Jeric and Jeron Teng keep eyes on the ball in the midst of sudden celebrity

Masaya ang magkapatid na Jeron (kanan) at Jeric Teng sa popularidad na tinatamasa nila ngayon, pagkatapos magharap ng mga koponan nila sa UAAP finals. Tinalo ng La Salle, team ni Jeron, ang koponan ng UST, team ni Jeric.

Sabi ng nakatatandang si Jeric: “...I’m just happy for my brother na, kahit papa’no, even though I lost, at least he won.”


Nakabibingi ang tilian ng studio audience sa taping ng GMA Network game show na Celebrity Bluff kagabi, October 22.

Ito ay dahil sa pagdating ng magkapatid na Jeric at Jeron Teng, isa sa tatlong pares ng celebrity brothers na maglalaro sa show hosted by the multitalented Eugene Domingo.

Sina Jeric at Jeron ay mga anak ng dating Professional Basketball Association (PBA) player na si Alvin Teng.

Nakatuon ngayon ang atensiyon ng publiko sa magkapatid na Teng dahil sa nakaraang finals ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP), kung saan nagharap ang Green Archers ng De La Salle University at ang Growling Tigers ng University of Sto. Tomas.

Si Jeron, 19 years old, ang star player ng La Salle.

Si Jeric, 22 years old, ang main player ng UST.

Sa huli ay nakuha ng La Salle ang kampeonato matapos nilang talunin ang UST.

Pagkatapos ng UAAP finals ay sunud-sunod na ang imbitasyon kina Jeric at Jeron para sa guestings and interviews sa iba’t ibang programa sa telebisyon.

Maging ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay pinaunlakan ng magkapatid upang mag-guest sa PEPtalk.

Nang makausap muli ng PEP sina Jeric at Jeron kagabi, parang hindi pa rin sila makapaniwala sa nakukuha nilang atensiyon mula sa publiko.

Sabi ni Jeric, “Of course, we just feel that we’re very blessed.

“Kasi, first of all, we’ve just focused on winning that championship nung UAAP, e.

“‘Yon lang, it just came to us. And we’re just happy.”

Dagdag naman ni Jeron, “Siyempre, we’re happy.

“Because of basketball… because of what we love to do, we’re having this kind of attention.

“So, happy kami na, you know, we get to do this during off-season—yung mga ganitong guesting-guesting sa TV.”



INSTANT POPULARITY. Ano ang pakiramdam na sikat na sikat sila ngayon?

Nakangiting sabi ni Jeric, “Hindi naman kami mga artista, e. Basta... ano lang kami talaga, basketball.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa taping nila sa Celebrity Bluff kagabi, before and after, dinumog sila ng studio audience para makapagpa-picture kasama sila.

Hanggang sa dressing room, at maging sa pagpunta nila ng comfort room, ay may mga nag-aabang sa kanilang dalawa.

Hindi ba sila naiilang kapag ganito, o sanay na sila?

Sabi ni Jeric, “Hindi naman kami sensitive about that issue. Okey naman kami.”

Dagdag pa ni Jeron, “Naa-appreciate naman namin ni Jeric iyon… yung mga fans na lumalapit sa amin.”

Pero mayroon ba silang hindi nagugustuhan sa celebrity status nila ngayon?

Sagot ni Jeron, “Wala naman.

“Siguro yung ano… we’re still adjusting dun sa time management namin na… mga puyat-puyat.”

Maraming girls at gays ang kinikilig kina Jeric at Jeron. Pero hindi raw nila iniisip na ito ay dahil naguguwapuhan ang mga ito sa kanila.

Ayon kay Jeric, “Hindi naman. Siguro they’re more of… siguro nakita lang nila how much hard work we put into the UAAP game talaga.

“Kasi, yun nga, we’re basketball players. At yung mga ganitong guestings namin on TV, they were just all extras.”

Ano ang gusto nilang sabihin sa mga umiidolo sa kanilang dalawa?

Ani Jeric, “We just want to thank them talaga for idolizing us talaga.

“For watching our games. For supporting our games. For supporting us.

“The reason why we love to play basketball, dahil din sa kanila.”

Dagdag naman ni Jeron, “We’re just really thankful for everything they do for us.

“For watching our game. For supporting us.

“Yeah, we owe them a lot.”



CHAMPIONSHIP GAME. Dahil ang La Salle ang nanalo nung nakaraang UAAP finals, pakiramdam ba ni Jeric ay mas angat sa kanya ang nakababatang kapatid na si Jeron?

Sagot ni Jeric, “Siyempre, it’s different to win the championship.

“Siyempre, may edge talaga ‘yon in any tournament, if you are a champion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas grabe ‘yon, e. Mas grabe ang attention, e."

Dagdag ng nakatatandang si Jeric: “But I’m just happy for my brother na, kahit papa’no, even though I lost, at least he won.”

Hindi ba nila inisip na sana ay nagkasama na lang sila sa iisang team?

Sagot ng nakababatang si Jeron, “Siyempre, coming from high school, we came from the same high school, e—sa Xavier High School.

“So, naging teammate kami for one year. And, okey naman.”

Parehong Marketing ang kursong kinukuha ng magkapatid. Si Jeric ay graduating na, habang si Jeric ay second year pa lang.



OFFERS. Totoo bang marami na ring offers sa kanila ngayon na mga endorsement?

Ani Jeric, “May mga naririnig kami. Pero yung manager namin ang nakakaalam dun, e.”

Ang tinutukoy ni Jeric ay ang Star Factor Inc., na siya ring namamahala sa career nina Mark Anthony Fernandez at James Yap.

Ito ay pinamumunuan ni Dondon Monteverde, na matagal nang independent manager at movie producer, ngunit minsa’y mas kilala bilang anak ni Mother Lily Monteverde.

Mag-aartista rin ba sila?

“Wala. Hindi kaya!” bulalas ni Jeron.

Sabi naman ni Jeric, “May mga workshops ‘yan, e. Wala kaming time dun!

“Basketball talaga yung ano ko, e.”

Pero si Jeron, tila open sa posibilidad ng pagpasok sa showbiz o paggawa ng movie o TV projects.

Aniya, “Siguro, pang sideline-sideline.

“Pero, siyempre, basketball first. Iyon ang priority.”

Ngayong taon ay nagpa-draft na si Jeric para sa PBA. Saang PBA team niya gustong maglaro?

Sagot niya, “Marami akong teams na favorite, e. Pero yung favorite kong player talaga is James Yap.”

Sabi naman ni Jeron, “Si James Yap din ang favorite player ko. Sa PBA team naman, San Mig.

“Pero three years pa siguro bago ako puwedeng pumasok sa PBA.

“For the meantine, maglalaro pa rin muna ako for La Salle.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



LOVELIFE. Parehong nangiti sina Jeric at Jeron nang matanong kung kumusta ang kanilang lovelife ngayon.

Ani Jeric, “Wala. Zero, e. Kasi I’m giving all my time for basketball and my studies talaga.

“Dahil graduating na rin ako, lahat talaga ng time, nandun sa studies ko.”

Ayon naman kay Jeron, “Single din ako. Wala pa, e!

“Dati meron. Pero wala na, since nung nag-focus ako sa basketball.”

Pareho ng celebrity crush sina Jeric at Jeron—ang Maria Mercedes star na si Jessy Mendiola.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN