Claudine Barretto posts message of daughter Sabina indicating she wants to stay with mom, not with dad Raymart Santiago

Ibinahagi ng aktres na si Claudine Barretto sa Instagram ang mga mensahe diumano sa kanya ng anak na si Sabina, kunsaan sinabi nitong nais niyang manatili sa poder ng ina. Sagot naman dito ni Claudine: "im never gona let u go anywhere i promise. i love you so much."


Ilang araw matapos magpa-interview ni Claudine Barretto sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media sa bahay niya sa Loyola Grand Villas, nag-post ang aktres sa Instagram ng mga mensahe umano sa kanya ni Sabina.

Si Sabina, nine years old, ang adopted daughter nina Claudine at Raymart Santiago.

Sa panayam ni Claudine noong Huwebes, October 17, sinabi ng aktres na ang mga anak ang pinagtutuunan niya ng atensiyon ngayon.

Ang bunso nilang anak ni Raymart na si Santino ay anim na taong gulang.

Ito rin daw ang dahilan kung bakit ayaw na munang bumalik sa trabaho ni Claudine.

Kailangan daw niyang subaybayan ang mga anak nang husto dahil sa pinagdadaanang gulo ng kanilang pamilya.

Sinabi rin ni Claudine na hindi biro ang pinagdadaanan ng dalawa niyang anak, kaya patuloy raw ang counselling sa kanila para hindi mahirapan ang mga ito sa pag-intindi sa mga nangyayari.

Nasa gitna ngayon ng kabi-kabilaang kaso sa korte laban sa isa’t isa ang mag-asawang Claudine at Raymart Santiago. Damay na rin dito ang mga kapatid ni Claudine na sina Gretchen at Marjorie, na nagbigay ng affidavit sa panig ni Raymart.

(Read: Claudine Barretto on sisters Gretchen and Marjorie: "Sana, kahit papaano, matandaan naman nila yung mga magagandang nagawa ko sa buhay nila.")



MESSAGES FROM SABINA. Noong Sabado, October 19, ay ipinost naman ni Claudine sa Instagram (claubarretto) ang print screen ng palitan nila ng mensahe umano ni Sabina.

Dito ay nagpasalamat si Sabina sa kanya, at nagsabi na lang na gusto niyang manatili sa poder ng ina.

Kasalukuyang dinidinig sa korte ang habeas corpus na isinampa ni Raymart upang makuha ang kustodiya ng dalawa nilang anak.

Ito ay sagot ng aktor sa Temporary Protection Order (TPO) na isinampa naman ni Claudine, at naaprubahan na ng korte.

Narito ang tatlong magkakasunod na mga mensahe ni Sabina, ayon kay Claudine:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hi.”

“Thank you for buying my costume.”

“You’re the best mom, I want to stay with you not Papa, I love you.”

Sagot naman dito ni Claudine:

“Thank you Sab. im blessed to have you as my Daughter. im never gona let u go anywhere i promise. i love you so much.”

Naka-caption sa naturang screenshot ang mga salitang, “From my sweet daughter Sabina” at “I love u Sab.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN