Michelle Madrigal laughs off rumor linking her to Chris Ross; keeps relationship with Jonah Romero private

Hangga’t maaari, ayaw pag-usapan ng Kapuso actress na si Michelle Madrigal ang tungkol sa relasyon nila ng football player na si Jonah Romero. "Wherever I am sa personal life ko, gusto ko sa akin lang yun. I feel siguro naman deserve ko naman yun. Sa akin gusto ko lang i-share right now kung gaano ako ka-inspired sa work."


Napatili si Michelle Madrigal nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung sila pa rin ng boyfriend niyang si Jonah Romero, ang American-Guamanian football player na kabilang sa United Football League.

Ito ay matapos maging tampulan ng tukso si Michelle, 25, at ang basketball player na si Chris Ross, 28, na nakitang magkasamang nanood ng laban ng Gilas Pilipinas noong Agosto.

May mga nakakita rin kay Chris na niyakap si Michelle habang nanonood ng game, kaya’t nagkaroon ng espekulasyon kung sila ba ay magkarelasyon.

Natatawang sagot ng aktres tungkol dito, “No comment. It’s a new year. As much as possible, I’d rather talk about my career.

“I feel like yung lovelife ko, feeling ko, hindi naman siya importante.”

Bagamat mailap ang aktres tungkol sa kanyang present lovelife, maraming naniniwala na going strong pa rin ang relasyon nila ng football player na si Jonah, 25.

Taong 2011 noong maging magkasintahan sila.

“Secret! I’m just happy with everything. I am happily dating, that’s it,” simpleng tugon ng aktres nang tanungin muli ng PEP kung nagde-date pa rin sila ni Jonah.

Ipinaliwanag ni Michelle na hindi siya umiiwas pag-usapan ang kanyang lovelife dahil takot siyang madiskaril ito.

Aniya, “No, because gusto ko naman itago lang yun sa sarili ko.

"Wherever I am sa personal life ko, gusto ko sa akin lang yun.

“I feel, siguro naman deserve ko naman yun.

"Sa akin, gusto ko lang i-share right now kung gaano ako ka-inspired sa work.”

Pakiramdam daw kasi ni Michelle ay mas sinusuwerte siya sa career kapag tahimik lang siya tungkol sa kanyang relasyon.

“I feel like, since I haven’t been talking about my lovelife, mas okay yung career ko.

“Feeling ko, mas nakakalimutan ng tao kung may boyfriend ka o wala.

“Mas dumadami yung trabaho, mas focused dun. And right now, yun talaga ang focus ko kapag may career.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila nito, siya raw ang tipo ng girlfriend na naglalaan ng oras sa isang karelasyon kahit gaano siya kaabala sa trabaho.

“With me kasi, I love to spend time with people I care about.

"Siyempre, nandudun yun. Siyempre, time management naman ’yan.

“Pero kapag busy ako sa work, you want to see that person as much as possible, di ba, in between.

"So, to me, time management lang lahat, e.

“With work, alam ko kung anong priorities ko, kaya alam ko kung anong dapat ko unahin.”

NEW SOAP. Kabilang si Michelle sa cast ng Adarna, ang upcoming primetime teleserye ng GMA Network na pagbibidahan ni Kylie Padilla.

Ayon kay Michelle, “Si Kylie ang Adarna. Ako ang makakalaban niya. Ako ang magpapahirap ng buhay ni Kylie.

“I’m actually excited for this role kasi naka-costume na naman.

"The last time na naka-costume ako, yung fantaserye talaga—Dyesebel [2008], Zorro [2009], at Luna Mystika [2008].

“Excited talaga ako. Feeling ko, paglalaruan ko talaga yung character ko na ‘to.”

Wala raw problema kay Michelle kahit na madalas siyang gumaganap bilang kontrabida.

Bilang artista, mas importante sa kanya na sumubok sa iba-ibang roles para raw hindi manawa ang mga manonood.

“Actually kasi, nasa sa ’yo naman. May ibang tao, ang sama ng tingin nila sa kontrabida dahil ayaw nilang nata-typecast.

“Pero feeling ko, hindi naman ako nata-typecast as kontrabida, kasi I still do bida roles sa Magpakailanman.

“Feeling ko naman, yung direction ng career ko, nagli-lead as character actress.

"Yun naman talaga ang gusto ko. Feeling ko naman, slowly, napu-prove ko yun.”

Bagamat sampung taon na siya sa showbiz, ayaw pa ring maging kampante ni Michelle pagdating sa pag-arte.

“We all know na ang artista, we all come and go.

"Kung hindi mo gagalingan yung performance, puwedeng pagkagising mo bukas, kayang-kaya ka palitan.

“To me, kahit anong project ibigay, bida or kontrabida, I’ll do my best para ma-portray ko yung ibinigay nila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Michelle, nakatakdang umere ang Adarna sa GMA primetime block sa Nobyembre.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN