Michael V. explains why he does not sign an exclusive contract with any network

Bagamat identified pa rin siya sa GMA Network, pumirma ng kontrata si Michael V. para sa isang show sa TV5. Ito ay dahil wala naman siyang exclusive contract sa Kapuso network o sa anumang television channel.


Choice pala ng versatile ace comedian-TV host na si Michael V. na hindi magpatali o magpa-exclusive sa isang TV network.

Dati na raw siyang inaalok ng GMA ng exclusive contract.

“Oo, matagal na,” sabi ni Michael V.

Maging ang TV5 daw ay sinubukan ding gawin ito.

“Yes, and even other networks.”

Bakit naging ganito ang desisyon niya?

Paliwanag niya, “Mare-restrict yung ano ko, e… yung creativity.

"Kasi parang… gaya ng sinabi ni Tita Wilma, mapipilitan kang gumawa ng mga show na hindi mo gusto."

Ang Tita Wilma na tinutukoy ni Michael V ay si Wilma Galvante, kasalukuyang chief entertainment content officer ng TV5 at dating big boss ng entertainment division ng GMA Network.

"At minsan, hindi sa pag-aano… may mga show na madaliang kinunseptualize, pinilit lang na maitawid, para lang magawa for the talent.

"Ayoko naman ng ganun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Bitoy, palayaw ni Michael V., sa presscon at contract signing niya sa TV5, kanina, Oktubre 25, sa Café 1771 sa El Pueblo, Ortigas.

Para ito sa game show na ihu-host niya, ang Killer Karaoke Pinoy Naman, na mapapanood tuwing Sabado ng gabi, sa Kapatid network, simula Nobyembre 16.

Franchise ito ng U.S. version ng Killer Karaoke, na ipinapalabas na sa TV5 simula pa noong Setyembre 14.

Ito ay game show at singing contest in one, kung saan ang mga contestant ay kailangang kumanta nang maayos sa kabila ng mga obstacle at challenges, gaya ng paglubog ng contestant sa isang malaking container ng tubig na lalagyan ng mga ahas.

BITOY DESERVING OF EXCLUSIVE CONTRACT. Natanong ng PEP kay Bitoy kung ano ang advantage na hindi siya exclusive sa isang network lang.

Sagot ng talented artist, “Ang advantage na nakikita ko is yung freedom to do whatever you want, whatever pleases you, at saka yung tingin mo e makakatulong sa career mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako, naiirita ako doon sa mga nagsasabi na, ‘O kaya lilipat iyan, kasi pipiratahin ng TV5,’ ganyan, blah-blah-blah.

"E, hindi naman ganun yun, e, hindi ganun ang kaso palagi.

"Most of the talents na lumilipat sa TV5 ay dahil nagustuhan nila na gumawa ng project with another network.

"Yun lang yun.”

Ayon naman kay Ma’am Wilma, na present sa presscon along with TV5 President Noel Lorenzana, hindi naman komo’t freelancer si Bitoy ay hindi na ito deserving ng exclusive contract.

Kahit anong network daw ay handang gawing exclusive artist ang comedian-TV host.

Sabi nga ng dating entertainment head ng GMA, “Itong si Bitoy, sino ba namang network ang hindi magkakaisip na i-exclusive siya?

"Years iyan with GMA, ako pa mismo, ‘Bitoy, o exclusive ka na. Eto na yung contract mo.’

"Siya mismo ang magsasabi, ‘Huwag, kasi pipilitin mo lang akong gawin ang lahat ng mga projects na para lang ma-consume ko iyan. Ayoko ng ganun.

"’Gusto ko kung ano yung gusto kong gawin, na tingin ko I will grow in that project, and the project will also be good for the industry.’ Ganun siya mag-isip.

"Walang programang ginawa si Bitoy na hindi siya kasali sa pagkokonsepto.

"Because Bitoy is such a creative, genius person, walang insecurity, e.”

Bilib din daw ang TV5 president sa talento ni Bitoy.

Sabi ni Mr. Lorenzana, “I’m very excited kasi talagang fan ako ni Bitoy.

"Napapanood ko siya sa kabilang istasyon noon, and I’m so happy nandito siya ngayon.

"Talagang nakakatawa siya. Even my kids, when they watch him, kahit na nahihirapan sila sa Tagalog, natatawa pa rin sila.

"Talagang nakakatawa si Bitoy. So, we’re very happy he’s here."

QUALITY VS. SALARY. Para kay Bitoy, mas mahalaga ang quality ng show na gagawin niya, hindi yung kikita siya dahil may show siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Yes, yung entertainment value, production value, at saka yung end [goal] mo palagi e sana panalo ang audience.”

Ngayon pa lang ay natatanong na si Bitoy kung posibleng masundan ng iba pang show sa TV5 ang Killer Karaoke.

Sagot niya, “Why not? Kagaya ng sinasabi ko, I’m all for the clearing of network wars.

"Basta maganda yung project naman, gagawin natin.”

So, puwede talaga siyang maging isang Kapatid na hindi lang per show ang contract?

Sabi niya, “Posible, oo, hindi naman ako nagsasara ng pinto.

"Pero, as of this moment, bound pa rin ako nung mga show na ginagawa ko sa GMA.

"One step at a time.”

Kasalukuyang ginagawa ni Bitoy ang Kapuso shows na Bubble Gang, Pepito Manaloto, at Eat Bulaga!

Totoo bang idol niya ang Dabarkads sa Eat Bulaga! na sina Vic Sotto at Joey de Leon, na parehong nakagagawa ng shows sa GMA at TV5 nang walang conflict?

Sabi niya, “Silang dalawa yung inspirasyon ko, e, kung bakit naisip ko, ‘O, bakit sila puwede?’

"So, ako, puwede. Ang key lang is yung wala kang network contract, yun lang.

"Actually, pati pala si Ryan Agoncillo.”

GMA EXECUTIVES’ REACTIONS. Paano siya nagpaalam sa GMA?

Sagot ni Bitoy, “Kasi ako, walang network contract, so I’m free to do whatever I want, as long as hindi magkakaroon ng conflict.”

May reaksiyon ba ang GMA sa pagpirma niya ng non-exclusive contract sa TV5 at paggawa ng show rito?

“Siyempre, meron. Well, hindi naman sa meron na meron…”

Walang violent reaction?

“Oo, wala, walang ganun. ‘Bakit?!!!’” natatawang sabi ni Bitoy, habang nagme-make face at umaakting na galit na galit.

“Hindi, hindi ganun.”

Nate-threaten ba ang GMA na baka tuluyan na siyang maagaw ng TV5?

“Hindi naman. Kasi magkakaibigan din naman sila nila Tita Wilma dati, yung mga tao doon sa GMA, sa management.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"In-explain ko naman sa kanila yun, na for the sake of entertainment lang talaga, not for anything.”

REUNION. Dahil nga gagawa ng show si Bitoy sa TV5 ay magkikita-kita rin sila ng mga kaibigan at dating katrabaho sa Bubble Gang na sina Ogie Alcasid at Wendell Ramos, na parehong naunang lumipat sa Kapatid channel mula sa Kapuso channel.

Nasa TV5 din si Gelli de Belen, na nakasama naman noon nina Bitoy at Ogie sa Tropang Trumpo.

Ngayon ay magkakasama sina Ogie, Wendell, at Gelli sa bagong gag show ng TV5 na Tropa Mo Ko Unli.

Natanong tuloy ng PEP si Bitoy kung posibleng mag-reunion sila ng mga kaibigan sa kanyang show na Killer Karaoke Pinoy Naman?

“Why not?

"Pero, yun e kung papayag silang mag-guest sa show ko, na alam naman nating hindi lang basta kakanta, dahil dadaan pa sila sa kung anu-anong challenges, di ba?

"Si Ogie kasi, takot iyan sa mga ahas at sa matataas.

"Si Wendell, takot mapag-isa.

"Si Gelli, hindi ko na alam kung saan siya takot, e!” natatawang rebelasyon ni Bitoy.

Hindi naman daw siya puwedeng mag-guest sa Tropa Mo Ko Unli dahil meron nga siyang Bubble Gang.

Isa raw ito sa hindi niya puwedeng gawin dahil paglabag ito sa kanyang kontrata sa GMA—ang gumawa ng show sa ibang network na may kaparehong format.

“Oo, at the same time, yun din siguro ang reason kung bakit hindi nakapag-guest si Ogie sa anniversary ng Bubble Gang.

"Nagkaroon ng restrictions, hindi natin alam kung ano internally yung problema.

"Pero he was always on our guest list.”



CELEBRITIES AS CONTESTANTS. Kasama sa "Weekend Do It Better" lineup ng TV5 ang Killer Karaoke Pinoy Naman.

How can he do it better? Makikita ba siya rito as Michael V lang? O may mga character din siyang gagawin, bilang kilala siyang mahusay na impersonator at spoofmaster?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Sa ngayon, I will be hosting as myself.

"Kasi yung parang template na iprinisinta sa amin is ganun, e, yun lang ibinibigay sa ating opportunity.

"Pero titingnan natin kung ano ang puwedeng idagdag.”

Wala ba siyang magiging co-host?

“Bukod sa mga ahas at mga palaka, wala yata. Magkakaroon ng mga assistant, pero co-host, wala yata.”

Sinong mga celebrity pa ang gusto niyang maging contestant sa show niya?

“Maganda nga kung lahat ng major stars ng TV5 e makasali. Yun, talagang mag-e-enjoy kami noon.

"Gusto kong makita si Aga Muhlach, tapos si Ms. Alice Dixson, gusto ko silang makita.

"At saka yung mga kasama ko sa Bubble Gang, si Ogie, si Gelli, si Rufa Mae [Quinto], si Wendell din, para sa isang matinding reunion.”

Ibinulgar naman ni Ma’am Wilma na isa sa mga guest ni Bitoy sa first episode ay walang iba kundi ang kanyang best friend na si Ogie.

“Si Ogie, maglalaro," simula ni Ma’am Wilma.

"Tumawag sa akin kanina, sabi niya, ‘Guest daw ako sa Killer Karaoke? Takot ako sa ahas!’

"’O, di hindi ahas sa iyo, gagamba na lang!’" biro ni Ms. Wilma.

Dagdag nito, “Ang mga maglalaro dito… kailangan merong screening, merong audition. Ite-test namin yung kanilang blood pressure.

"Pero kailangan mga game, katuwaan ito, e.

"This is a singing contest, pero it’s singing contest na may angas, and, of course, kalokohan.

"Isa lang ang rule, whatever happens, you don’t stop singing.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN