Kim Chiu harassed by basher, pleads not to use her dead mother in attacking her

Nag-react ang Kapamilya star na si Kim Chiu sa isang basher niya sa Instagram, na idinamay pati ang kanyang namayapang ina sa pagbatikos sa kanya. Sabi ni Kim, "buti sana kung shes still alive, pero wala na sya eh wag po sana natin sya e damay nanahimik na sya and you dont know her and dont act as if you know my mom... "


Hindi napigilan ng Kapamilya young actress na si Kim Chiu na sagutin ang isang basher sa kanyang Instagram account (chinitaprincess) ngayon lamang gabi, October 21.

Ito ay dahil sa pagdamay ng naturang basher sa kanyang namayapang ina sa pagtira sa kanya.

Ipinost ni Kim ang screen shot ng post ng naturang basher sa kanyang Instagram account, kung saan kung anu-anong foul words ang ginamit upang ilarawan ang young actress.

Nasa larawan din ang mukha ng namayapang ina ni Kim.

Pumanaw si Mrs. Louella Yap Chiu noong June 23.

Sa ibaba ng post na ito ni Kim ay isiniwalat niya ang kanyang damdamin tungkol dito:

“i know bashers are not new on instagram, but this caught my attention.. sobra na sya, its ok to hate me i cant control you or tell you to like me.. pero when you say things about my mom iba ang pakiramdam buti sana kung shes still alive pero wala na sya eh wag po sana natin sya e damay nanahimik na sya and you dont know her and dont act as if you know my mom.. sana ayusin mo nalang buhay mo if you hate me then dont waste your time bashing me or visiting my page, spend time with your family nalang and friends who truly love you kasi doon mahahanap mo yung pansin na gusto mo, and it will make u a much happier peson than you are now.. may God bless you po hope you can find inner peace and happiness…”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN