Rhian Ramos and Marian Rivera get cozy after resolving their misunderstanding

Ayon kay Rhian Ramos, nagkapalitan na sila ng cellphone numbers ni Marian Rivera matapos nilang magkapaliwanagan nang magkita sila sa birthday party ng kanilang inaanak.


Itinuturing ni Rhian Ramos na magandang regalo sa kanyang birthday month ang tuluyan nilang pagkakaayos ng girlfriend ni Dingdong Dantes na si Marian Rivera.

Si Dingdong ang leading man ni Rhian sa bagong primetime series ng GMA na Genesis. Bago ito ay nagkasama rin sila sa teleseryeng Stairway to Heaven (2009).

Ayon kay Rhian, kung tutuusin ay wala namang namamagitang away sa kanila ni Marian.

Pero dahil sa kabi-kabilang intriga ay tila nauwi ito sa silent gap sa pagitan ng dalawang aktres, lalo na ang isyung diumano’y nagseselos si Marian kay Rhian sa tuwing maipapareha ito kay Dingdong.

Nauna nang naisulat dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa isyung diumano’y nag-isnaban at nagdedmahan ang dalawang aktres nang bumisita si Marian sa set ng Genesis.

Pareho naman itong pinabulaanan nina Rhian at Marian.

(Read: Rhian Ramos says no snubbing incident happened between her and Marian Rivera on Genesis set)



MAGKUMARE. Kamakailan nga ay natuldukan na ang isyung may iringan sa pagitan nina Rhian at Marian, nang magkita sila sa first birthday party ng anak ng GMA News reporter na si Aubrey Carampel.

Pareho kasi nilang inaanak ang bata.

Kung sa taping ng Genesis ay hindi sila nagkausap, sa birthday party raw ay nagkapaliwanagan na sila sa isa’t isa.

Kuwento ni Rhian, “Birthday kasi ng inaanak namin. So, first birthday, tapos pumunta kami, kasi parehas kaming ninang.

“So, ayun na nga, doon kami nagkita.

“Alam ko nga, last minute na siya nakapunta kasi may lakad yata siya that day, e.

“Sabi ko nga, ‘Buti na lang nakapunta ka.’

“Ayun, nagkaroon kami ng chance na mag-usap.

“Kasi ang nakakatawa, nasa iisang station kami, pero never kaming nagkikita sa GMA.

“Buti nagkita kami somehow, nasa labas pa ng GMA, yun lang ang nakakatuwa.

“Kasi nga, kung anu-ano yung naririnig ko at kung anu-ano yung naririnig niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May mga nagsasabi sa akin na galit siya, tapos may nagsasabi sa kanya na galit ako, parang ganun.

“So, kami din, tuloy nalilito na. Parang, may problem ba talaga?

“So, yun ang napag-usapan namin.

“’Meron ba?’ ‘Wala!’ ‘O, wala pala e, di okay tayo.’ Yehey…”

Ang pinagmulan kasi ng “gap” na ito ng dalawa ay ang isyung diumano’y nagseselos si Marian kay Rhian dahil kay Dingdong.

Ano ang sinabi ni Marian tungkol dito?

Sabi ni Rhian, “Wala naman. At saka, hindi rin naman ako nag-isip na nagseselos siya, kasi parang, di ba, bakit?

“No reason to [be jealous] naman.”



INSTAGRAM PHOTO. Nagpasalamat pa nga raw si Rhian kay Marian dahil pumayag itong makipag-usap at maayos na ang anumang hindi pagkakaunawaan nila.

Saad ni Rhian, “Ako, nag-thank you ako, kasi parang na-relieved ako. Kasi, hindi lang ako sanay ng may tension.

“As maingay as I am, hindi lang ako sanay, tapos hindi ko alam kung paano ko yun iha-handle.

“Bigla akong tameme pag ganun, e.”

Nagpalitan pa raw sila ng cellphone numbers.

“Oo, nag-exchange pa kami ng numbers.”

Kasama ba sa napag-usapan nila na kung magkakaroon ulit ng isyu o intriga sa kanilang dalawa ay sila na ang personal na mag-uusap tungkol dito, para hindi na lumaki ang isyu?

“Oo, oo,” sagot ni Rhian.

“Sabi nga niya sa akin, huwag lang daw akong mahiya.

“No matter what happens, mag-text lang daw ako sa kanya if there’s anything, for whatever reasons.

“Tapos ako, sabi ko, ganun din. ‘If there’s anything or kunwari kung may narinig ka ulit, text mo ako agad para ayos agad.’

“Para hindi na kami yung, ‘Totoo ba iyan?’

“Ang hirap, kasi ang daming taong nakapalibot sa amin, tapos kung anu-anong kuwento, di ba?

“So, at least ngayon, happy na kami lahat.”

Ano ang ginawa nila pagkatapos mag-usap?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nung bandang ending na… nung paalis na kami sa birthday, bago kami sumakay sa [kotse]… sabay kami umalis.”

Since nagbigayan sila ng numbers, nagte-text ba naman sila sa isa’t isa pagkatapos mag-usap?

Sabi ni Rhian, “Minsan. Actually, nung araw na iyon, nagte-text kami.

“Tapos, sinendan niya ako ng screen cap, yung picture namin sa Instagram.”

Kapwa nga nila ipinost ang picture nila na magkasama sa kanilang Instagram accounts.

Ano naman ang sabi ng boyfriend niyang si KC Montero sa pagkakaayos nila ni Marian?

“Yung funny, kasi si Marian, tinext niya si Dingdong na, ‘Ay, nag-usap na kami ni Rhian,’ ganun.

“Ako, hindi ko man lang tinext si KC.

“Nag-post ako sa Instagram, tapos si KC naman, nag-text sa akin, ‘Paano iyan nangyari?’

“Sabi ko, ‘Nagkita lang kami sa birthday, tapos yun.’

“Sabi niya, ‘Talaga? That’s great!’

“So, yun, he was just so happy for us.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN