Jake Cuenca to all the girls he loved before: “A lot of them didn’t end well. But, honestly, minahal ko sila very much."

Ani Jake Cuenca, hindi mawawala na laging pagdududahan ang pagkaka-link niya sa mga nakakatrabahong aktres. “Negosyo ito, e. It happens. I don’t think it will end, no matter what,” depensa niya.


Normal sa showbiz na ma-link ang magka-loveteam o magkapareha sa isang proyekto.

Ito ay para lumikha ng ingay ang malapit nang ipalabas na TV series o pelikula.

Kung tawagin ito ay publicity stunt o promo.

Sa kaso ng Kapamilya actor na si Jake Cuenca, madalas siyang ma-link sa mga nakakatrabaho niyang aktres.

May mga pagkakataon din na habang umeere pa ang proyekto ay nagiging karelasyon niya ang kapareha niya.

Noong 2007 ay nagtambal sila ni Roxanne Guinoo sa teleseryeng Natutulog Ba Ang Diyos. Nagkagustuhan ang dalawa at nauwi sa totohanan ang kanilang relasyon habang umeere ang serye.

Taong 2007 din nang makatrabaho ni Jake si Melissa Ricks sa fantaseryeng Komiks Presents: Pedro Penduko at Ang Mga Engkanto. Ang kanilang relasyon ay nabuo lamang noong 2011, pero nauwi rin sa hiwalayan noon ding taong iyon.

Noong 2011 ay nakapareha naman ni Jake ang Kapuso actress na si Lovi sa pelikulang My Neighbor’s Wife.

Naging balita noon na iniyakan daw ni Melissa ang maiinit na eksena nina Jake at Lovi sa My Neighbor’s Wife, sa kabila nang break na sila nung panahong iyon.

Natapos ang pelikula nina Jake at Lovi, pero hindi mamatay-matay ang isyung nagkakamabutihan sila.

Noong November 2012 ay inamin ni Jake on national TV na “in love” siya kay Lovi.

Kung naging vocal si Jake, maingat naman si Lovi sa kanyang mga panayam. Umaamin ang dalaga na may espesyal sa kanya si Jake subalit hindi sila magkarelasyon.

Tila ang status nila ay “more than friends, but less than lovers.”

Muli silang nagkasama sa indie film na Lihis, na ipinalabas ngayong taon. Ngunit habang ginagawa nila ang pelikula ay lumamig na ang damdamin nila para sa isa’t isa.

JESSY MENDIOLA. Sa pagsasara ng kabanata nina Jake at Lovi, nakasama naman ngayon ng aktor ang Kapamilya actress na si Jessy Mendiola sa primetime series ng ABS-CBN na Maria Mercedes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibinulalas ng aktor na gusto niya si Jessy at nililigawan na nga niya ito.

Sa press conference ng pelikulang Status: It’s Complicated, kahapon, October 24, Huwebes, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment writers si Jake.

Ipinarating ng PEP sa aktor ang komento ng ilan na tila pang-publicity lamang ang pagkagusto niya kay Jessy, dahil mayroon silang ipinapalabas na teleserye.

Wala raw itong pagkakaiba sa pagpapahayag niya ng damdamin sa mga dating nakapareha.

Depensa dito ni Jake, “It just so happened... coincidental lang ‘yan.

“Bago ibinigay sa akin ang Maria Mercedes, pinapili ako sa tatlong soaps.

“Ang pinili ko, Maria Mercedes, sa kagustuhan kong makatrabaho si Jessy.

“Yun yung nangyari dun.

"They made me choose among three soaps, pinili ko Maria Mercedes—at alam ni Jessy ‘yon.”

Ayon pa sa 25-year-old actor, "normal" lang sa industriyang ginagalawan niya ang ma-link sa kaparehang artista.

Inulit din niya na “coincidence” lang na nakarelasyon niya ang ilan sa mga aktres na nakatrabaho niya, o naging leading lady niya noon.

Sabi pa ni Jake, “Lahat ng babaeng nakarelasyon ko, minahal ko nang todo, kahit naman nagalit yung iba sa akin.

“A lot of them didn’t end well. But, honestly, minahal ko sila very much.

“I don’t regret any of it.

“I don’t know if they regret it.

“Honestly, at this point in my life, ang dami kong natutunan, and that, I will apply in my next relationship.”

Ano naman ang opinyon niya sa sinasabing "promo" lang ang pagiging malapit niya sa kanyang leading ladies?

“Negosyo ito, e. It happens. I don’t think it will end, no matter what,” tugon niya, na may tonong pagkikibit-balikat.

Paano naman niya ipagtatanggol ang sarili sa ganitong akusasyon?

“I’m not washing my hands of anything.

"I made my mistakes, I’ve learned, and that’s it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“If you wanna take a risk with me, then thank you.

"But if you don’t, I’m sorry... di ba?” pagtatapos ng aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN