Slimmer Geoff Eigenmann gets ’wow’ reception as he returns to limelight; his response, "Siyempre nakakataba ng puso."

Kitang-kita ang malaking pagbabago sa pangangatawan ng aktor na si Geoff Eigenmann pagtapos ng ilang buwang pagkawala niya sa sirkulasyon. Ang larawan sa kaliwa ay kuha sa presscon ng huli niyang drama series, ang Forever, noong January 2013. Ang larawan naman sa kanan ay kuha nito lamang October 12, sa My Husband’s Lover thanksgiving concert.


Pagkatapos mawala sa sirkulasyon ng ilang buwan, visible na ulit ang aktor na si Geoff Eigenmann sa ilang showbiz functions.

Noong October 12, Sabado, ay nanood siya ng thanksgiving concert ng My Husband’s Lover, ang One More Try, sa Smart Araneta Coliseum.

Ang girlfriend ni Geoff na si Carla Abellana ang lead actress sa nagtapos nang hit primetime series ng GMA.

Noong October 15, Martes, ay dumalo naman siya sa birthday party ng kanyang manager na si Perry Lansigan, sa Sky Lounge ng W building sa The Fort, Taguig City.

Dito nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Geoff.



NEW AND IMPROVED GEOFF. Anim na buwan nawala sa sirkulasyon si Geoff. Ang huling teleserye niya ay ang Forever, kunsaan nakatambal niya si Heart Evangelista.

Habang ginagawa ni Geoff ang Forever ay nabigyan siya ng “fat memo” mula sa GMA management.

Hindi kasi maipagkakaila na malaki ang pangangatawan noon ng aktor, na halatang-halata sa small screen.

Pero ngayon, ginulat ni Geoff ang marami dahil sa laki na ng ipinayat niya.

Bukod pa rito ang sinasabi ng marami na: “Ang guwapo ni Geoff ngayon!"

Ano ang reaksiyon ni Geoff sa mga ganitong positibong komento?

Aniya, "Siyempre ano, nakakataba ng puso.

“It’s something I never expected, the reaction of people to be this way.”

Bago nga raw dumating sa birthday party ni Perry, sinabi sa kanya ng pinsan niyang si Gabby Eigenmann na maraming nag-aabang sa kanya.

Patuloy ni Geoff, “May pressure and all that, but to see the smile on everyone’s faces, sobrang ano, masaya ako.

“Kasi, lahat ng pinaghirapan ko the past few months, nakita, na-appreciate ng mga tao.

“And some people are even saying, sa Instagram ko, na nakaka-inspire daw ako.

“So, iba, iba siya."



FAT MEMO. Ano ang naramdaman niya noong madalas pansinin ang kanyang timbang, hanggang sa umabot sa puntong pinadalhan na siya ng “fat memo”?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Well, totoo naman. I did gain weight.

“Pero sa akin, hindi ko nararamdaman yung mga yun, e.

“I still feel the same, mataba man ako o payat.

“So, I based it on other people’s reaction.

“Kung sa kanila lang galing and GMA gave me a memo, I have no choice but to really better myself."

Hindi siya na-offend?

"No, no... alam ko naman na I know how I should feel and what should I look like.

“And malayo na nga yung inabot ko.

“When I started in GMA, I was 160 pounds.

“When I got the memo, I was 210. So, malayo talaga.

“Kailangan. I have to take action.

“Para sa akin din naman yun, e."



SIX MONTHS. Ano ang ginawa niya sa loob ng anim na buwan na walang siyang masyadong pinagkakaabalahan?

Ayon kay Geoff, "Well, marami naman akong ginawa.

“I went to the States. Nagbakasyon ako. Enjoy…

“Lahat ginawa ko. Yung mga hindi ko nagagawa when I was working, ginawa ko.

“Yun nga, mga two months ago, two and a half months ago, I started working out."

Dalawang buwan lang daw niya nakuha ang bago niyang pangangatawan ngayon.



"Yes, two months. Kasi, umalis ako for the States ng August.

“And then, when I got back, mid-August, doon ako nagsimula talaga."



LOSING WEIGHT. Noon pa man ay marami na ang nakakapansin sa paglaki ng katawan ni Geoff, at marami rin ang nagsasabi sa kanya na magpapayat.

Pero ngayon lang niya ito seryosong nagawa. Ipinakita niyang kung gusto talaga ay magagawa niya.

Pagsang-ayon ni Geoff, "Yes, kasi kapag nakakita ka ng result, ‘Uy, everything I’ve been doing is working,’ itutuluy-tuloy mo.

“And besides, it’s such addicting after a while."

Masayang kuwento pa niya, "Dati, si Gabby ang nagyayaya [mag-gym]. Ngayon, ako.

"Diet, konti. I’ve been changing my diet recently lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But when I started, wala talaga."

Ano na ang diet niya ngayon?

"Nothing specific, kumakain pa rin ako. Hindi nga lang ako nagpapaka-busog.

“I still enjoy my meals."

Nasa 35 to 40 pounds daw ang nabawas sa kanya sa loob ng mahigit dalawang buwan.

"From 210, I’m down to 170-175 pounds,” sabi ni Geoff.

Ang pagka-miss niyang magtrabaho ang isa raw sa naging motivation ni Geoff para magpapayat.

Nakangiti niyang sabi, "Aside from people telling me to lose weight, I honestly missed working. Na-miss ko talaga siya.

“Kasi, wala akong ginagawa, palagi lang akong nakatambay na lang.

"Basically, gym-bahay. Gym-bahay, so nakakabato rin after a while.

“So, I decided to take control and go to the gym."



FIRST PROJECT AFTER LOSING WEIGHT. Nang makausap namin si Geof, hindi pa siya sigurado kung ano ang unang proyektong gagawin niya ngayong nakapagbawas na siya ng timbang.

Sabi niya, "Well, according to them, okay na. Fat memo is now invalid.

“So, yun... I’m just waiting.

“Hindi ko lang alam kung ano, hindi pa sinasabi sa akin."

Napag-alaman naman ng PEP na makakasama si Geoff sa upcoming fantasy series ng GMA, ang Adarna.

Isa raw ang aktor sa magiging leading men ni Kylie Padilla, bukod kina Mikael Daez at Benjamin Alves.

Kapansin-pansin naman ang long hair ngayon ni Geoff. Ito na ba ang bago niyang look?

Sabi niya, "Ano lang, baka magamit kung anumang show ako ilagay.

“I’m planning of keeping it first. Madali naman kasing magpagupit.

“I’m willing to have it cut. But, kung puwede kong gamitin, why not?

“Para maiba rin, kahit once lang."

PERRY’S BIRTHDAY. Ano naman ang mensahe niya sa kanyang talent manager na si Perry Lansigan, na nagdiwang ng kanyang 40th birthday?



Ayon kay Geoff, "Well, definitely, I’m very happy for him. Siyempre, masaya ako sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta ba itong manager sa kanya?

"He’s all-around, istrikto, mabait, very understanding, especially on my part.

“Ang daming nagbabago sa akin, physically.

“He’s always been there. Pinipilit pa rin ako, kinukulit ako. Hindi nagbabago ang pagtrato niya.

“So, sana tuloy-tuloy lang ang consistency niya and to be positive impact in my life."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN