang yanigin ng malakas na lindol ang nasabing lalawigan noong October 15.

Nandoon ang mga taga-Banana Split para mag-taping sana ng kanilang anniversary episode.

Tumama ang 7.2 magnitude earthquake sa Bohol at sa mga karatig-probinsiya, na nagdulot ng malaking pinsala at kumitil ng napakaraming buhay.

Ikinuwento ng ilang cast members ng Banana Split ang naging karanasan nila sa naganap na lindol sa Bohol, sa bagong reformat na showbiz talk show ng ABS-CBN, ang Buzz Ng Bayan (dating The Buzz), na ipinalabas kahapon, October 20.


Angelica Panganiban: “Talagang tinatapon kami sa loob ng bus.

"Noong pagbaba namin, medyo pa-recover pa lang kami, may mga lalaking tumatakbo sa likod namin, galing ng beach na sinasabing, ’Nawala ang tubig, nawala ang tubig!’

“Nakapag-text pa ’ko, e. 8:18 [a.m.] pa nga yung sabi na napadala kong messages sa mama ko at saka kay Lloydie [John Lloyd Cruz, Angelica’s boyfriend].

"Tapos, noong nagkakatakbuhan na, tumawag ako kay Lloydie. Parang sinasabi ko, parang nagpapaalam na ’ko.

"Sabi ko, ’Mamamatay na ’ko, mamamatay na ’ko! Lumilindol dito, parang mamamatay na kami!’

“Parang, wala na, katapusan mo na.

“Nagpapasalamat lang ako na sa pinagdaanan namin, kumpleto kaming nakauwi.”


Alex Gonzaga: “Nagkagulo na, naglabasan na. Kalmado naman ako the whole time. Kasi, nagpi-pray naman ako. Parang may presence of mind ka lang muna.”


Jayson Gainza: “Nagpapasalamat naman ako sa nangyari. Kumbaga, parang tinatapik ka lang siguro ng Diyos.”

Pooh: “May sumigaw na ’Lindol!’ Tapos, pagtingin namin sa labas, yung mga tao, ano, may mga nakadapa na. May mga umiiyak na.

"Tapos, pagtingin namin doon sa mga kinainan namin sa green na building, natutuklap na ang mga marble na walling. Nagbabagsakan na.

“Lumabas na kami ng bus. Nandoon na kami sa open ground. Doon na kami nag-stay. Mga nakayuko. Yung iba, mga nakadapa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Sunshine Garcia: “Grabe ang nangyari sa kanila. Grabe, sabi ko nga, ang suwerte namin, lahat kami buhay.”

Dahil sa naging karanasan na yun ng cast ng Banana Split, nabigyan na raw sila ng stress debriefing.

Nakapag-resume na rin sila ng taping noong Huwebes, October 17.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN