Mikael Daez gets new talent manager, maintains Mercator as booking agent

Itinuturing ni Mikael Daez na "ilaw ng Pilipinas" ngayon ang rumored girlfriend niyang si Megan Young pagkatapos nitong manalo bilang Miss World. Sabi ni Mikael, "Kailangan natin ng good news ngayon. Kasi, alam naman natin, natatambakan tayo ng kung anu-ano—mga kalamidad, mga scam… So, happy naman ako na siya ang naging ilaw ng Pilipinas ngayon.”


Nilinaw ng Kapuso actor na si Mikael Daez ang balitang wala na siya sa poder ni Jonas Gaffud ng Mercator Model and Talent Management.

Sa presscon kasi na ipinatawag para kay Mikael noong October 16, sa Fleur de Lys restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, ay si Betchay Vidanes ang nag-imbita sa mga taga-media.

Si Betchay ang manager ni Robin Padilla at ng anak nitong si Kylie Padilla.

Paliwanag ni Mikael sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nag-usap naman kami ng Mercator, at napag-usapan namin na magiging mas maayos sa aming dalawa na in terms of marketing, part ways kami.

“But yung Mercator, booking agent pa rin. Nagtatrabaho pa rin kami, same rates kapag naka-book sila [ng project].

“So, para sa akin, ayoko kasing kumalas completely, kasi doon din ako nagmula, e.

“Naalala ko, tinanong nga nila sa akin, sino ang mami-miss ko.

“Mami-miss ko naman si Jonas, si Ate Sally, si Mau de Leon, yung naka-discover sa akin sa fashion.

“So, ayokong humiwalay nang todo-todo sa pinanggalingan ko.

“Sila rin naman ang dahilan kung bakit ako nandito sa lugar ko, sila ang nakahanap.”

MIKAEL’S NEW MANAGER. Marami raw hiningan ng suhestiyon at opinyon si Mikael, kung sino ang puwede niyang kuhaning bagong manager.

Saad niya, “Ang natutunan ko over the past two years, minsan dapat pinapakiramdaman mo.

“Hindi mo titingnan ang statistic o anong nagawa nila. Pakiramdaman mo kung saan ka nagpi-fit in.

“Parang kay Tita Betchay, parang magaan yung loob.

“I guess, in a way, yung gut feel.”

Kailan lang daw nakilala ni Mikael si Betchay.

“Pakiramdaman mo lang kung makakausap mo ba nang maayos.

"Kasi, at the end of the day, yun ang makakapagpasalba sa inyo—yung relationship ninyo.

“So, para sa akin, maganda yung naramdaman ko.

“Tapos, along the way, in-introduce ako sa mga tao, at si Tita Betchay na ang isa dun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May nag-suggest ba sa kanya na si Betchay na ang kuhanin niyang bagong manager?

“Hindi naman kunin ko, kausapin ko lang,” sagot ni Mikael.

“Walang nag-push sa akin to go for someone. ‘Kausapin mo lang Mik, pakiramdaman mo kung okay.’

“So, yun ang ginawa ko, pinakiramdaman ko lang.”

Co-managed ba siya ng GMA Artist Center?

Ayon kay Mikael, “Well, wala talaga akong contract with Artist Center, pero inaalagaan nila ako.

“Kasi, alam naman nilang magsa-sign ako sa kanila.

“Pero, yun nga, since humiwalay ako kay Jonas, hiningi ko na lang muna na, ‘Hintayin niyo muna akong makahanap ng bago para maayos na ang contract natin. Isahan na lang. Hindi na natin papalitan.’”

PARTING WAYS. Naging maayos ba ang paghihiwalay nila ng dating manager niya?

Sagot ni Mikael, “Of course, nakakalungkot.

“They can book me for any raket that they have, any possible campaigns na meron sa kanila, and we would stick to their rate.”

Hindi naman daw mawawala ang pasasalamat niya sa dating manager.

Sabi ni Mikael, “Nakita niyo naman kung saan ako napunta.

“Nandito ako sa GMA ngayon. Nabibigyan naman ng proyekto.

“So, maraming nabigay na proyekto ang Mercator.

“I’m very, very thankful. Kaya hindi ko mahiwalayan nang todo.

“Gusto ko na one way or another, may maibalik ako sa kanila.”

May naging pagkukulang ba sa kanya ang dating management?

“Wala naman,” sambit ni Mikael.

“Alam niyo yung parang napag-usapan namin na, ‘Ano ba yung strength natin?’

“Parang planning, meeting… latag ulit. ‘Ano yung strength natin?’

“Naisip ko, kay Jonas, yung strength niya talaga, sa mga beauty queen talaga.

“At yung time niya, nade-devote talaga sa beauty queen dahil, siyempre, yun ang bread and butter niya.

“Tapos ako, napag-usapan namin na yung strength ko, mas magiging maganda at mas mayu-utilize namin ang potentials namin, mas better if part ways na lang tayo in terms of management.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MEGAN YOUNG. Ang rumored girlfriend ni Mikael na si Miss World Megan Young ay nasa pangangalaga rin ni Jonas.

Si Mikael ba ang naging daan para i-manage ni Jonas si Megan?

Aniya, “Hindi, matagal nang nagti-training si Megan kay Jonas.

“Bago ko pa siya makilala, pasulput-sulpot na siya sa training.

“Hindi lang naisip na… well, ngayon lang niya nadesisyunan yatang sumali.”

Sa loob ng isang taon ay sa London maninirahan si Megan bilang Miss World.

Natawa si Mikael nang tanungin kung sa palagay niya ay magwu-work ang relationship nila ni Megan ngayong magkahiwalay sila.

Sagot niya, “Hindi naman, pareho lang.

“Okay lang ‘yan, go lang nang go.”

Confident naman siya sa relationship nila ni Megan?

“Oo naman, okay lang ako, go lang nang go!

“Alam niyo naman ako, kailan ba ako na-bad trip?” nakangiting sabi niya.

PROUD OF MEGAN. Gaano siya ka-proud kay Megan, na kauna-unahang Pinay na nanalong Miss World?

Sabi ni Mikael, “Well, ayun nga, I have the gut feel na mananalo talaga siya—and nanalo naman siya.

“At nakita niyo naman ang Philippines, bilang fanatics talaga tayo ng mga pageants, and kailangan natin ng good news ngayon.

“Kasi, alam naman natin, natatambakan tayo ng kung anu-ano—mga kalamidad, mga scam…

“So, happy naman ako na siya ang naging ilaw ng Pilipinas ngayon.”

Bilang isang Kapuso, gusto ba ni Mikael na kapag natapos na ang reign ni Megan bilang Miss World at bumalik na ito ng Pilipinas ay sa GMA Network na rin ito pumirma para magkasama sila?

Sabi niya, “Hindi naman, hindi ko naman inaasahan yun.

“Kung ano ang desisyon niya, okay lang ako.

“I mean, before that naman, magkabila naman kami. Kahit ano talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN