Part 1. LJ Reyes finally speaks up about failed relationship with Paulo Avelino; says they still raise their son together

Sa pinagdaanan at kinahinatnan ng relasyon nila ni Paulo Avelino, napagtanto raw ni LJ Reyes na para siyang isang matibay na puno: “In-absorb ko lang yung tubig, yung ulan, lahat yung hangin, lahat, pero andun pa rin ako. Andun pa rin ako.”


Natawa ang Kapuso actress na si LJ Reyes sa balitang umamin na raw si Paulo Avelino na hiwalay na sila.

As early as May this year, may usap-usapang break na ang dalawa. Ngunit tuwing tinatanong sila tungkol dito ay parati silang umiiwas sumagot.

“Hindi ako makapag-react, kasi hindi ko pa naman nababasa yung article, at saka hindi ko naman mismo sa kanya narinig.

“So, ano ang ire-react ko? Hindi ko alam kung paano magre-react,” sunud-sunod na sabi ni LJ, nang kunin ang reaksiyon niya sa pag-amin diumano ni Paulo.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling miyembro ng media si LJ, sa taping ng Prinsesa Ng Buhay Ko kahapon, October 23, sa Visayas Avenue, Quezon City.

Kailan sila huling nagkita ni Paulo?

“Parang mga last week.”

Nag-usap ba sila nang masinsinan?

“Hindi, hindi masyado. Kasi ano, lalabas sila ni Aki.”

Si Aki ay ang anak nina LJ at Paulo na si Ethan Akio, three years old.

Sinundo raw ni Paulo ang anak nila mula sa bahay ni LJ para ipasyal.



STATUS OF RELATIONSHIP. Kumusta sila ni Paulo?

Sagot ni LJ, “Okay naman. Nasa isang state kami na okay naman kami pareho.”

Kumusta ang kanilang relasyon?

“Nasa isang relationship kami na ang priority namin ay yung bata.”

Hindi ang isa’t isa?

“Oo.”

Direstong tanong: Hiwalay na ba sila ni Paulo?

Sagot ni LJ: “We are united in raising the kid. We are together in raising the kid.”

Bakit hindi na sila?

“Madaming dahilan na mas magandang sa amin na lang, pero iyon yun.”

Gaano na katagal ang ganitong set-up nila?

“Hindi ko masabing matagal na matagal kasi, pero okay lang.

“I mean, quite a while, but hindi naman super-tagal.”

Nasaktan ba siya?

“Sorry, natatawa ako!” una munang reaksiyon ni LJ.

“Hindi… kaya ako natatawa, kasi nasa panahon ako ngayon na kaya ko nang itawa, di ba? Iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero kung masakit, siyempre may mga wishes ka in your life na minsan hindi talaga naibibigay sa ‘yo, di ba?”

At isa rito ang nangyari sa kanila ni Paulo?

“Siguro, siguro nga,” tugon ng 25-year-old actress.

Mutual ba ang naging desisyon nila ni Paulo?

“We talked about it.”



NOT THE SAME ANYMORE. Sa tanong kung mahal pa niya si Paulo, medyo matagal bago nakasagot si LJ.

“Siyempre, sinasabi ko nga, iba-iba kasi yung level ng pagmamahal mo sa isang tao, di ba?

“Once naman na mahal mo ang isang tao, I think hindi naman na mawawala yun.

“Pero siguro, baka lang mag-iba ng level.

“I mean, it’s not gonna be the same, di ba? Iyon.”

Base sa mga reaksiyon at kilos ni LJ, mukhang magaan na para sa kanya ang pinagdadaanan niya ngayon.

Lampas isang taon na ba mula nang magdesisyon sila ni Paulo tungkol sa kanilang relasyon?

“Hindi pa naman.”

Months pa lang?

“Oo, pero… ang dami kong sinasabi sa ‘yo, ha!” natawang pakli muna ni LJ.

“Basta, wala pa siyang year. Pero matagal-tagal na… almost.”



LESSONS LEARNED. Temporary ba ang sitwasyon nila ni Paulo o magdidire-diretso na?

Sabi ng StarStruck alumna, “Pag meron kasing isang napakabigat na nangyari sa buhay mo, ang laki nung change na naibibigay sa ‘yo, e.

“And dun mo nari-realize… ang dami mong nari-realize na natutunan mo pala.

“So, it also changes you. The way you react to a lot of things, to a lot of events. So, iyon.

“Hindi ko masabi, ayokong magsalita nang tapos, pero marami akong natutunan, e.

“Sobrang dami kong natutunan.”

Tulad ng?

“Siguro, pinakanatutunan ko is… pag sinabi ko ito, dyusko, Lord!” kambiyo muna ni LJ.

Pero dagdag niya, “Hindi, ano naman ito, it goes both ways.

“People change and kahit na sabihin natin na…

“Kasi sa isang relationship, it has to be… parang pag nag-change ang isa, or pareho, kailangan kaya ninyong mag-adapt, e, to the changes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung ganun.

“Parang forever na kailangan… It’s parang forever ka dapat mag-e-effort. It’s forever hard work. Ganun.

“So marami, marami pa. Hindi lang iyon, madaming-madami pa.”

Ginawa ba naman ni LJ ang “effort” at “hard work”?

“Ay, oo naman!” bulalas niya.

Si Paulo?

“Siya na lang tanungin ninyo, hindi ako!” natatawang iwas niya.

Isa pa raw na-realize ni LJ: “Na ang tibay ko pala!

“Ang tibay-tibay ko pala. Ang tibay ko.

“Para akong puno. In-absorb ko lang yung tubig, yung ulan, lahat yung hangin, lahat, pero andun pa rin ako.

“Andun pa rin ako.”

Masasabi ba niyang bagyo ang in-absorb niya ?

“I mean, I don’t think iyon yung worst na possible na mangyari sa isang tao, pero bagyo pa rin siya.”



POSSIBLE REASONS. Dahil hindi direktang matukoy ni LJ kung ano ang dahilan ng kinahinatnan ng relasyon nila ni Paulo, nagbanggit kami ng mga posibleng rason, at sinabi naming sumagot lamang siya ng “yes” or “no” kung iyon nga ang dahilan.

Third party?

“No.”

Career?

Tumawa muna si LJ bago sumagot.

Aniya, “Actually, no.

“Pero kaya kong i-defend ‘yan. Why?

“People always blame the career, but I’ve always believed na it’s not… You cannot blame it on other things or other people, it’s still you, e.

“Nasa sa iyo pa rin yun, e.

“It’s the willingness, it’s the determination, motivation.

“It’s the heart, it’s the commitment… iyon. Iyon yun.”

Pera?

“No.”

So, mas sa career ang dahilan?

“Hindi, e,” giit ni LJ.

Pero sa career lang siya may ibinigay na paliwanag?

Paglilinaw naman ng aktres, “Pero kasi, if you think about it, if you go through everything, just to be fair, siyempre I want to be fair sa lahat.

“Hindi iyon, e. I mean, hindi iyon, per se. Hindi iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang sinasabi ko is, pareho naman kaming may trabaho, e.

“It’s the person, or baka ako… baka. Iyon.”

Kung si LJ ay naging fair, si Paulo ba ay ganun din?

“Sa paniniwala niya? Sa paniniwala niya, fair siya!” natatawang sabi ni LJ.

Sa paniniwala ni LJ, naging fair ba si Paulo?

“Sa paniniwala ko? Mahirap kasing maglagay ng black and white sa mga bagay, e,” tugon niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN