Mo Twister and Ervic Vijandre trade insults on Instagram over Ariella Arida’s Headstart interview

Idinaan nina Mo Twister (kaliwa) at Ervic Vijandre (kanan) sa Instagram ang kanilang sagutan kaugnay ng ginawang komento ni Mo sa live interview ni Miss Universe Philippines Ariella Arida (gitna) sa Headstart. Si Ervic ay inaming nanliligaw kay Ariella.


Kahit malayo na sa Pilipinas ang radio-TV host na si Mo Twister—Mohan Gumatay sa totoong buhay—ay patuloy pa rin siyang lumilikha ng ingay.

Kahapon, October 22, naging usap-usapan sa social media sites ang ginawang komento ni DJ Mo—na naka-base na ngayon sa New York—sa live interview ni Miss Universe Philippines Ariella Arida sa Headstart.

Ang Headstart ang morning program ni Karen Davila sa ANC, ang news channel ng ABS-CBN.

Hiningan ni Karen ng reaksyon si Ariella sa komento ng ilang viewers na tila nahihirapan siyang i-express ang sarili sa wikang Ingles.

Ayon sa kandidata ng Pilipinas sa Miss Universe ngayong taon, hindi naman importante kung nakapagsasalita ng fluent English ang sumasali sa mga international beauty pageant.

Sabi pa niya, "To really express myself, to convey a message to the people... especially, Latinas cannot even speak a sentence, right? I mean, a complete sentence... in English.”

MO’S REACTION. Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account (djmotwister) ay inihayag ni Mo ang kanyang reaksiyon sa naturang pahayag ni Ariella, kalakip ang video ng interview ng beauty queen.

Sabi ni Mo, "I don’t intend to bash on our Ms Philippines here but how the f__k is this not considered offensive toward Latinas?

“I mean, we ALWAYS get so sensitive when someone says anything about us Filipinos (see Dan Brown, Alec Baldwin, and every other time we screamed murder) yet our girl representing our country, in a legit interview regarding the competition, says Latinas can’t put a sentence together in English. That would royally piss me off if I were of Latin descent.

“I’m pretty sure we would lose our minds if we heard an interview of a contestant saying ‘Filipinos can’t string a sentence together’ and our Senator/Congressman would persona non grata that bitch immediately.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m also quite certain that a few of the Latina contestants can cook up a few intelligible lines in English that would leave Ariella here dizzy in her heels.

“Best of luck to her in the competition. Now back to my NBA Fantasy Team."

Sa Twitter account naman ni Mo na @djmotwsiter, sinabi pa niya: “Who cares about winning the crown, I’d be more concerned that a Latin media outlet picking it up & pissing off an entire population & she-and she gets booed on stage during the pageant. I wouldn’t be so harsh if it were a sitcom but it was a news interview about the pageant.”

ARIELLA APOLOGIZES. Ilang oras pagkatapos lumabas ng posts ni Mo sa Instagram at Twitter, at iba pang nag-react sa interview, nag-post naman si Ariella ng mensahe sa kanyang Twitter account (@araarida) upang humingi ng paumanhin.

Aniya, “OM sorry. I didn’t mean to offend anyone from my last interview. I hope you guys can understand what Im trying to say.”

(Read: Mo Twister criticizes Ariella Arida’s "offensive comments" about Latinas)

ERVIC VIJANDRE REACTS. Hindi pa rito natatapos ang kuwentong ito dahil may patutsada naman ang aktor na si Ervic Vijandre laban kay Mo.

Si Ervic ang napapabalitang masugid na manliligaw ngayon ni Ariella.

Kahapon din, sunud-sunod ang posts ni Ervic sa kanyang Instagram account (ervic_vijandre).

Una na rito ang screenshot ng tweet ni Mo na nakalahad sa itaas.

Naka-caption dito: “Shut the f**k up! #LittleLadyBoy.”

Dito ay nag-comment ang ilang kaibigan ni Ervic, kabilang na ang kasamahan niya noon sa Survivor Philippines Celebrity Edition na si Aubrey Miles.

Ani Aubrey, “@ervic_vijandre hate ko Yan alam mo Yan haha.”

Nakairingan din noon ni Aubrey si Mo.

Kasunod na post ni Ervic ay ang screenshot ng Instagram at Twitter posts ni Mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Caption niya dito: “Bakla lang ang peg! Gusto yata maging beauty queen. Kulang ka sa Height teh!#littleladyboy.”

Dito ay nag-comment naman si Mo: “Teh?”

Dagdag pa ni Mo: “Ingat bro, baka I might ask you what 7 x 8 is and it will scare you away. #BasketBallHeight #callBoyIntellect.”

Sagot ni Ervic: “Hahaha nice! @djmotwister”

Mahabang sagot naman ni Mo: “Nice? Thanks counselor! Sayang nga, it would have been nice to have a counselor who uses ‘the’ in sentences. Oh well, maybe next election. Maybe you can find another way to alienate the gay vote. Oh Eric, alienate means, ’to feel that she or he no longer belongs in a particular group, society, etc.’”

Si Ervic ay tumakbo bilang konsehal ng Taguig City noong nakaraang eleksyon, ngunit hindi siya nanalo.

Sagot ni Ervic: “@djmotwister translation pls…I’m ‘bobo’ for that language. Oh wait I’ll read the reply after my last dance!”

Ang huling post ni Ervic ay ang screenshot ng litrato ni Mo habang umiiyak.

Galing ang litrato sa dating lumabas na video ni Mo, kung saan naglahad siya ng mga maselang impormasyon tungkol sa relasyon nila ng ex-girlfriend na si Rhian Ramos.

Ang caption dito ni Ervic ay: “Suspended kasi ako for 5months. Wala na ako pambayad ng rent dito. #salingpusa ako sa isyu dyan pls. I need to pay the rent. 😭 @djmotwister#littleladyboy”

Hindi na nag-comment dito si Mo.

Bukas ang PEP sa panig ng lahat ng sangkot sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN