KC Montero on getting married again: “Maybe it never will happen... it’s fine."

Paliwanag ni KC Montero, posibleng hindi na siya magpakasal uli. Depensa niya, hindi man kasal ang nakatatanda niyang kapatid na si Troy Montero at aktres na si Aubrey Miles ay masaya pa rin silang nagsasama.


Labindalawang taon ang age gap ng magkasintahang KC Montero at Rhian Ramos.

Si KC ay 35 years old, habang si Rhian ay 23.

Pero hindi raw ito mahalaga, ani KC.

“I’m only mature in age. I wouldn’t say I act mature at all. You can see me, I’m kind of… I’m still immature,” pahayag ni KC sa Crizal Transitions Cinemajam press conference.

Ang event ay sinasabing kauna-unahang outdoor movie marathon at music festival sa Pilipinas, na gaganapin sa November 30, sa Event Circuit Makati.

Ginanap ang press conference noong October 22, Martes, sa Aracama Restaurant ng The Fort Strip, Bonifacio Global City.

Sa kanilang dalawa, tila mas nagpapakita pa raw ng maturity sa pag-uugali si Rhian.

“But sometimes, she’s more mature than me. A lot of times she’s more mature than me," pahayag ni KC.

“I kinda consider myself a kid, you know.”

Isang taon at pitong buwan na ang relasyon nila ni Rhian.

Ano naman ang sikreto ng kanilang pagsasama?

“We’re really fun. We really like to have a good time,” sagot ni KC.

“She’s like a boy-me, if that makes any sense.

“We’re both kenkoy. We like to have a good time. We’re not very serious.

“We always goof around, just really have fun, and also know each other’s boundaries.”

Paliwanag ng celebrity host/radio DJ, kapag subsob daw sa trabaho si Rhian ay hindi niya ito iniistorbo.

Ngayon ay abala si Rhian sa primetime teleserye ng GMA Network na Genesis, na pinagbibidahan ng aktres at ni Dingdong Dantes.

Bukod pa rito, gumagawa rin si Rhian ng isang indie movie.


NO WEDDING BELLS YET. Wala pa raw silang planong magpakasal.

Gusto muna raw niyang ma-enjoy ni Rhian ang kanyang magandang showbiz career.

“I wouldn’t want to add that pressure to her right now and I don’t need it either, ‘cause, why?” pagdidiin ni KC na hindi niya kailangang magmadali sa pagpapakasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“There’s a lot of things that she has to experience before settling down.

“I wouldn’t want to stop her from accomplishing her goals muna.”

Makahulugan pang pahayag ni KC tungkol sa isyu ng pagpapakasal, “Maybe it never will happen... it’s fine.

“My brother and Aubrey, they’re not married.”

Ang tinutukoy ni KC ay ang nakatatandang kapatid na si Troy Montero at partner nitong si Aubrey Miles, na masayang nagsasama at may isang anak.

“I’ve been married once before. I don’t need to do it again.”

Paglilinaw niya, hindi naman siya na-trauma sa naunang kasal niya. Nag-isang dibdib sila ni Geneva Cruz, ngunit nagkahiwalay sila matapos ng anim na taon.

Ayon pa kay KC, maganda ang relasyon niya sa pamilya ni Rhian at ganundin si Rhian sa pamilya ng boyfriend.

“I like her family very much, and I hope they like me as well. I think they do,” ani KC.

“She met my mom and my dad and my brother, of course, and they all like her.

“Actually, it was my mom who was the first to meet her.

“When my mom first saw Rhian, sinabi niya, ’KC, you have to go with her.’ My mom was like, ‘Wow, she’s so cool.’”

CLOSE TO HEAVEN. Kahit na hiwalay na ang dating mag-asawang sina KC at Geneva Cruz, nananatili ang magandang relasyon ni KC sa anak ni Geneva na si Heaven.

Si Heaven, 18, ay anak ni Geneva sa musikerong si Paco Arespacochaga.

Ikinasal noong 2004, naghiwalay sina KC at Geneva noong 2010, at napawalang-bisa ang kanilang kasal noong 2012.

Sa panayam kay KC, ikinuwento niya kung gaano siya kalapit sa kanyang dating stepson.

“I raised him for, like, 10 years. So almost half his life, I was there.

"So, if anything out of the relationship between me and Geneva is still strong, it’s my relationship with Heaven.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa ni KC tungkol kay Heaven, “I don’t get to see him much because he lives in the [United] States, but he’s always there.

“He still calls me Dad.”

HEAVEN APPROVES OF RHIAN. Nagkita na raw si Heaven at ang kasalukuyang girlfriend ni KC, ang aktres na si Rhian Ramos.

“Yeah, they met a couple of times,” pagkumpirma ni KC.

“I think Rhian is Heaven’s crush. They met. Wala. He said, ‘Good job,’” nakangiting sabi ni KC.

Nang matanong si KC kung maayos ang relasyon nila ni Geneva, ang tugon ng host, “Yeah, I think we are. We have no problems… nothing to fight about.”

Si Geneva ay engaged ngayon kay Lee Paulsen, isang Filipino-Australian,at kamakailan lang ay kinumpirma ni Geneva na buntis na siya kay Lee.

(Read: Pregnant Geneva Cruz hospitalized)

Masaya naman si KC para sa dating asawa dahil alam niya kung gaano nito kagustong magkaanak muli.

(Read: KC Montero happy that ex-wife Geneva Cruz is finally getting her wish, a second child )

NO PLANS YET TO HAVE KIDS OF HIS OWN. Noong mag-asawa pa sina KC at Geneva, sinubukan nilang magkaanak, subalit nakunan ng tatlong beses si Geneva.

Ayon naman sa 35-anyos na binata, ngayon ay gusto raw niyang magkaanak kapag handa na talaga siya.

“Ako naman, I want my world to be perfect before I bring someone else into it.

“So there’s still a lot of things that I have to do before… one is financially stable.

“I just want to be able to take care of the kid the best way I could,” paliwanag niya.

“One day, maybe, but you know I still have Heaven. He’s a big one, he’s a big boy, but it’s okay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN