Charee Pineda says she’s enjoying the best of two worlds as a public servant and actress

Charee Pineda is happy playing the role of kontrabida in the GMA teleserye Akin Pa Rin Ang Bukas after being known as the goody Rosalie in another teleserye in another network. But she is also enjoying her other life as a public servant. And since she finds it difficult to choose between politics and show business, she has decided to keep both careers.


Hindi maiwasang maging tampulan ng biro ang magkapareha sa Kapuso seryeng Akin Pa Rin Ang Bukas na sina Charee Pineda at Gary Estrada .

Sa press visit sa set ng Kapuso primetime series kamakailan, natanong si Charee kung hindi siya naiilang kay Gary dahil pareho silang mga public servant.

Si Gary ay board member sa lalawigan ng Quezon habang si Charee naman ay konsehal sa Valenzuela City.

Habang kausap ng entertainment press si Charee ay nakikinig naman si Gary.

Ayon kay Charee, sabay tingin kay Gary, “Tito Gary is very gentleman.”

Tawanan tuloy ang entertainment press dahil matunog na “Tito” ang tawag ni Charee sa kapareha.

Natatawang dugtong pa niya, “Hindi. Noong love scene talaga, never na nagdampi o nag-touch ang lips namin—talagang gentleman po siya.”


BETTER ROLE. Komento rin ng press, ang karakter ni Charee sa Akin Pa Rin Ang Bukas ay tila mas challenging pa sa karakter ni Lovi sa ngayon.

“Wala akong masabi. Siguro depende ‘yan sa director at saka sa script writer,” nakangiti niyang reaksyon.

“Thankful lang at naa-appreciate yung effort na binibigay ko rito sa character na binigay sa akin.

“Pero, wala akong comment doon sa mas maganda ang role ko.”

Unang proyekto ni Charee ang seryeng Akin Pa Rin Ang Bukas para sa GMA Network, kumusta naman siya bilang isang Kapuso?

Tugon niya, “Okey naman, maayos.

“Na-feel ko naman na napaka-warm ng welcome sa akin at napi-feel ko naman na talagang naalagaan ako. Kaya salamat po.”


NETWORK TRANSFER. May nang-intriga kay Charee na dati raw ay hindi siya masaya kaya siya lumipat ng network.

Bulalas niya, “Ah, hindi! Happy ako, happy ako. Kaya lang, kung saan may offer siyempre, at saka trabaho pa rin naman.”

Dati ngang Kapuso si Charee at aminado siyang naapektuhan siya noong kasagsagan ng isyu ang paglipat ni Angel Locsin sa Kapamilya network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Charee at si Angel ay parehong nasa pangangalaga ng talent manager na si Becky Aguila.

Kuwento ni Charee, “Medyo nga po, kasi, medyo na-affect talaga.

“Buti na lang, close ako roon sa dating production na pinanggalingan ko, kila Direk Bobot Mortiz.

“So madaling nakabalik ako at na-explain naman sa kanila kung ano ang nangyari.”


FROM BIDA TO KONTRABIDA. Sa ngayon, tatlong taon ang kontratang pinirmahan niya sa GMA at co-managed siya nina Manny Vallester at GMA Artist Center.

Magkaiba na ang ginagampanan niya sa mula sa kabilang network.

Kung sa ABS-CBN, bida ang huli niyang karakter, sa Kapuso naman ay kontrabida siya, hindi ba siya nagdalawang-isip sa paglipat?

Paliwanag ni Charee, “Hindi naman, kasi, sa mga previous roles ko, puro mga paawa.

“Ngayon kasi, mas for me, challenging siya kasi kontrabida.

“Para naman, at least, nate-test ko kung hanggang saan ba yung kaya ko.”

Ano ang nakikita niyang impact sa mga tao ng role niya ngayon bilang si Agatha?

“Nakakatuwa, kasi before, tinatawag nila ako as Rosalie, yung role ko sa kabila.

“Ngayon, kapag umiikot na, Agatha na. At saka, may mga nagsasabi na, ‘Nakakainis ka!’ Kasi parang inaapi ko nga raw si Lovi.

“Yung mga taga-Valenzuela naman, sinasabi nila na, ‘Hindi kami sanay sa ‘yo.’

“’Kahit na anong paniwala namin na kontrabida ka, mas kilala ka kasi naming magsalita.’

“Pero, may iba na rin na sinasabing nakakainis daw.”


PUBLIC SERVANT. Bilang isang konsehal, hindi ba nagiging mahirap sa kanya ang paghahati ng schedules sa pagiging public servant at artista ngayon?

Aniya, “Hindi. Kasi before pa na mag-start ang show, sinabi ko na every Monday, session day ko.

“So, hindi ako puwede, kung kailangan man ako, after session talaga.

“Parang pinaka-taping ko, Wednesday and Friday. Tapos, yung Tuesday, Thursday, Saturday ko naman ang time ko para umikot.

“So hindi siya masyadong mahirap.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagsimula si Charee bilang SK Chairman, pero, tinuloy-tuloy niya hanggang sa pagiging konsehal.

Kung sakali, may plano pa rin siyang tumakbo sa mas mataas na posisyon?

Pag-amin niya, “Gusto ko pong talaga kung may chance, bakit hindi?

“Kasi, na-enjoy ko siya. Akala ko nga noong una, parang mahirap pagsabayin.

“Dumating kasi ako sa point na parang ayoko ng mag-artista. Parang gusto ko, mag-public servant na lang talaga.

“Gusto ko pong talaga kasi before ako nag-counselor, nag-SK chairman muna ko.

“After ng term ko, nagpahinga muna, kasi medyo bata pa rin naman ako noon. So nagpalipas lang ng isang eleksiyon, tapos ngayon na.

“Gusto ko po talaga at gusto ko na may other life ako outside showbiz. At nagkataon na na-enjoy ko yung other life na pinasok ko.”


CONTROVERSIAL ATTIRES. Itinanggi at nilinaw naman ni Charee ang isyu na diumano’y puro seksing mga damit ang mga isinusuot niya tuwing may sessions siya.

Ayon kay Charee, “Tinanong na rin ‘yan sa akin, pero wala akong kinoment.

“Kasi, unang-una, alam ko naman kung ano ang dapat at hindi dapat isuot sa session. So hindi ako gagawa ng mga ganoon.”

Hindi totoong nagse-sexy dress siya?

“Hindi,” sabay-iling niya.

“Puro mga smart casual lang. Nakakahiya naman na pupunta ko ng City Hall na naka-mini skirt—hindi talaga.”

Posible kayang may kaaway siya na naninira sa kanya?

“Hindi mo naman masabi kasi, hindi mo rin naman alam kung saan nanggaling.”


NON-SHOWBIZ SUITOR. Minsan nang naging engaged para magpakasal sa dati niyang boyfriend si Charee, pero, hindi ito natuloy at nagkahiwalay rin sila.

Ngayon ba, may nanliligaw sa kanya?

“Meron po, pero hindi siya sa showbiz.”

Nanliligaw pa lang ba o boyfriend na?

“Hindi pa naman, hindi pa naman,” nakangiti niyang sabi.


ON JM DE GUZMAN. Dating magkasama at magkapareha noon sa huling serye niya sa Angelito ang Kapamilya actor na si JM de Guzman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinamusta ng press kay Charee kung may komunikasyon pa rin siya sa actor at kung napansin ba niyang nagkakaroon ito ng problema noong part 2 ng serye?

Kuwento niya, “Si JM kasi, hindi siya nagse-share.

“Kahit na magkaibigan kami, siya yung type na kapag may problema siya, siya lang.

“Close kami, magbarkada, kaya lang, siya lang talaga yung type na hindi siya…”

Hindi niya ito tinatanong o kaya’y kinakamusta?

“Nagtatanong ako sa kanya. Sabi ko, ‘Okey ka lang ba?’

“Sasabihin niya, ‘Okey lang ako.’ So I guess, hindi siya okey na mag-open.

“So hindi na rin ako nagtatanong pa parang respeto na lang sa kanya.

“Kahit naman mag-barkada, feel mo naman kapag gustong mag-open up o hindi.”

Ngayong nakakarating sa kanya ang mga pinagdaanan o pinagdadaanan ni JM, nakamusta na niya ba ang actor?

Sabi ni Charee, “Nag-email ako sa kanya, siguro mga two months ago.

“Tinanong ko lang kung kumusta siya, lahat. Pero hindi pa siya sumagot.

“Pero alam ko, kung may chance yun or feeling ko kung nabasa niya ang email ko, alam ko na sasagot yun sa akin.”

Dugtong pa niya, “Yung Mommy niya ang nakakausap ko dati.

“Pero ngayon kasi, medyo na-busy na, wala ng time na mag-usap.

“Nag-uusap lang kami sa Facebook lang, at wala rin akong time na mag-Facebook noong nakaraan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN