Pasig Rep. Roman Romulo, wife Shalani Soledad assert ignorance of Janet Napoles’s background when she stood as ninang at their wedding

Shalani Soledad and Roman Romulo on having a baby: “We’re working on it. We have to take it easy...”


Ang bahay ng mag-asawang sina Pasig Congressman Roman Romulo at Shalani Soledad ang binisita ni Raymond Gutierrez sa "Housebreak" segment ng Showbiz Police ng TV5, na ipinalabas noong Sabado, October 19.

Bukod sa pagtalakay sa kanilang buhay-may-asawa, tinanong din ni Raymond si Congressman Romulo tungkol sa ilang bagay na may kinalaman sa pulitika.

Isa na rito ang mainit na pinag-uusapang pork barrel scam.

Bilang isang mambabatas na nakakatanggap ng Priority Development Assistance Fund (PDAF), ano ang masasabi ni Congressman Romulo dito?

Aniya, “At least the whole system is being corrected.”

Ang sinasabing utak ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles ay isa sa mga ninang nina Congressman Romulo at Shalani, nang ikasal sila noong January 22, 2012.

Ngunit mariing itinanggi ng mag-asawa na may alam sila tungkol sa background ni Napoles nang kunin nila itong ninang sa kasal.

“No, no,” halos magkasabay na sagot ng dalawa nang tanungin tungkol dito.



ANCESTRAL HOME. Ipinasilip nina Congressman Romulo at Shalani ang hindi pa gaanong tapos na bahay nila.

Ayon sa mag-asawa, gusto lang nila ng "simple, comfortable, functional, at within the budget" na bahay.

Ngunit dalawang lote sa isang exclusive subdivision sa Pasig ang kinatitirikan ng bahay nila. Ito raw ay ancestral house ng mga Romulo.

Hindi ba ito masyadong malaki para sa kanila? Wala ba pa silang balak magkaroon ng anak?

Natatawang sagot ng dating konsehala ng Valenzuela City, “We’re working on it!”

Dagdag naman ng kongresista, “We have to take it easy.

“Kasi, in all honesty, hindi naman kami nag-family planning from the time we got married.

"We wanted to have a family agad.”



ON WILLIE REVILLAME. Dating naging co-host si Shalani ng defunct variety program ni Willie Revillame sa TV5, ang Wil Time Bigtime.

Hindi ba niya nami-miss ang telebisyon?

Ani Shalani, “At times, of course, yung mga nakasama ko doon before and also the energy, especially kapag live yung show.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May tampo ba siya kay Willie kaya bigla na lamang siyang nawala noon sa show?

“No, it’s just more on you just miss them,” sagot niya.

Na-link din noon si Shalani kay Willie. Hindi ba nagselos si Congressman Romulo?

Pahayag ng mambabatas, “Hindi naman dahil, at the time na I got to meet Lans [Shalani]...

“In fact, nakausap ko pa si Willie before I met Shalani, kasi nga, of course I was interested nga.”

So, wala silang problema ni Willie?

“Yeah,” sagot ni Congressman Romulo.

Ngayong natapos na ang Wowowillie, ano ang nararamdaman ni Shalani?

Sabi niya, “Well, thankful ako sa show na yun, so nakakalungkot din.

“Pero sana, better things will come to Willie and everyone sa show.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN