Paulo Avelino says decision to end relationship with LJ Reyes was mutual

Pinabulaanan ni Paulo Avelino ang napabalita noong nagtangka siyang magpakamatay. Pero hindi naman daw siya naapektuhan ng maling balitang ito. Aniya, “Kasi I won’t be affected by something that is not true. E, di ba, sa social media, they keep on killing people?”


Naging honest si Paulo Avelino sa pagsagot sa mga tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media na dumalo sa grand presscon ng kinabibilangan nitong bagong teleseryeng Honesto.


Mapapanood ang bagong primetime serye sa ABS-CBN simula Lunes, Oktubre 28.

Ginanap ang presscon kaninang tanghali, Oktubre 24, sa 9501 restaurant ng ELJ Building ng ABS-CBN.

Pagkatapos ng presscon ay natanong ng PEP si Paulo kung ano ang pakiramdam niya na ang media ay tila naghahanap ng “honest answers” mula sa kanya?

Mula kasi nang mapabalita ang breakup nila ni LJ Reyes ay palagi siyang umiiwas na matanong tungkol dito.

Sagot niya, “Siguro, I’ve been aloof answering questions [before].

“Hindi naman ako nagsisinungaling, kumbaga marami ring kasing…

“I’m a very private person, and marami rin naman sa buhay ko ang ayokong….

“I just want my personal life away from public as much as possible.”



STATUS: SINGLE AND COMPLICATED. Isa sa honest answers na hiningi ng press mula kay Paulo ay ang tungkol sa status ng relationship niya kay LJ Reyes ngayon.

Matagal na kasing nababalitang hiwalay na sila ni LJ, ang ina ng kanyang anak na si Ethan Akio.

Sagot ni Paulo: “Single and complicated.”

Bakit niya nasabing complicated?

“Complicated… As you all know, I have a son and… ayun.”

Matagal na ba silang hindi nagsasama ni LJ?

“Ayoko rin namang magbigay ng specific date pero… medyo.”

Mutual decision ba ito?

“A, mutual… yeah, mutual.”

Kailan kaya siya puwedeng magmahal ulit?

“Well, magmahal ulit? Ako, I wouldn’t rush it.

“Pero kung ibibigay, kung may darating, kung mararamdaman ko, bakit hindi?”

Nakikita ba niya lagi ang anak nila ni LJ?

Sagot ng Kapamilya actor, “Sinisiguro ko na lagi akong may oras para sa bata.

“Pag wala akong ginagawa, I try as much as possible to spend time with my son.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gaano kadalas?

“Sa bagay na po na iyan, siguro mas okay po na para sa amin na lang po,” iwas niya.



SUICIDE ATTEMPT: FALSE. Hiningan din ng paglilinaw si Paulo tungkol sa isyung nagtangka siya umanong mag-suicide.

Bagamat naglabas na ng press statement ang manager niyang si Leo Dominguez, kinuha rin ng PEP ang direktang comment ni Paulo rito.

Paliwanag ng rising actor, “Yung statement na ibinigay ng manager ko, yun actually ang sinabi ko sa manager ko, so inayos niya lang yung words.

“Well, it’s not true.

“First of all, I’m here noong pumutok ang balita. I was working dire-diretso since Holy Week.

“Nagulat din ako. Nagising na lang ako na may tumatawag sa akin.

“Sabi ko, ‘Nandito lang ako, natutulog.’”

Naapektuhan ba siya ng isyung ito?

“Ako, hindi naman po kasi… Hindi po, e, kasi I won’t be affected by something that is not true.

“E, di ba, sa social media, they keep on killing people?”



PROJECT WITH ANGEL. Binigyang-linaw din ni Paulo ang isyung tinanggihan niya ang isang teleseryeng kasama si Angel Locsin.

Nanganak pa ito ng isyu na ayaw raw niya makasama si Angel.

Ayon sa 25-year-old actor, “Hindi po naman tinanggihan.

“Pero I was being considered as one of the cast.

“And noong time talaga na yun, medyo kumplikado rin kasi ang nangyayari.

“Siguro dala na rin ng pagod and nung mga personal issues.

“Hindi ko naman po tinanggihan dahil ayoko, pero, kumbaga, I was being considered to do it.

“And parang tingin ko, hindi ko po kaya nung mga panahong iyon.”

Tuloy pa rin ang naturang teleserye, kunsaan tampok si Angel. Makakasama ng aktres dito sina Jericho Rosales, Maja Salvador, at JC de Vera.

Totoo bang may pinagdaanan siyang depresyon, at may kinalaman ito sa hindi niya pagtanggap ng proyekto?

Sabi ni Paulo, “Well, siguro normal naman iyon sa tao na nalulungkot, sumasaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako, I wouldn’t call it depression.

“I would call it something… Siguro, normal na napagdadaanan ng tao.”

Paano niya hinarap at nalagpasan ang sitwasyong ito?

“Sa akin, sabi nga nila, time heals.

“So, yun, oras lang talaga para to think about things.”



NEW SHOW. Sa kabila ng mga intriga at negatibong isyu, ano ang pakiramdam ni Paulo na nabibigyan pa rin siya ng malalaking proyekto, gaya nga ng Honesto?

“Ako, I’m really proud to do this teleserye, Honesto, dahil yun talaga yung mga asal na kailangan nating lahat ng mga Pilipino.

“Actually, hindi lang Pilipino kundi lahat ng tao.

“Kailangan talaga nating maging tapat, at sana makita po ng mga taong manonood ng Honesto kung gaano talaga kahalaga ang katapatan sa lipunan natin.”

Natutuwa lang si Paulo sa bagong role na ginagampanan niya bilang si Diego, ang ama ni Honesto, na ginagampanan naman ni Raikko Mateo.

Sabi niya, “I’m very excited for my role here, it’s something new.

“I haven’t played the role as a dad before in all my soaps sa ABS.

“I’m excited na malaman kung ano pa yung magagawa ko para sa aming teleserye.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN