Gelli de Belen reacts to Amy Perez’s real reason for quitting Face To Face

Ayon kay Gelli de Belen, hindi isyu para sa kanya ang mag-taping ng apat na episode sa loob ng isang araw, basta’t hindi ito regular requirement ng show. "Four times a day is really a stretch. I would rather do three because it’s very stressful. Pero kung kinakailangan, paminsan-minsan siguro. If it’s just for a day or for two days in a month, pwede naman, e, kung nasa maayos na pag-uusap.”


“Siyempre, case to case basis ’yan. It doesn’t mean na kaya ko, kaya rin niya.”

Ito ang pahayag ni Gelli de Belen tungkol sa naging mitsa sa desisyon ni Amy Perez na mag-resign bilang host ng Face To Face at tuluyang umalis na ng TV5.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gelli sa press launch ng ineendorso niyang produkto, ang Moringa-O2 herbal hair, scalp, and skin therapy oil.

Ginanap ang event sa Island Spa, Resorts World Manila, kahapon, October 23.


A CASE OF MISCOMMUNICATION. Sa ekslusibong panayam ng PEP kay Amy noong Oktubre 16, nagpahayag ng saloobin ang TV host tungkol sa kanyang pag-alis sa TV 5.

Inamin niyang hindi siya pumayag sa istipulasyon ng Face To Face na mag-taping ng four episodes a day, dahil kakapanganak lang niya noon.

Kaugnay nito, hiningan ng PEP ng reaksyon si Gelli hinggil sa pagtanggi ni Amy sa gustong taping schedule ng reality show.

Matatandaang si Gelli ang pumalit bilang host ng Face to Face noong panahong nag-maternity leave si Amy.

Naiintindihan daw nang lubusan ni Gelli kung ano ang pinanggalingan ni Amy.

Aminado siyang hindi madali ang mga kasong nireresolba kada episode ng Face To Face.

Sa kasalukuyan, si Gelli at si Christine Bersola-Babao ang tumatayong hosts ng Face The People, ang ipinalit na show sa Face To Face.

Saad ni Gelli, “There were just a few times na four times a day kami nag-taping for Face to Face.

“Kasi, for Face The People, three episodes a day lang naman kami.

“Sa Face To Face before, na-experience ko rin yung four times a day.

“Siyempre, it’s hard for her kasi at that time she just gave birth.

“I think there was just a sort of misunderstanding, sort of miscommunication somewhere there, kaya hindi nila naayos yung problema nila.”

Base sa kanyang personal experience raw, walang problema si Gelli sa four times a day taping kung hindi rin lang ito regulár na hinihingi ng show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag niya, “Four times a day is really a stretch. I would rather do three because it’s very stressful.

“Medyo mabigat siya, e. Each episode meron siyang bigat talaga, e. Pero kung kinakailangan, paminsan-minsan siguro.

“If it’s just for a day or for two days in a month, pwede naman, e, kung nasa maayos na pag-uusap.”

Aminado rin si Gelli na hindi naging maganda ang paghihiwalay ni Amy at ibang staff ng dati nitong programa sa TV5.

Pero hangga’t maaari ay ayaw na niyang pag-usapan ito dahil hindi raw siya sangkot sa isyu.

Sabi ni Gelli, “It’s unfortunate. I don’t know. Kasi hindi ako directly involved for me to comment. It’s better for me not comment,” giit niya.


FRIENDS SINCE TEEN YEARS. Sa kabila ng mga pangyayari, nagpahayag ng suporta si Amy kina Gelli at Christine bilang hosts ng Face The People.

Iisa ang talent management company na kinabibilingan nilang tatlo, ang Backroom Inc., na itinatag ni Boy Abunda at pinalalakad ngayon ni Bettina Aspillaga.

Ito ang mensahe ni Amy sa kanyang Twitter followers noong October 11:

“Maraming salamat sa mga kapatid nating sawsawero’t sawsawera na nagpakita ng pagmamahal at suporta sa akin sa loob ng 3 taon. Inaasahan ko na ganyang pagmamahal at suporta din ang ibibigay ninyo para kay @gellidbelen at @ChristineBBabao para sa face the people on oct.14”

Sagot ni Gelli tungkol sa tweet ni Amy: “Siyempre, thankful naman ako na up to now, kahit na wala na siya sa Face To Face tsaka sa Face The People, wherein she was supposed to be with me, siyempre happy ako na tinutulungan niya kaming mag-promote.”

Nananatili raw silang mabuting magkaibigan ni Amy kahit hindi sila natuloy mag-co-host ng Face The People.

“Of course, we’ve always been good friends. We’ve been friends since I was a teenager.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dati kasi sa Viva Films, magkasama kami. Tapos sa ABS-CBN, magkasama kami doon.

“So we’ve remained in touch through the years.”

Ikinatuwa rin ni Gelli ang balitang balik-Kapamilya network muli si Amy, na opisyal na pumirma ng kontrata sa ABS-CBN noong October 22.

“Of course, homecoming niya ang ABS-CBN. So, siyempre, I’m happy for her,” saad ni Gelli.


OPTIMISTIC ABOUT NEW SHOW. Halos dalawang linggo nang umeere ang Face The People at umaasa si Gelli na patuloy itong susuportahan ng mga manonood.

“Mahirap yung show. Hindi siya katulad ng Face To Face na pinagbabati namin lahat, inaayos namin lahat.

“Dito, there’s one person with a problem. Kung ano man ang dilemma niya, we will enlighten that person with that problem.

“At the end of the episode, siya na ang magde-decide kung itutuloy niya or hindi niya itutuloy. It’s his or her sole decision.”

Naaapektuhan ba siya kapag may mga problemang hindi nareresolba?

“Minsan. Nagkaroon kami ng isang guest na ang tigas talaga. E, wala kang magagawa.

“Ipinakita na namin ang pros and cons, pero still, yun ang decision nila.

“Buhay naman nila yun, hindi naman namin mapapakialaman.”

Ikinatuwa rin daw ni Gelli ang balitang positibo ang feedback ng mga manonood sa tandem nila ni Tin Tin [palayaw ni Christine].

“I’m glad. Ok naman kami sa Face The People. Masaya.

"It’s nice to work with Tin Tin. It’s my first time to work with her. Enjoy siyang kasama. I think interesting siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN