Melissa Ricks wants respite from relationships: “Kasi kapag meron akong lovelife, medyo… medyo nadyi-jinx ako!”

Melissa Ricks on her past sexy-pictorial experience: “Ginutom ko yung sarili ko ng tatlong buwan! Hindi naman healthy yung ganoon." She may have a repeat, but, "Siguro, kapag sexy na ako.”


Pagkaraan ng teleseryeng Walang Hanggan ng ABS-CBN, matagal bago nakabalik sa sirkulasyon si Melissa Ricks.

Galing kasi sa mahabang bakasyon sa America si Melissa at ngayon na lang nagbalik-Pilipinas.

At dahil ilang buwan siyang namalagi sa Amerika, nagkaroon naman ng bali-balitang buntis daw siya.

“Tatlong beses na po akong natsismis na buntis!” natatawang reaksiyon ni Melissa nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“At wala naman po akong asawa. Parang hindi naman po yata magiging makatotohanan ‘yan, na nabuntis ako!

“At saka kung naging preggy ako, I would be proud of it, hindi ko naman po itatago, hindi naman po ako aalis.

“It’s something you should be proud of, di ba? Dapat naman, ganoon.”


U.S. VACATION. Ang totoo, para raw siyang newly recharged battery dahil ilang buwan siyang nakapagpahinga.

Kuwento pa niya, “Sunud-sunod ang projects ko the past few years. Nag-vacation ako sa U.S.”

“I went to the U.S. twice, kasi anniversary po ng side ng dad ko—the American side. Twelve years din kami na hindi nagkaroon ng get-together.

“And reunion din po ng Filipino side ng family ko, na I haven’t seen them for, I think, four years naman.

“Nagkaroon ako ng enough time na to do things na dati ay hindi ko nagagawa, like nagdyi-gym ako. I’m trying to lose weight until now.”

Totoo bang tumaba siya nang husto habang nagbabakasyon sa Amerika kaya ayaw muna niyang tumanggap ng project?

“Hindi naman ako tumaba nang husto. Feeling ko, ganoon pa rin, e, hindi lang ako lumiliit.

“So, I’m trying to really lose weight kasi I’ve tried everything, so far.

“And so far, I’ve lost eleven pounds, so it’s not bad. But I’m trying to lose a lot more.

“Pinalipas ko ang ilang months na ayoko munang tumanggap ng project kasi hindi pa ako pumapayat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


POSING SEXY. Tuloy-tuloy din daw ang pagpapapayat niya.

“Opo. Until now, I’m still trying.

“Gusto ko lang na masaya ako sa sarili ko, na puwede kong isuot kung ano ang gusto kong isuot. Yung ganoon?”

Kapag na-achieve na niya yung kaseksihang gusto niya, is she ready to pose as cover girl for a men’s magazine like FHM?

“Nagawa ko na yun before, e. Kaya lang, ginutom ko yung sarili ko ng tatlong buwan! Hindi naman healthy yung ganoon,” tawa ulit niya.

Kaya hindi na puwedeng maulit ang pag-pictorial niya nang sexy?

“Uhm… siguro kapag sexy na ako. Pero right now, you know, ito munang Honesto at pagpapapayat. And be happy. Ganyan.”

LATEST TV PROJECT. Ang tinutukoy ni Melissa ay ang bagong serye ng Kapamilya network na Honesto, na magsisimula nang mag-airing ngayong Lunes, Oktubre 28.

Halos araw-araw ang kanyang taping para sa teleserye.

Medyo kontrabida ang role ni Melissa sa Honesto.

Ginagampanan niya ang character ni Lea Liar, na mula sa isang pamilyang kasama sa mga tiwaling gawain.

“Parang social climber ako. Lahat, ninanakaw ng tatay ko. Kami ang taga-tanggap.

“So yun. Ano kaya ang magiging papel ng batang si Honesto sa buhay ni Lea na character ko nga. And, magiging honest na ba siya?”

Para bang isyung kinasasangkutan ni Janet Napoles at pamilya nito na pork-barrel scam?

“Parang ganoon, parang ganoon po—bad girl with a twist ang role ko, mas nakakatuwa.

“Mas light ang role ko kesa sa Walang Hanggan, na talagang maldita to the max ang role ko doon.

“Dito sa Honesto, mas nakakatawa na nagpapaka-sosyal.

“Mas gusto ko po talagang nagpu-portray ng kontrabida.

“At saka, I’ve had enough of kikay roles or bestfriend roles. Quota na ako doon, fourteen pa lang ako.

“So this time, I want kontrabida na mas may substance yung character,” sabi ni Melissa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Idinirehe nina Jerry Lopez Sineneng at Daniel Jay Villaflor, bida sa Honesto ang bagong child actor na si Raikko Matteo.

Bukod kay Melissa, kasama rin sa cast ang mahuhusay na aktor na sina Paulo Avelino, Eddie Garcia, Janice de Belen, Angel Aquino, Noni Buencamino, Joel Torre, Malou Crisologo, at Spanky Manikan.

Gumaganap din sa Honesto sina Joseph Marco, Josh Ivan Morales, Janna Agoncillo, Maricar Reyes, Melai Cantiveros, at Jason Francisco.



PAUL JAKE. Samantala, natanong din ng PEP ang makulay na lovelife ni Melissa, at hindi kaila sa madla na si Paul Jake ang huling nakarelasyon niya.

Ngunit mula nang maghiwalay sila, nanatiling tikom ang kanilang bibig tungkol sa dahilan ng kanilang hiwalayan.

Paliwanag ni Melissa ngayon, “Ganoon po talaga siguro sa buhay. E, not everything works out, pero okey naman kaming dalawa.

“One year and four months yung relationship namin, and it’s been four months since we broke up.”

Madali siyang naka-move on?

“E, ayoko naman pong pahirapan ang sarili ko, di ba?

“Smile na lang, and then be happy with the blessings that are coming.

“Itong Honesto, di po ba, napakagandang project? At nagpapasalamat ako na napasama ako dito.

“I’m very very lucky and, siguro, magandang mag-concentrate muna ako sa work.”

How is she with Paul Jake nowadays?

“Friends naman kami, wala naman kaming problema sa isa’t isa.”

May pag-asa pa bang magkabalikan sila o malabo na?

“Hindi naman natin masasabi ’cause, you know, in the future…

“Pero now, siguro, more of work na lang muna ako. I’ll concentrate muna, for myself.”

May third party ba sa split nila?

Giit niya, “Wala po.”

Ano ang naging problema at humantong sila sa paghihiwalay?

“Wala nga pong problema, e.”

Basta biglang nag-fall out of love sila?

“Hindi ko rin po alam, e, mahirap pong sagutin.

“Siguro, siya na lang ang tanungin ninyo kasi hindi ko rin po alam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero now, we’re friends, nag-uusap pa rin kami.

“And actually, okey naman, it’s still the same. But this time, wala munang commitment.”


JAKE CUENCA. Nadala na ba siya sa taga-showbiz na karelasyon?

Sa breakup din sila humantong ni Jake Cuenca.

“Hindi naman, hindi naman. Depende naman ‘yan sa tao, e.”

Kung sila ni Paul Jake ay magkaibigan pa rin matapos mag-break, sila naman ni Jake ay hindi pa rin on speaking terms.

Paano kung biglang may offer sa kanyang project na si Jake ang makakasama niya?

“Ah, maybe in the future, pero as of now, I don’t think so.”

Bakit?

“Ayoko lang po. Ayoko nang mapag-usapan, ayoko na ng chika, ayoko ng ganoon.”

Parang may malalim siyang pinanggagalingan pagdating kay Jake?

“Hindi ko siya nakakausap, pero okey naman. Okey lang kami, okey na yun!” bahagyang natawang sambit ni Melissa.

“Huwag na nating pahabain!”


UNLUCKY IN LOVE. Mukhang hindi siya suwerte kapag galing din ng showbiz ang boyfriend?

“E, hindi naman po lahat ng tao, suwerte sa pag-ibig!” ngiti ulit ni Melissa.

“Kung minsan, lahat naman po tayo nasasaktan!” napabungisngis na siya.

Mas gugustuhin ba niyang suwertihin na lang muna sa career kahit hindi na sa pag-ibig?

“Oo. Dapat, mahalin mo muna ang sarili mo.

“At ngayon, sana tuloy-tuloy na ulit ang paggawa ko ng mga projects, kasi kapag meron akong lovelife, medyo… medyo nadyi-jinx ako!” sabay tawa niya.

Ayaw raw muna niyang iniisip ang mga liligaw.

“E, depende,” sabay ngiti niya.

“Darating din po ‘yan. Hindi naman po ako naghahanap, so darating din.

“Kapag dumating, e, di masaya. Pag hindi, okey lang.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN