Freddie Aguilar now faces Qualified Seduction complaint

Nahaharap ngayon ang singer na si Freddie Aguilar sa reklamong Qualified Seduction, na inihain ng isang nagngangalang Fernando Perito, kaninang hapon, October 24.


Sinampahan ng Qualified Seduction complaint ang 60-year-old singer na si Freddie Aguilar kahapon, October 24.

Ito ay nagbunga sa bagong relasyon ng legendary singer sa isang dalagitang 16 years old, na unang inamin ni Ka Freddie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Oktubre 13.

(READ: 60-year-old legendary singer Freddie Aguilar is helplessly in love with 16-year-old girlfriend)

Sa ulat ng 24 Oras, isang nagngangalang Fernando Perito, na miyembro ng Integrated Bar of the Philippines, ang sumadya sa Office of the Prosecutor ng Quezon City, para isumite ang kanyang reklamo dahil sa paglabag sa Article 337 ng Revised Penal Code.

Ayon sa bataspinoy.wordpress.com, ang mga elemento ng batas na ito ay:

"a) the offended party is a virgin; b) she must be over 12 and under 18 years of age; c) the offender has sexual intercourse with her; d) there is abuse of authority, of confidence or of relationship."


Ang sinumang mapapatunayang violators ay posibleng mapatawan ng parusang "prision correccional in its minimum [6 months and 1 day to 2 hyears and 4 months] and medium [2 years, 4 months and 1 day periods to 4 years and 2 months] periods."

Nakakuha ang Philippine Daily Inquirer ng kopya ng two-page complaint affidavit ni Perito.

Nakasaad dito na si Perito ay "outraged, offended and scandalized" sa relasyon ng singer sa isang menor de edad.

Sabi pa ni Perito, “[He] wants to take advantage of the adulation of the child by pretending to be loving her and allegedly marrying her later, this old man deserves to be castrated to spare the children.”

Hindi rin daw "excuse" ang maling akala ni Freddie tungkol sa age ng dalagita noong nakilala niya ito.

Matatandaang noong October 18, sinabi ng singer sa programang Unang Hirit ng GMA Network:

“Noong makilala ko siya sa Mindoro, I thought she was around twenty, twenty-one [years old], kasi medyo matangkad siya, mature looking siya."

(READ: Freddie Aguilar on his 16-year-old girlfriend: "Mahal ko po si Jovy at wala akong inaagrabyadong tao.")

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi pa ni Perito sa kanyang complaint (published as is): “The offender, an old man has an authority and moral influence over the child because of his popularity. And he must have devirginized her already every now and then.”

Matatandaang noong 2012, si Perito rin ang naghain ng motion laban sa prosecution team ng impeachment trial ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Gusto nitong sampahan ng Contempt of Court ang prosecution team dahil umano sa paglabas ng "discovered evidence," bago pa man nagsimula ang impeachment trial.

Ito raw ay "relentless thirst for media exposures to demonize their prey, the Chief Justice."

Si Perito ay isa rin sa tatlong nagreklamo laban kay Justice Secretary Leila De Lima noong 2011, at naging dahilan para hindi makonsidera ng Judicial and Bar Council (JBC) si De Lima para sa post ng Supreme Court Chief Justice.

FREDDIE AGUILAR’S ANSWER. Ayon sa dzMM reporter na si Robert Mano, nakapanayam niya si Freddie Aguilar kahapon din, tungkol sa kahahain lang na Qualified Seduction complaint laban sa singer.

Sagot ni Freddie: "Haharapin po natin yung kaso, kung meron po. Kung meron po, bakit di ko haharapin?

"Kung hindi ko haharapin ’yan, parang tinanggap ko na tama yung ginagawa nila."

(READ: Is Freddie Aguilar’s romance with a minor violating any law?)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN