Donna Cruz organizes fun runs to raise funds for Cebu earthquake victims

Hanggang ngayon ay marami pa raw offers na natatanggap si Donna Cruz upang magbalik-showbiz. Ngunit madalas ay tinatanggihan niya ito dahil ayaw niyang iwanan nang matagal ang kanyang tatlong anak, lalo na’t sa Cebu sila nakatira ngayon.


Marami ang nasorpresa nang mapanood si Donna Cruz na kumanta sa Sunday All Stars (SAS) noong Linggo, October 20.

Guest performer siya sa grupo kung saan miyembro ang pinsan niyang si Rodjun Cruz.

Natawa ang semi-retired actress-singer nang matanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung senyales ba ang paggi-guest niyang iyon ng tuluyan na niyang pagbabalik-showbiz.

Pahayag ni Donna, “Hindi naman sa magbabalik.

“Hindi ko lang matanggihan ang pinsan ko. Love na love ko ‘yon.

“Hindi niya talaga ako tinigilan hanggang sa pumayag ako.

“Natuwa naman ako kasi siya talaga ang personal na nag-invite sa akin.

“And kung makakatulong naman sa team ng pinsan ko, di ba, anytime.

“Sabi ko nga sa kanya, ‘Basta para sa mga pinsan ko, anytime.’”

Naka-base na ngayon si Donna sa Cebu, kapiling ng kanyang mister na si Dr. Yong Larrazabal at ang kanilang tatlong anak.

Kuwento niya, “Actually, ayaw nga akong paalisin kanina ng anak ko. Kasi, nag-earthquake na naman.

“Sabi talaga niya, ‘Mommy, don’t go!’

“Ako naman, ‘I have to work because I promised my cousin.’

“Kaninang umaga yung flight ko. Tapos, babalik din ako ng Cebu ngayon.

“Yung mga kids ko kasi, sobrang attached sa akin yung tatlong anak ko.”

THE EARTHQUAKE. Ayon kay Donna, gaya ng Bohol at iba pang lugar na niyanig ng 7.2 magnitude na lindol noong October 15, hirap pa ring bumangon mula sa nabanggit na trahedya ang mga kababayan niya sa Cebu.

“Affected talaga ng earthquake hanggang ngayon, grabe!” bulalas niya.

Nasa bahay lang daw si Donna at ang kanyang mga anak nang mangyari ang lindol.

Ang mister naman niyang si Yong, na isang ophthalmologist at eye surgeon, kaaalis lang papunta sa trabaho nito.

“My gosh! Napalabas ako ng bahay na ang suot ko, e, pantulog lang na medyo sexy!” sabay tawa niya.

Patuloy ni Donna, “Around 8:15 a.m. nang lumindol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At sabi ko nga, dun mo mapapatunayan kung halimbawang may nangyaring ganun, ano ang pinakaimportante sa buhay mo.

“Na, madadala mo ba ang ganito o ganyan? Wala akong nadala kundi yung mga anak ko.

“Scary! Ang dami naming nabasag na mga gamit sa bahay. Pati yung chandelier, nasira rin.”

Para makatulong sa mga nasalanta ng lindol, may mga inorganisang fun run si Donna para makalikom ng pondo.

Hindi kaya yung mga ginagawa niyang pakikibahagi sa charitable activities ay maging daan para maisipan din niyang pasukin ang pulitika?

“No way!” mabilis na tugon ni Donna. “Ayoko.

“Kung ang mundo ng showbiz ay magulo, mas doble sa politics.

“And for me kasi, puwede naman akong tumulong na hindi ko kailangang tumakbo sa politics.

“Even yung husband ko, pinagbabawalan ko—as in!”



MISSING SHOWBIZ. Nami-miss ba niya ang showbiz?

Sabi ni Donna, “Yung singing siguro. Nami-miss ko yung pagkanta.

“Kaya nga happy na happy ako ngayon, at nagpapasalamat sa cousin kong si Rodjun kasi, at least, nakakanta ulit ako.”

Kinanta ni Donna sa production number ng grupo nina Rodjun sa Sunday All Stars ang “Habang May Buhay.”

Isa ito sa mga awiting pinasikat niya noong mid-‘90s, panahon ng kanyang pamamayagpag bilang isa sa mga pinakasikat na young actress at singer.

Kahit sa Cebu na naka-base, hindi raw nawawalan ng offers si Donna na magbalik-showbiz.

“May mga teleserye. Pero talagang ano, e, I had to turn down. Kasi, yung mga kids ko nga, e.

“Sabi ko nga, walang problema kung nasa Manila ako. E, nasa Cebu nga ako.

“Imagine, eroplano? May takot ako sa eroplano. Sobra!” tawa pa niya.

Higit sa anupaman, priority raw talaga ni Donna ang kanyang asawa’t mga anak.

Banggit pa niya, “Magpu-fourteen na yung eldest kong si Belle.

“Tapos yung second, si Sean, is ten years old.

“Yung bunso ko namang si Gio is six.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



VILLA QUINTANA REMAKE. Ano ang reaksiyon ni Donna tungkol sa remake ng pinagbidahan nilang teleserye noon ni Keempee de Leon sa GMA, ang Villa Quintana?

Ngayon, si Janine Gutierrez ang gaganap sa role na unang ginampanan niya. Habang si Elmo Magalona naman ang gaganap sa role noon ni Keempee.

Sabi ni Donna, “Siyempre, nakakatuwa.

“And, excited ako for Janine. Kasi kapag titingnan mo siya, bagay na bagay din sa kanya yung role.

“Sana yung viewers, bigyan nila ng tsansa yung remake.

“Na, siguro mas high-tech na ngayon na mas maganda na yung quality ng pag-shoot nito.

“And ang ganda naman ng lead star na si Janine. Tapos, ang guwapo rin ng leading man niyang si Elmo.”



DONNA’S CONDITIONS. Kung sakali raw gugustuhin niyang magtrabaho o kaya ay bumalik sa pag-aartista, hindi naman daw tutol ang mister niyang si Yong.

Sabi ni Donna, “May mga kundisyon lang. Like, kapag nasa Manila ako, hindi puwedeng magtagal.

“Ako rin naman, e, ayoko.

“Hindi ko gustong malayo nang matagal sa mga kids ko. Mutual decision ‘yon talaga.

“Ang gusto ko talaga, kumanta. Kung meron man ako nami-miss sa showbiz, yung singing.

“Pero priority ko talaga yung mga anak ko. Hindi ko puwedeng i-compromise sila sa kung anuman.

“May offers sa akin ang tatlong network—Kapuso, Kapatid, at Kapamilya—pero hindi ko talaga matanggap.

“Kasi yung working schedule na kailangang nandito ako sa Manila, pinakamaikli na yung two weeks. E, hindi talaga puwede.

“Hindi ko talaga kayang malayo sa anak ko nang ganun katagal. Magiging miserable ako!”

Yung mga anak niya, papayagan ba niya sakaling meron sa mga ito na gustuhin ding mag-artista?

“Okey lang. Pero sa amin kasi, kailangang magtapos muna ng studies.

“Like, yung panganay kong si Belle, halimbawa, by the time na pupuwede siyang mag-showbiz, thirty plus na siya!

“Kasi, magiging doctor daw siya!” natatawang sabi ni Donna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, “Pero sa tatlong anak ko, ang nakikitaan ko na medyo showbiz, yung youngest kong si Gio.

“Naka-smile siya lagi kapag picture-taking.

“Kahit umiiyak siya, mag-smile na agad siya kapag nakitang kukunan mo siya ng picture.”



FAMILY LIFE. Sa edad niyang 36, para lang silang magkapatid ng panganay niyang anak na si Belle, na kasama ni Donna nang mag-guest siya sa Sunday All Stars.

Ano ba ang sikreto ng pagiging younger-looking niya hanggang ngayon?

Sabi ni Donna, “Kaligayahan ko talaga being with my kids. Kasi, I really spend time with them, e.

“And sa akin, importante talaga sa akin yung time ko for my kids.

“So, parang kapag nakikipag-bond ako palagi every day sa kanila, siyempre, I feel young also.

“Siguro importante yung happy ka. Kuntento ka sa buhay mo.”

Larawan nga ng fulfillment ngayon si Donna bilang isang asawa at ina.

Sinasabi rin nga niya, wala na siyang mahihiling pa sa buhay niya ngayon.

“Kuntento na ako.

"Ang nasa isip ko na lang, kung halimbawa malalaki na yung mga kids, malulungkot talaga ako.

“Hands-on mom kasi ako. Kaya nasanay ako na lagi ko silang kadikit.

“Pero siguro by that time kami na lang ng asawa ko, magtu-tour-tour kapag magri-retire na.

“Ganun na lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN