Ai-Ai delas Alas not keen on doing another Tanging Ina sequel

This year, Ai-Ai delas Alas breaks her tradition of holding a major concert on her birthday. Instead of spending for a celebration and a concert, she will be using the money to help fund relief efforts in Bohol. But she says she may do another concert in 2015 for a reason: “Oo nga... kapag sa 25th year ko, 2015, January pa lang, i-a-announce ko na, ‘Walang sasabay ng November sa akin!’... Silver anniversary ko ‘yan sa showbiz!”


Balitang may nilulutong Tanging Ina Part 4 ang Star Cinema, na si Direk Wenn Deramas muli ang director.

Kung isasama ang Enteng ng Ina Mo, na hindi si Direk Wenn ang direktor, maaaring pang Part 5 na ito ng Tanging Ina movie series kung sakali.

Pero nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Ai-Ai kamakailan, sinabi nitong hindi na niya gustong mag-part 4 ang Tanging Ina.

Ani Ai-Ai, “Ako kasi, noong sinabi na last na ‘to, gusto kong panindigan.

“Di ba, last na ‘to? Buti kung Tanging Ina, Mamahinga Muna Tayo or Tanging Ina, Rest Muna.’ Dapat rest muna.

"Pero yung Last Na ‘To… Iba na lang—about mother rin, pero iba naman.

“Meron kaming concept ni Direk Wenn, e. Dalawa ‘yan, dalawang about mother. Baka yung isa na lang doon.”


TOP-GROSSING FILMS. Kung ang Sisterakas nga raw, na pinagsamahan nila nina Kris Aquino at Vice Ganda, ay napaka-successful pero ayaw na rin nilang may sequel pa ito.

Aniya, “Hindi ba? Noon pa lang, sinabi na naming tama na, okey na ‘to, huwag na nating ulitin.

“Siyempre, nakagawa na ng history, so iyon na yun.”

Hindi naman itinatanggi ni Ai-Ai na kung meron siyang gustong gawing pelikula, gusto nitong kasama naman ang iniidolo niyang si Governor Vilma Santos.

“Si Ate Vi naman ang gusto ko.

“Siyempre, hinulaan ako, na meron akong isang pelikula na babae ang kasama ko—next year na.

“Siyempre ako, gusto ko si Ate Vi ang kasama ko.”


NO BIRTHDAY CONCERT. Sa November 11 ay kaarawan ni Ai-Ai, at taun-taon ay nagkakaroon siya ng major birthday concert.

Hindi ba niya nami-miss ang magkaroon ng major concert muli ngayong taon?

Tugon niya, “Oo nga, pero, hinihintay ko ang 2015, 25th year ko.

“Sabi ko, kapag sa 25th year ko, 2015, January pa lang, i-a-announce ko na, ‘Walang sasabay ng November sa akin!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit concert artists, kahit foreign, wala! Ako lang!

“Magagalit talaga ako kasi January pa lang, i-a-announce ko na.”

Biro naman ng PEP kay Ai-Ai, ngayon pa lang, i-a-announce na ng press.

“Sige, sa mga concert artists, wag ninyo akong sasabayan sa November, 2015.

“Magagalit talaga ko kapag may sumabay. Ang tagal ko ‘tong hinintay… 2010 ako last na nag-concert.

“So, sa 2015, pasabog! Silver anniversary ko ‘yan sa showbiz.

“Kaya ngayon pa lang, i-announce ninyo na magagalit ako kapag may sumabay,” natatawa niyang sabi.

Kahit foreign acts, magagalit siya?

“Oo! Pumayag na nga akong kasabay ang pelikula nila,” biro pa rin niya.


FOR CALAMITY VICTIMS. Sa mas seryosong bahagi ng panayam, sinabi ng komedyante na ngayong birthday niya ay wala siyang planong mag-celebrate.

Dahil sa kalamidad, gusto raw niyang ibahagi ang gagastusin sa party sa mga nasalanta ng kalamidad, tulad ng nakaraang lindol sa Visayas, bilang tulong na rin sa matinding relief efforts doon.

U.S. TRIP. Bukod dito, aalis si Ai-Ai papuntang Amerika ngayong November para magtrabaho.

Dito ay sasamantalahin na rin niya ang konting bakasyon kasama ang mga anak.

“Actually, may show ako sa Amerika, business with pleasure.

“Apat na shows na sunud-sunod ‘yan, e—sa November 22, 23, 24 and then, 30.”

Masaya raw si Ai-Ai dahil makakasama niyang muli ang mga anak na doon naninirahan at nag-aaral.

Dahil dito, naitanong sa kanya ang minsang pi-nost niya sa kanyang Instagram account.

Dito, ipinaliwanag niyang muli sa mga nagtatanong, na bigay ni Lord sa kanya ang bunsong anak niya ngayong si Seth.

Paliwanag ni Ai-Ai, “Paulit-ulit na kasi ang tanong nila.

“Minsan kasi, parang yung iba, ‘Hindi ka naman nanganak, a. Hindi ka naman nabuntis.’

“Parang yung iba, insensitive, parang alangan naman na ipangalandakan ko na… Well, may tamang panahon para roon.

“Ang liit pa ng bata, kawawa naman.”

Papaano yung ibang gumigiit pa rin na anak ni Sancho si Seth?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Sancho ay isa sa dalawang lalaking anak ni Ai-Ai.

Pagsang-ayon niya, “Oo, e. Kasi naman, lalo na noong maliit, kamukhang-kamukha siya ni Sancho.

“Unang-una—ako pa ba? Bakit ko naman ililihim yun? Mas gusto ko pa nga yun. At saka, apo ko pa ‘yun, gusto ko kaya.

“Kapag nagka-apo na ako, hindi na ako magta-tanga, iyon lang naman yun. Pero siyempre, gusto ko ng apo, cute, e!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN