Joey Paras says Dingdong Dantes and Tom Rodriguez are ideal candidates to father his child

Joey Paras on honing acting talent: “Ang tao, naniniwala ako, natutunan ko sa teatro, hindi porke’t nagawa mong maganda ang isang performance, doon ka na. Huwag kang maniniwala na hanggang doon lang ang kaya mo… palaging it’s a learning process, acting is a process.”


Foreigner daw ang mga natitipuhang lalaki ng theater and movie actor na si Joey Paras.

Pagtatapat pa niya, nagkaroon na siya ng relasyon sa isang foreigner na malaki ang agwat ng edad sa kanya.

“Dati, mahilig ako sa madyodyonda, yung matatanda, mga foreigner... mga 70 years old.

“So ngayon, dahil nag-e-edad na ako, gusto ko naman ng mga younger guys—kahit Pinoy, basta mahal ako.”

Gaano kabata?

“Mga thirties, twenty, twenty-five above.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joey sa presscon ng launching movie niyang Bekikang: Ang Nanay Kong Beki noong nakaraang linggo.

IDEAL FATHER. Kung maari siyang magkaanak, sinong artista ang pinapangarap niyang maging ama ng kanyang anak?

Sabi ni Joey, “Kung magkakaroon ako ng matris, may dalawang artistang lalaki na gusto kong maging tatay ng anak ko.

“Una, si Dingdong Dantes, kasi napaka-perfect, e.

“Nakatatlong work na kami ni Dong, walang arte sa katawan.

“Hindi ba, ang kinis niya, ang dirty ko?

"Pero sa kanya, ‘Okey lang ‘yan, okey lang ‘yan.’ Ganoon si Dong.

“Sa mga sayaw namin sa Dance of the Steel Bars, kine-carry niya ako, nili-lift niya ako.

“Tapos, doon ko na-realize na kahit Dingdong Dantes siya, wala siyang tinitingnan na estado.

“Tapos sa theater groups ko, na hindi naman showbiz, uma-attend si Dingdong, for free!

“E, dito [Bekikang], nag-cameo siya.

"So, kung magkakaroon ako ng ideal na unang magiging tatay ng anak ko, si Dingdong.”

Pangalawa raw ang leading man niya sa Bekikang na si Tom Rodriguez.

Sabi ni Joey tungkol kay Tom, “Napaka-artistic na tao ni Tom at nagti-theater rin siya.

"Hindi nalalayo, kumakanta... hindi nga homophobic.

“Mahalaga sa atin yung… tayo bang mga beki, gusto nating pinandidirihan ng guys?

"Hindi ba, ayaw natin?

“So, nakita ko yun sa kanilang dalawa ni Dong.”

LAUNCHING MOVIE. Ang Bekikang ang maglulunsad kay Joey sa isang mainstream movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas lamang daw ang tuwa at excitement na nararamdaman ni Joey, kaysa kaba at pressure, ngayong malapit nang ipalabas ang kanyang pelikula.

Sabi ni Joey sa PEP, “Tuwang-tuwa ako ngayon at excited dahil malapit na ang Bekikang.

“Lahat ng pinaghirapan namin, kami sa grupong ito, mapapanood na ng buong Pilipinas.

“So, sobrang thankful ako kay Direk Wenn [Deramas], kay Tom, at sa lahat ng mga kasama namin sa pelikula.”

Nakapagbida na noon si Joey sa indie film na Last Supper No. 3 (2009), kunsaan umani siya ng papuri.

Ngunit ang malaking kaibahan ay mainstream movie ang Bekikang.

Aniya, “Ito, magugustuhan ng masa.

"Ang Last Supper No. 3 kasi, parang pangmatalino lang, sa totoo lang.

“Si Direk Wenn, lahat—matalino, hindi masyado, mayaman... anumang estado sa lipunan.

“Kasi nga, tulad din ng mga sinasabi ng mga artista niya before, lahat ng hahanapin mo sa isang pelikulang Pilipino na may puso, nandoon, kasama rito sa Bekikang.”



SUPPORTING TO BIDA ROLES. “Hinog” na ba si Joey na magbida sa mainstream movie?

Paniniwala niya, “Ang tao, naniniwala ako, natutunan ko sa teatro, hindi porke’t nagawa mong maganda ang isang performance, doon ka na.

“Huwag kang maniniwala na hanggang doon lang ang kaya mo… palaging it’s a learning process, acting is a process.

“So ako, ganoon din sa buhay ko.

"Hangga’t may trabaho si Direk Wenn for me, gagawin ko ang lahat para mapaganda yun.

“So, hindi ko alam kung hinog. Kung hinog, e, di hinog.”

Gagawa pa rin ba siya ng character o supporting roles ngayong naging bida na siya?

Sagot ni Joey, “Yes po, opo.

"Kasi, parang sabi rin ni Uge [Eugene Domingo]… siya raw, kahit na na-launch siya, ang dami na niyang awards, open siya sa unsung acting support.

“Actually, inunahan niya lang ako sa kuwentuhan.

“Pero ganun din, basta maganda ang role, kung kaya kong gawin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



COMPARISON. Dahil sa mga role na ginagampanan niya, hindi maiwasang makumpara si Joey kay Vice Ganda.

Makakaya ba niyang maabot o mahigitan pa ang mga narating ni Vice?

Sabi ni Joey, “Hindi naman, love ko si Vice, e.

"So, flattered ako kapag naku-compare kay Vice, and salamat kay Vice.

“Kung naririnig niya ito na naku-compare ako sa kanya, at hindi siya naaasiwa, salamat sa kanya.

"Yun, happy ako.”

Nakikita ba niya ang sarili na papunta na rin siya sa kinalalagyan ni Vice ngayon?

“Masarap isipin na papunta tayo doon, pero hindi ko muna iniisip yung mga ganoong bagay.

"Basta may trabaho, masaya ako, okey lang ako.”

Bukod sa pag-arte ay mahusay ring kumanta si Joey. May mga bagay pa ba siyang gustong gawin?

Aniya, “Marami pa.

“Gusto ko ng horror movie. Parang Bekikang, wala nang prosthetic!

“Siguro kung sa pelikula, maniniwala ako kay Direk Wenn.

“Siya lang naman, siya lang naman ang nagbigay sa akin ng ganito.

“So, mananatili ako sa kanya hangga’t gusto niya ako.

"Pero siyempre, sana payagan niya rin akong gumawa ng iba minsan.”



THEATER BACKGROUND. Galing teatro si Joey. Sa palagay ba niya ay ito ang lamang o edge niya sa iba?

Paliwanag niya, “Hindi ko iniisip na edge yun, but as a gift.

"Siguro, regalo ko kay God na equipped ako.

“Lahat ng hihinging order ni Direk Wenn, kaya kong ibigay. Siguro, yun.

“Di ba, kapag theater ka, dapat lahat ma-deliver mo?

"At mukhang sa ngayon, nagagawa ko naman.”

SHOWBIZ SUPPORTER. Maraming mga artista na nag-guest o nag-cameo sa Bekikang.

Nandiyan na sina Maricel Soriano, Iza Calzado, Andi Eigenmann, at Dingdong Dantes.

Ayon kay Direk Wenn, tight din ang schedule ng Bekikang kaya yung mga kaibigan at nakatrabaho na ni Joey ang kinuha niyang guests sa pelikula.

Pero kung si Joey ang tatanungin, sino ang mga artista ang gusto niyang sumuporta sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Uge... pero naintindihan ko naman.

“Actually, sinabi ko sa kanya, ‘Oy, suportahan mo ’ko rito, ha?’

"Kasi nga, friends kami, sobrang friends.

“Pero kahit hindi siya nakasuporta physically, alam ko na sobrang happy si Uge para sa amin.”

PERSONAL CHOICE. Ibinuko naman ni Direk Wenn na personal daw choice ni Joey na maging leading man si Tom Rodriguez.

Bakit si Tom?

Sabi ni Joey, “Kasi, napakaguwapo naman ni Tom, di ba?

"Kaya nga patok na patok ang My Husband’s Lover, I think, because of Tom.

“At saka si Dennis [Trillo], silang dalawa.

"Pero dahil siya ang nakaupo rito, si Tom!” natawang biro niya.

Dagdag niya, “Pero, saka mai-in love ka rin kay Tom sa paggawa niya ng eksena, walang arte sa katawan.

"Kahit puyat siya, palagi siyang on the time.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN