Rico Blanco talks about falling in love with non-showbiz girlfriend; gears up for Singapore’s Sundown Music Festival

Singer-songwriter Rico Blanco shares his thoughts on falling in love: "I don’t think anyone can be too cerebral about it. That’s when you eat your words when you say, ‘The next person I’m going for is going to be like this.’ Then kakainin mo yung words mo. You’ll end up with someone who’s the opposite."


Sa kauna-unahang pagkakataon, nagbigay ng detalye si Rico Blanco tungkol sa kanyang buhay-pag-ibig.

Bihirang magsalita ang sikat na rocker kapag mayroon itong karelasyon, kaya medyo bumuwelo pa ito nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong araw, October 24.

“Eto na… I’ve been seeing someone for about a year na. Non-showbiz, non-celebrity,” sagot ni Rico.

Tila nadala ito sa mga kontrobersiyang kinasangkutan noong minsang magkaroon siya ng karelasyong artista.

Sa kabila nito, hindi raw ibig sabihin ay mas pinili niyang magkaroon ng non-showbiz girlfriend para lang makaiwas sa intriga.

Pagdating sa pag-ibig, hindi raw kasi siya yung tipong masyadong pinag-iisipan kung sino ang babaeng mapupusuan.

“Showbiz or non-showbiz doesn’t really affect my decision-making.

“Actually, decision-making becomes irrational when it comes to these things.

“You just end up with someone you really like or you get along with.

“I don’t think anyone can be too cerebral about it. That’s when you eat your words when you say, ‘The next person I’m going for is going to be like this.’

“Then kakainin mo yung words mo. You’ll end up with someone who’s the opposite."

Bagamat tumangging pangalanan ni Rico ang kanyang girlfriend, ibinahagi niya kung paano sila nagkagustuhan.

“Itinago na lang natin sa non-showbiz na category. We’ve known each other for a long time now. Ten years.

“Lagi siyang may boyfriend, lagi akong may girlfriend. Hindi nagta-timing. Yung window, hindi nagtapat.”

Sa tagal nilang magkilala, hindi raw akalain ni Rico na magiging higit sa pagkakaibigan ang kanilang relasyon.

“Wala, hindi mo rin naman ine-expect na gusto ka ng tao. Magugulat ka na lang. ‘Gano’n ba? Ako rin, e.’ Parang gano’n, in short.

“We weren’t super close friends. We’ve known each other, and I guess we’ve liked each other ever since.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano siya bilang boyfriend?

“I think... I don’t know how to answer the question,” tugon ni Rico, na aminadong hindi sanay na pag-usapan ang kanyang pribadong buhay.

Paliwanag niya, hangga’t maaari ay ayaw niyang madawit ang mga taong malalapit sa kanya, na hindi parte ng mundo ng showbiz.

“Yes, mainly because they didn’t choose to be in this career. So I can’t drag them into something they didn’t get themselves into.

“So I tend to be protective of my family and loved ones and even friends. Kung artista at gusto mong sumikat, o sige, pag-usapan natin. Pero kung hindi naman, huwag na lang.”

Sa edad na 39 taong gulang, wala pa raw plano si Rico na lumagay sa tahimik.

“I can see that happening, but I don’t know when. It’s one of these things I feel should happen when it should happen.

“Some people do that, but I’m not that kind of person na I plan. ‘It should happen by the age of like this.’ I’m not like that.”


"GALACTIC SOUND SETUP." Sa ngayon, prayoridad pa rin daw ni Rico ang kanyang music career.

Isa sa pinaghahandaan niya ay ang Sundown Music Festival na gaganapin sa Singapore sa November 16.

(READ: Rico Blanco, Philippine representative at Singapore’s Sundown Music Festival)

Bukod sa mga pinasikat niyang original composition, tulad ng “Your Universe” at “Yugto,” excited din si Rico na tugtugin ang mga kanta mula sa latest album niya, ang Galactic Fiestamatik.

Ilan sa mga kanta mula sa album ay ang mga sumusunod: "Amats," "Burado," "Sayaw" at "Ngayon."

Saad ni Rico tungkol sa experimental music na ginamit niya para sa Galactic Fiestamatic album:

“It’s the kind of show that I’ve been doing for a little over a year, where I fuse my Western influences—New Wave, Beetles, classical music—with Filipino flavor, ati-atihan, a little bit of folk.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“This is the first time that I’m sharing that experience outside the country.

“I had the choice. We can do the safe rock-band setup. But I’ve done that a couple of times outside the country.

“This time, we’re in ati-atihan costumes, face paint, war paint.

“When I envisioned that show over a year ago, I really wanted to play in festivals, kasi yun ang Pinoy.

“We want non-Filipinos to see part of our culture.”

Bagamat kakaiba ito sa typical performance ng rock bands, sinisiguro ni Rico na makaka-relate ang foreign audience na dadalo sa Sundown Music Festival.

“I don’t want to alienate people. I want them to hear something familiar.

"The heart of it is really rock ’n roll. But a huge chunk of it is Filipino.

“I believe ati-atihan is one of our earliest festivals in the country. Pagan pa ata no’n. From the word aeta, kaya ati-atihan. So I’m just trying to share that.”

Base sa mga nakaraan niyang out-of-town concerts sa Pilipinas, positibo naman daw ang feedback mula sa fans.

“Nakasabay ko si Raymond [Marasigan, musikero rin] for an event in Ilo-Ilo. Afterwards, he came up to me and said, ‘Thank you. It’s my kid’s first time to experience ati-atihan, she loved it.’

"That’s why I’m doing that.

“Some cool people would find it stupid, that’s fine. I’m introducing the ati-atihan to a generation that probably hasn’t experienced it.”

Bilang isang artist, masaya si Rico na makapagpakita ng bagong konsepto ng rock music.

“It’s a kind of music that I enjoy. It took me 20 years to figure it out. Now that I found that combination, I just really enjoy doing it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN