Tom Rodriguez grateful for transformation from "professional tambay" to hot leading man

Tom Rodriguez on being admired for his open-mindedness: “Siguro, sa pagpapalaki rin sa akin. Kasi, my parents, we grew up na accepted kaming lahat kung ano kami. Kung ano ang gusto ko sa buhay—mapa-arts, mapa-sundalo.”


Walang duda na na-elevate si Tom Rodriguez sa leading-man status simula nang magbida siya sa katatapos lang na primetime series ng GMA na My Husband’s Lover.

Masaya ang Kapuso actor sa pangyayaring ito sa kanyang career.

Sabi ni Tom sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Parang hindi ako makapaniwala.

“Lalo na ngayon, nasabi ko nga dati, minsan isang taping sa isang buwan lang ang nagagawa ko. Usually, nakatambay.

“Hanggang ngayon nga, ‘Professional Tambay’ ang nakalagay sa Twitter ko.

"Totoo yun, dati ‘Professional Tambay.’

“Kaya ang sarap sa puso mo na a lot of people are giving their trust in you.

“Kasi, yung gumawa ng isang pelikula, isang teleserye, hindi biro yun.

“Yung production, kailangan yung pipiliin, may confidence na magagampanan nang tama ang role.

“E, ang sarap na isa ka doon sa napagpipilian o napagkakatiwalaan nila.”



COMFORTABLE. Napupuri si Tom dahil isa siya sa mga artistang walang inhibition pagdating sa mga role na tinatanggap at walang pinipili sa kung sino ang makakaeksena.

Sa pelikulang Bekikang na lang ay pumayag siyang maging leading man ng bida ritong si Joey Paras, na openly gay.

Nakangiting sabi ng Kapuso actor tungkol dito, “Siguro, sa pagpapalaki rin sa akin.

“Kasi, my parents, we grew up na accepted kaming lahat kung ano kami.

“Kung ano ang gusto ko sa buhay—mapa-arts, mapa-sundalo.

“Lahat, pag-uwi ko rito [sa Pilipinas], lahat sinuportahan nila.

"Kaya siguro nadala ko rin yun. You accept everyone as they are.

“Tayong lahat, ginawa tayo ng Diyos, nilikha tayong iba-iba, pero pare-pareho tayong lahat.

“May konting pagkakaiba lang, pero kumbaga, yun ang nagiging spice sa buhay.

"Kaya kailangan, tanggapin mo yun.”


ANOTHER GAY ROLE. Sa My Husband’s Lover, isa siyang may-asawang lalaki na na-in love sa best friend niyang bading.

Sa Bekikang, siya ang love interest ng central character na isang bading.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa totoong buhay kaya ay posible ring umibig si Tom sa isang bading?

Sabi niya, “Sa totoo lang po, ang dami kong natutunan, working in MHL.

“Ang dami kong natutunan sa LGBT [Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender] community.

“Masasabi ko na sa twenty-six years na nabubuhay ako, never pa akong na-attract or nagkaroon ng ganoong feeling towards the same sex.

“Hindi natin masasabing patapos, pero sa ngayon, twenty-six years, wala pa akong ganoon.”

Sa kabila ng balitang magkakaroon ng part two ang My Husband’s Lover, mas gugustuhin ba ni Tom na makagawa ng proyekto na malayo sa tema ng nagwakas nilang teleserye?

Tugon niya, “Gusto ko rin, kasi katulad ng pag-accept ko sa MHL, yun ang approach ko doon.

“I wanted to try something challenging and something new.

“So, sana rin, I would get a chance na makasubok ng ibang role, ibang genre.”


DREAM ROLE. Ano ang mga plano niyang gawin para sandaling makawala sa imahe ng My Husband’s Lover?

“Ako, gusto kong makasubok ng action.

"Kasi mahilig talaga ako sa action films, mahilig ako sa martial arts.

“Passion ko rin yun, kaya sana mapagbigyan—either that or fantaserye.

“Kasi sa mga books din, sa mga fiction, mahilig akong magbasa.”

Sa ngayon, hindi pa alam ni Tom kung ano ang susunod niyang teleserye sa GMA dahil nakatuon pa ang oras nila ni Dennis Trillo sa pagpo-promote ng kanilang album.

Dagdag niya, “At saka, sa U.S. tour din namin.

“Pero sana, makapahinga rin nang konti kasi tatapusin din namin ni Carla [Abellana] yung movie namin.

“Hopefully, next year, ipagdarasal ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN