Elmo Magalona clarifies reported gap with former screen partner Julie Anne San Jose

Elmo Magalona on how his dad Francis inspired him to pursue his Culinary Arts course: “Kasi nung bata pa ako, yung dad ko, nakita ko rin sa kanya sa family, nagluluto siya for us. Gumagawa siya ng mga sarili niya [recipes], o kaya uuwi siya tapos nagagawa pa rin niyang magluto ng mga pizza, mga ganun, for us. Iyon siguro, iyon yung pinaka-realization ko kung bakit gusto kong magluto.”


Nang mawala sa ere ang dating musical-variety show ng GMA Network na Party Pilipinas ay saglit ding nawala sa sirkulasyon ang young actor-rapper na si Elmo Magalona.

Ngayon ay nagbabalik siya sa pamamagitan ng Villa Quintana, ang remake ng dating soap na pinagbidahan nina Donna Cruz at Keempee de Leon.

Sa bagong version ay silang dalawa ni Janine Gutierrez ang magbibida.

Ano ang unang reaksyon ni Elmo noong nalaman niyang si Janine ang kapareha niya sa Villa Quintana?

“Nagulat ako kasi yung show namin dati, magkapatid kami!” ang natatawang sagot ni Elmo sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

Ang tinutukoy ni Elmo ay ang dati nilang show na Together Forever (2012).

Patuloy niya, “So, ano lang, parang nung una lang, parang nagulat lang ako kung bakit kami yung naisip na i-pair.

"Pero yun nga, nung nag-uusap na kami, ‘A, puwede rin pala!’

“Na puwede rin pala kaming mag-team up ni Janine.”

Sa tingin ba niya ay maganda ang chemistry nila ni Janine?

“I think so. Maganda rin, maganda rin,” sagot niya.

Gaganap na mga magulang ni Elmo sa Villa Quintana sina Sunshine Dizon at Paolo Contis.

Paano siya naghanda para makipagsabayan sa kilalang mahuhusay na mga aktor na sina Sunshine at Paolo?

Sabi ni Elmo, “Ako, nag-undergo ako ng maraming workshops, e, so mas confident na ako ngayon.

"And ayun, siyempre gusto ko makasabay yung magagaling.”



GAP WITH JULIE ANNE? Ang dating ka-loveteam ni Elmo ay si Julie Anne San Jose.

Sa naunang panayam ng PEP kay Julie Anne, sinabi nitong matagal na silang walang communication ni Elmo.

Ito ay bago ipinareha si Julie Anne kay Kristoffer Martin sa primetime soap na Kahit Nasaan Ka Man.

Si Elmo naman ay ipinapareha na ngayon kay Janine.

Hindi namin maiwasang itanong kay Elmo kung may gap ba sila ni Julie Anne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “Hindi naman gap, pero siguro gap nung sa time na hindi kami updated, di ba?

"Kasi marami rin kaming ginagawa ngayon, e. Like, she’s super-busy.

"Nauna siya sa pagiging busy sa mga ginagawa niya, tapos ’yon, when she’s doing that, siyempre ako rin may mga inaasikaso rin ako.

“So, ’yon, we never got the chance naman to really talk nung tapos na yung ginagawa namin.

"Pero, siguro ’yon, because of that... because of siguro... yung last time ko siyang nakita, nung screen test [for Kahit Nasaan Ka Man].”

Ano naman ang masasabi niya sa tambalang Julie Anne at Kristoffer?

“Feeling ko, bagay rin pala sila!" bulalas ni Elmo.

"Kasi si Kristoffer, singer din siya, e. Tapos parang marami silang similarities din.

"Iyon naman ang pinaka-basic, e, na kung bagay kayo, e. Kung meron kayong common interests.

"Tsaka kung siguro, physically, hindi na siguro iisipin yun.

"Pero kung marami kayong similarities sa mga gusto, iyon na yung pinaka-basic na puwede kayong maging bagay.”

Magkaibigan sina Elmo at Kristoffer. Ayon mismo kay Kristoffer, naglalaro pa nga sila ng computer games.

“Magkaibigan naman kami, halos lahat kami ng tweens,” pagsang-ayon din ni Elmo.

MISSES MUSICAL SHOWS. Nami-miss ba ni Elmo ang mag-perform sa isang musical show?

“From time to time, oo.

"Pero nung after nun, parang okay lang sa akin magpahinga from Party P.

"Kasi ano rin yun, e, parang ongoing three years na nangyari, so hindi ko naman masasabing mabilis lang yung Party Pilipinas.

“Kasi from the start, andun na ako, e.

"So, halos lahat ng episodes, kasama ako.

"And, wala, naging masaya naman ako nung Party P.

Hindi ba siya isasama sa Sunday All Stars?

“I don’t know, hindi ko alam.

“Mga guesting lang, mga guesting,” sabi niya.

CULINARY COURSE. Noong hindi siya gaanong kaaktibo sa showbiz, nag-aral si Elmo sa College of St. Benilde (CSB), at Culinary Arts ang kursong kinuha niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang specialty niyang pagkain?

“Hindi, gusto ko ng mga Southern na pagluluto, pero ngayon, basic pa lang yung mga alam ko e,” sabi ni Elmo.

Bakit culinary course ang kinuha niya?

Paliwanag niya, “Sa CSB kasi, more on unconventional yung mga courses nila."

Gusto ba niyang magtayo ng restaurant?

“Sana. Ayoko mag-focus muna sa hotel, mas gusto ko restaurant.

“Kasi, nung bata pa ako, yung dad ko, nakita ko rin sa kanya sa family, nagluluto siya for us.

“Gumagawa siya ng mga sarili niya [recipes], o kaya uuwi siya tapos nagagawa pa rin niyang magluto ng mga pizza, mga ganun, for us.

“Iyon siguro, iyon yung pinaka-realization ko kung bakit gusto kong magluto.

“Pero napansin ko rin na food is an undying business na hindi siya mawawala, forever siyang gagamitin.

"So, feeling ko, yung knowledge ng pagluluto, forever na siya sa akin na hindi siya malalaos, hindi siya masasayang," saad niya.

Si Elmo ay anak ng yumaong rapper na si Francis Magalona.



RESTAURANT BUSINESS. Sa ngayon ay may investment si Elmo sa restaurant na Yellow Halo.

“Sa Strata 100 sa Emerald Avenue [Ortigas Center], nag-invest lang kami dun, co-owner kami ni Max [Maxene Magalona, his sister].

“Yung mom ko ang nag-isip nun, e, na dapat daw mag-invest kami sa business.

“It’s a healthy place, puro calorie-conscious na food.

"Luto siya. May mga pasta, sandwiches, salad, tapos may rice pa nga, e.

“Tapos, yung mom ko, sabi niya sa amin ni Max, parang, ‘Dapat mag-invest kayo.’

“Tapos, sabi namin ni Max, ‘Okay!’

“Magtu-two years na,” pagmamalaki ni Elmo, na bilang may-ari ay madalas daw siyang pumunta sa kanilang restaurant.

“At saka yun, mag-o-open kami ng bagong branch, not yet sure lang kung saan.”

Paano niya nababalanse ang pag-aaral at showbiz?

“Lagi akong underload [sa academic units], mga twelve to fourteen units lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dapat nga this term, kukuha ako ng more than twelve, kukuha dapat ako ng seventeen, pero narinig ko nga yung show [Villa Quintana], ayun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN