Angel Locsin confirms breakup with Phil Younghusband: "Maayos po kaming naghiwalay at mutual decision po ito."

Angel Locsin admits that she hasn’t yet spoken to Phil Younghusband after their breakup. “Pasensya na po kung hindi po kami makasagot agad tungkol sa status ng aming relasyon. Lalong-lalo na po sa mga sumuporta sa aming dalawa. Hindi po namin kayo binalewala... mahirap lang po talaga kung nasa ganitong sitwasyon.”


“Sa lahat po ng nagtatanong kung totoo bang hiwalay na kami ni Phil, Totoo po.”

Tuluyan nang tinuldukan nina Angel Locsin, 28, at Phil Younghusband, 26, ang kanilang relasyon pagkatapos ng mahigit isang taon bilang magkasintahan.

Pasado 1:30 a.m. ngayong araw, October 25, nang mag-post si Angel sa kanyang Twitter account ng opisyal na pahayag tungkol sa breakup nila ni Phil.

Tinitingang ito ay sa kadahilanang ayaw ng aktres na lumawig pa ang kung anu-anong espekulasyon kaugnay ng isyu.

Iginiit ni Angel na “mutual decision” nila ni Phil na tapusin ang kanilang relasyon.

Ganunpaman, tumangging magbigay ng detalye ang aktres kung ano ang pinag-ugatan ng kanilang di pagkakaunawaan.

Aniya, ang mahalaga ay maayos silang naghiwalay sa kabila ng kung ano mang nangyari sa pagitan nila.

Ito ang kabuuang pahayag ni Angel mula sa kanyang Twitter account:

“This is my official statement:

"Sa mga naglalabasang balita kung saan na-quote po na nag pa-interview ako, hindi po ito totoo.

“Wala pa po akong nakakausap about the issue dahil sa totoo lang po hindi ko pa ho kayang kumausap ng kahit sino sa press at nag si-sink in pa lang po samin ngayon ang lahat ng ito.

“Pasensya na po. Dalawa pa lang po ang nakausap ko, Si Manay Ethel [Ramos] na manager ko at si Darla [Sauler, head writer ng The Buzz at Kris TV] na sinagot ko lang po ang text sa akin dahil naramdaman ko ang sincerity niya although hindi po ako directly nagsalita about sa amin ni Phil. It was also off the record.

“Sa lahat po ng nagtatanong kung totoo bang hiwalay na kami ni Phil, Totoo po.

“Sana po maintindihan nyo kung hindi na po namin sasabihin ang dahilan..pero maayos po kaming naghiwalay at mutual decision po ito.

“Pasensya na po kung hindi po kami makasagot agad tungkol sa status ng aming relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lalong-lalo na po sa mga sumuporta sa aming dalawa. Hindi po namin kayo binalewala... mahirap lang po talaga kung nasa ganitong sitwasyon.

“Nagulat na lang kami na naunahan na kami ng balita bago pa man kami makapagusap uli.

“Salamat po sa lahat ng sumubaybay at sumuporta sa journey namin ni Phil lalo na ho dito sa twitter.

“Hinding-hindi po namin malilimutan.”

Una nang naiulat dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang maugong na usap-usapan tungkol sa hiwalayan nila Angel at Phil noong Martes, October 22.

Ilang araw ding nanahimik ang aktres tungkol dito.

Maging ang kanyang Twitter at Instagram accounts ay hindi nakitaan ng ano mang pahiwatig tungkol sa pinagdaanan nilang problema ni Phil.

Sa kabila nito, marami ang nakapinsan na nitong nakaraang dalawang buwan ay hindi sila nagpo-post ng larawan nila na magkasama.

(Read: Angel Locsin and Phil Younghusband breakup?)

Hindi akalain ng mga sumusuporta sa celebrity couple na sa Twitter din matutuldukan ang kanilang romantic love story.

Matatandaang nag-umpisa ang ligawan sa pagitan nina Angel at Phil noong February 10, 2011.

Ito ay matapos yayain ni Phil si Angel na maka-date sa Valentine’s Day sa pamamagitan ng isang Twitter post.

Naging daan ito upang magkakilanlan ang dalawa, hanggang sa tuluyan silang naging opisyal na magkarelasyon noong Mayo 27, 2012.

Maraming nag-akala na sila Angel at Phil na ang magkakatuluyan, lalo pa’t bukas sa pagsasabi ang binata na nais niyang pakasalan ang aktres balang araw.

Ngunit sa huling pahayag na ito ni Angel, mukhang malabo nang magkaayos pa ang dalawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN