Rufa Mae Quinto says she’s fine and happy being single all these five years: "Wala pa akong nahahanap na inspirasyon or hindi pa rin nila ako nahahanap.”

At 35, Rufa Mae Quinto says she’s open to dating, but is in no rush to tie the knot just yet. She says, "If the love is there, it’s there. Hindi mo kailangan pilitin. Wala kang dapat gawin kundi magmahal ka nang maayos. Maging achievera!"


Matagal nang walang steady relationship si Rufa Mae Quinto, pero hindi raw siya nagmamadaling makahanap ng bagong pag-ibig.

Kung tutuusin, pwedeng-pwede siyang magkaroon ulit ng boyfriend na basketball player, lalo na’t marami namang sa mga artista na may karelasyong athlete.

Ang isa sa mga ex-boyfriend ni Rufa Mae ay ang dating Ginebra player na si Rudy Hatfield.

Sabi ng sexy comedienne, “Nakakapanood pa rin ako ng PBA games dahil kay Manny Pangilinan [may-ari ng Talk ‘N Text basketball team].

"Tsaka si LJ [Moreno], best friend ko and wife of Jimmy Alapag [point guard ng Talk ‘N Text].

“I also support Gilas Pilipinas kasi they represent the country. I love basketball and so are the cagers!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rufa Mae sa Bodog Nation Sports Fest, na ginanap sa Ynares Sports Arena, noong October 19.

Pero ayon sa aktres, hindi importante kung ano man ang trabaho ng magiging karelasyon niya.

“Wala akong criteria kung ano ang career niya, basta mabuhay niya ako.

"Hindi naman isang barangay. Yung maalagaan lang ako, ako lang.

“Pero sa ngayon, wala pa akong nahahanap na inspirasyon or hindi pa rin nila ako nahahanap.”

FIVE YEARS OF SINGLEHOOD. Ilang beses nang na-link si Rufa Mae sa ilang kilalang personalidad noong mga nakaraang taon.

Ngunit ayon sa aktres, limang taon na siyang nananatiling single.

Hindi rin daw niya prayoridad ang pagkakaroon ng lovelife ngayon.

Saad niya, “Since 2008. Five years! Biruin mo yun?

"Hindi na nila naisip na limang taon din yun. And I’m fine and happy!

“Kasi noon, mas focused ako sa love life. Kaya na-realize ko na trabaho pala ang lovelife ko.

“Kasi nga, lahat ng tao, kailangan nila ako para magbigay-inspirasyon.

"I’m so lucky I got this far.”

Sa kabila nito, naniniwala pa rin si Rufa Mae na mahahanap niya ang tamang tao na nakalaan para sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit na umabot siya ng 35 years old nang wala pa ring steady relationship, hindi raw siya naging cynical pagdating sa pag-ibig.

Aniya, “If the love is there, it’s there. Hindi mo kailangan pilitin.

"Wala kang dapat gawin kundi magmahal ka nang maayos. Maging achievera!

“I know meron diyan.

"Hindi ko siya feel na feel gawin na ngayon, kasi ang dami ko pa gustong gawin. Pero I’m open.

"Kasi, yun naman ang buhay. Mag-aasawa naman tayong lahat.

“Yun ang ipinagdarasal ko, na sana kung may dumating, malaman ko kung siya na ba yun.

“Kasi dati, akala mo, yun na.

"Masyado nang malalim ang love for me.

"You don’t need to talk. Basta love is patient.”

SETTLING DOWN. Kahit na marami sa mga kasing-edad niyang artista ang may sarili nang pamilya, hindi raw ito sapat na dahilan para gustuhin na rin niyang lumagay sa tahimik.

Naniniwala rin si Rufa Mae na ang pagpapakasal ay isang bagay na hindi pinaplano.

“Ay, hindi ko na iniisip. Mangyayari na lang ‘yan.

"Dati iniisip ko, pero hindi pala dapat iniisip yung gano’n.

“Kasi, hindi lang naman yun ang buhay.

"Of course, it’s important. Family is the best.

"But I have my family.

“I’m still young naman. I think I have enough time to find my destiny.”

LATE BLOOMER. Isa sa mga rason kung bakit pansamantalang isinantabi muna ni Rufa Mae ang pagkakaroon ng lovelife ay dahil maaga niyang inako ang responsibilidad ng kanilang pamilya.

Bukod sa panganay niyang kapatid na si Archie, mayroon siyang apat na kapatid sa ina (Vincent, Glenn, Giejan, at Kyla) at tatlong kapatid sa ama (Tonio, Pancho, at Gabriella).

Si Rufa Mae ang nagsilbing breadwinner dahil siya ang pinakamalaki ang source of income mula nang pasukin niya ang show business noong 1994.

“Ever since naman, sinasabi nila, ‘Magkaanak ka na.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“[Pero] di ba, breadwinner ako?

"Sa tagal ko nag-alaga ng mga magmula three years old at five years old, ang dami-dami.

"Para na akong naging nanay at fifteen years old.”

Ngayon ay panahon na para isipin naman daw niya ang kanyang sarili.

“Kaya nga mas mature yung hitsura ko nung bata ako, kasi I’m taking care of everybody.

"Now, I wanna take care of my happiness.

“Ngayon pa lang ako nagdadalaga, e, sa totoo lang.

"I’ve been working nga hanggang ngayon.

"At least, nababalanse ko na. Hindi lang puro shooting at taping.”


WORK, WORK, WORK. Samantala, masayang ibinahagi ni Rufa Mae ang tungkol sa partisipasyon niya sa 18th anniversary episode ng Bubble Gang.

Nagpapasalamat siya dahil lampas isang dekada na siyang mainstay ng sikat na gag show ng GMA.

“Though I’m not part of the original members, natuwa ako kasi dahil sa Bubble Gang, I won six awards. Imagine?

"I think twelve to thirteen years na ako sa show.

“Dati kasi, kalaban ko sila. Sa ano ako dati, Tropang Trumpo [TV5].

"Natuwa ako na nagsama-sama kami ulit.”

Bukod dito, nagsimula na ring umere ang bagong TV5 drama series na Positive, kung saan gumaganap siya bilang love interest ni Martin Escudero.

Saad ni Rufa Mae, “May asawa ako, si Ramon Christopher de Leon. Naghanap ako ng iba kasi nanloloko siya.

"Sakto nakilala ko si Martin so love interest kami. O, loveteam!

"Kasama rin namin sa show si Bianca Manalo.”

Walang exclusive contract ang sexy comedienne kaya malaya siyang nakakapagtrabaho sa kahit anong network.

Mas maituturing bang advantage ang pagiging freelancer ng isang artista tulad niya?

Sagot ng sexy comedienne, “Well, for me, okay naman so far.

"Nakikita ko ang iba’t ibang stars—si Aga [Muhlach], Sharon [Cuneta], si Ogie [Alcasid] nakikita ko pa rin. Tapos, nakapag-Wowowillie ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Direk Eric Quizon, director ng Positive. Parang reunion na rin namin dahil siya ang director ng Marinara [2004, GMA].

“I’ve never been this free. Alam mo yun, hindi lang yung may contract ka na sarado.

"As an artist, you can decide. Mas may freedom.

"Hindi ko alam kung paano i-explain, basta yun ang pakiramdam ko.

"Masaya ako, sobra!”

Ganado si Rufa Mae na magtrabaho lalo na’t alam niyang marami siyang napapasayang manonood.

“Work ang focus ko habang-buhay kasi this is my destiny, e.

"Kumbaga, may time na umayaw na rin ako. Pero binabalik ako to make people laugh. I entertain everybody.

“At saka magtu-twenty years na ako sa showbiz next year. So, parang hanggang ngayon, ibang leveling.

"Effective ang ‘Todo na to!’” pagtukoy ni Rufa Mae sa pinasakitan niyang Filipino slang expression.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN