Angel Aquino on her staying power in showbiz: “I owe it to the people who have trusted me, to stay here for as long as they believe me.”

Angel Aquino admits to not having been honest at some point in her life: “It’s a choice that you have to make, di ba? Pinakamahirap ang magsabi ng totoo when you will hurt somebody, or ou want to protect somebody dear to you.”


Bukod sa pagkakaroon ng maganda at maamong mukha, hindi mapagkakailang isa sa pinakamagaling na artista sa bansa si Angel Aquino.

Katunayan, halos hindi nababakante si Angel sa pagganap sa mga matagumpay na mga teleserye.

Sa bagong primetime serye ng ABS-CBN na Honesto, masusubukan na naman ang galing at husay ni Angel sa pag-arte.

Ayon kay Angel sa press conference ng Honesto noong October 24, kakaibang role talaga ang gagampanan niya rito.

“First time ko na medyo... funny?” aniya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Medyo natatakot ako actually ‘coz it’s something I’ve never done before.

“I did try with Crying Ladies, with Zsa Zsa Padilla, Ms. Sharon [Cuneta] and Ms. Hilda [Koronel], pero very, very short time lang yun.

“This time around, isa siyang series, so kailangan ko siyang panindigan, and I hope would love her despite her dishonesty.”

Ang teleseryeng ito ang pumalit sa timeslot ng namayagpag na Juan dela Cruz, na nagtapos nito lang nakaraang linggo.

Bida rito ang pinakahuling child discovery na si Raikko Mateo, limang taong gulang, na dinidirek ni Jerry Sineneng.

Kuwento pa ni Angel tungkol sa kanyang role, “Ako si Magdalena Layer... mga tao kaming kalye dito.

“So, you know, for survival, we really... parang street-smart kami—we learned to survive on the streets.

“Hanggang lumaki kami, yun ang natutunan naming values... values of survival na kahit may nasasaktan kaming tao o naaagrabyado. So, ganoon.

“Ang pangalan ko dito ay Magdalena, so it speaks a lot already.”


CHARACTER ROLES. Sa mga nakaraang telerserye ni Angel tulad ng Magkaribal, Maria del Barrio, at Apoy sa Dagat, mapapansing puro matataray o kontrabida ang kanyang mga naging papel.

May pagkakataon bang direstsahang tinanong siya kung bakit palaging ganoon ang role niya?

Ani Angel, “Hindi pa naman. Sa unang pagkakita pa lang nila sa akin, alam nila na ibang-iba ako sa roles that I portray.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, hindi nila naiisip na I might be like that.

“So, sinasabi na lang nila na, ‘Wow, grabe, ibang-iba ka talaga sa roles mo... magaling!’ Nagpapasalamat ako sa ganoon.

“Ako, I’m really thankful to the writers kasi they really write effective characters for me.”

Dumating na ba siya sa point na nagsawa siya sa pauli-ulit na pagko-kontrabida?

Malumanay niyang paliwanag, “Pero kasi, hetong si Magdalena, pinakakaiba siya sa tatlo kong pinortray.

“Iba yung honesty niya, e, and her love for her family, so sa parteng ‘yan, iyon yung truth niya.

“She just wants her family to be happy... her children to be happy.

“Tapos, yung pagiging magnanakaw niya, lumalabas na lang yun, kasi nga, kailangan nilang mabuhay.

“It’s really just for her children and what she believes she could remember.

“Yun ang gusto ko sa kanya—hindi siya masamang tao na tagos sa buto, hindi lang siya nang-aagaw for no reason.

“Gusto ko na meron siyang beautiful truth where everything stems out from.”


HONESTY. Tungkol sa honesty ang tema ng Honesto, kaya tinanong siya ng PEP kung may panahon bang may itinago siyang katotohanan.

Saad niya, “There had been moments in each day that we had been compelled to lie.

“Let’s be honest with this. It’s a choice that you have to make, di ba?

“Pinakamahirap ang magsabi ng totoo when you will hurt somebody, or you want to protect somebody dear to you.

“There had been small or big lies that I have made. Some I had regretted and had not been proud to say any of those small or big lies. Ganoon.”

Dagdag pa niya, “Kasi naman, like when I entered showbiz, may mga anak na ako.

“But I decided na hindi ko ipagsisinungaling yun. Hindi ko itatago ang mga anak o ang totoo sa buhay ko—and I’m very proud of that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At least for those things about my life, I was truthful about it, and bumunga naman siya nang mabuti.

“The industry was very welcoming and loved me for who I am, and ina-attribute ko ‘yan for being honest nga in the beginning.”


BUSY ACTRESS. Dahi sa talent at galing ni Angel, isa siya sa busiest actresses ng local showbiz ngayon.

Komento ng model-actress, “I feel so blessed. It’s such a blessing that we’re supporting a family.

“I also stay true to the talent that He gave me.

“So, sana patuloy, tulad ni Tito Eddie [Garcia, na kasama niya sa teleserye].

“Yung ganoon katagal dahil, di ba, magagamit mo talaga ang talento mo?

“Si Ms. Gloria Romero, yung mga tulad nila. So I really would want it to be that way.

“The thing is, that was given to me for a purpose, so I hope I can share for as long as I can.”

Kaya pala hindi niya maiisip na mag-retiro sa acting sa malapit na hinaharap?

Bulalas ng dating fashion TV host, “Why? Why? As long as you want me, I’ll be here!

“It’s been so good to me, so parang I owe it to the people who have trusted me, to stay here for as long as they believe me.”


AGELESS BEAUTY. Napunta naman ang usapan sa ganda niyang tila hindi kumukupas.

Ano ang masasabi niya na lagi siyang parte ng listahan ng pinakamagagandang aktres ng bansa?

“Wow! I should thank God for giving such a gift,” nangingiting tugon ni Angel.

“Para sa akin, it’s a gift that He gave me kaya, hayun, iniingatan ko talaga siya.

“Inaalagaan ko talaga ang sarili ko—yung health ko, yung being, my physical and spiritual, social and mental well-being—inaalagaan ko ‘yan lahat.

“I owe that to God who created me.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN