Dawn Jimenez denies rumored romance with Gerald Anderson: “Ayokong maging reason ng isang breakup. I’ve never been a third party.”

Inamin ni Dawn Jimenez na may komunikasyon pa rin sila ng ex-boyfriend niyang si Albie Casiño. Sa huling pag-uusap daw nila, nakiusap ang young actor na huwag na siyang banggitin sa mga interview ng dalaga.


Samu’t saring mga balita ang nagsulputan mula nang makatambal ni Dawn Jimenez ang Kapamilya hunk na si Gerald Anderson sa pelikulang OTJ (On The Job).

Ang pinakamatindi rito ay ang balitang nagli-link sa kanila, at nakikita raw si Dawn sa condo unit ni Gerald.

Dahil dito ay nakakatanggap ngayon ng puna si Dawn mula sa mga tagahanga ni Gerald at ng kasintahan nitong si Maja Salvador.

Nariyan ang sabihan siyang "maninira ng relasyon," "flirt," at ibang masasakit na salita.

Ngunit hindi na lang daw pinapansin ni Dawn ang mga ito, lalo na’t wala naman daw katotohanan ang mga lumabas na balita tungkol sa kanila ni Gerald.

Sabi ni Dawn sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): “Wala. Deadma lang, kasi alam ko naman ang totoo... na hindi siya totoo.

“People can say their own opinio. Para sa akin, wag na lang paapekto.”



THIRD PARTY? Nilinaw rin ni Dawn ang balitang nakikita raw siyang dumadalaw sa tinitirhan ni Gerald.

Diin niya, “Hay, hindi ako yun! Baka may ka-lookalike lang ako.

“Wala kaming communication kaya imposible na makapunta ako doon or makapunta siya sa akin.”

Iginiit din ni Dawn na kahit kailan ay hindi siya maninira ng relasyon ng may relasyon.

“Never, never!" bulalas niya.

"Siyempre naman, ayoko namang maging number two, gusto kong maging number one.

“Saka, siyempre, ayokong maging reason ng isang breakup.

"I’ve never been a third party.”



FRIENDLY VISIT. Bukod sa isyu sa kanila ni Gerard, nakita rin daw si Dawn na dumalaw sa set ng pelikulang ginagawa ngayon nina Rayver Cruz at Matteo Guidicelli, ang Saturday Night Chill, para sa Cinema One Originals.

Ayon pa sa balita, madaling-araw raw nang dumating sa set si Dawn.

Paliwanag naman ng baguhang aktres, “Di naman madaling-araw… dinner.

"Yeah, nag-visit ako, pero hindi dahil kay Rayver or kay Matteo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Friend ko kasi yung line producer nila, super close ko siya. And siya rin nag-line produce ng The Animals, so nag-visit kami.

“Kasama ko rin yung direktor, marami kaming nag-visit."

Sa totoo raw, walang siyang lalaking nagugustuhan ngayon.

“Wala, e, wala talaga… zero.

"Sana meron, pero wala, e.

"Saka wag na muna lovelife, work muna.”



SEXY AND DARING. Bukod sa magandang feedback ng pelikulang On The Job, pinag-usapan din ang frontal nudity at love scene ni Dawn dito kasama si Gerald.

Ayon sa batang aktres, tanggap ng kanyang ina ang ginawa niyang pagpapa-sexy sa pelikula, ngunit inamin din niyang hindi ganoon ang saloobin ng kanyang ama.

“Okey naman para sa akin, kasi naging successful movie siya.

"I also heard na pati Hollywood, balak siyang i-remake.

“Naintindihan naman ng mom ko. Sa mom ko, okey lang, pero sa dad ko kasi, di gaano.

“Alam niya may love scene, pero hindi niya kayang panoorin.”

Handa ba siyang gumawa ng isang proyektong mangangailangan ulit na magpakita siya ng katawan?

Tugon ni Dawn, “Siguro, kung kailangan talaga sa pelikula, why not?

“Sa akin lang, wag muna siguro ulit.

"Sana, matagal-tagal pa bago ko ulit gawin.”

Ang ginawang pagpapa-sexy ni Dawn sa OTJ ang naging rason kung bakit sila nag-break ng dati niyang boyfriend na si Albie Casiño.

Sa kabila nito ay wala naman daw pinagsisisihan ang dalaga.

“It’s all part of life, I guess, okey lang.”

ALBIE CASIÑO. Nagkakausap pa ba sila ni Albie?

Sabi ni Dawn, “Mayroon pa rin. Actually, we just talked a few days ago."

Totoo bang gustong makipagbalikan sa kanya ni Albie?

“No, hindi siya bumabalik.

"Like, noong nag-usap kami, it’s not as friends, not as anything.

“Formal lang tungkol dito, sa issue na ito, tungkol sa kanya—na wag ko na raw siyang pag-usapan."

Nasaktan ba si Dawn sa pakiusap na ito ni Albie?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “No naman.

"Hindi ako nasaktan kasi yun naman talaga ang totoo, so bakit naman ako masasaktan?

“As much as possible kasi, tapos na naman yun at matagal na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN