Cesar Montano ecstatic over turnout of fund-raising concert for Bohol earthquake victims; steps up relief efforts

Cesar Montano on what he felt when he first saw the damage wrought by the earthquake in his hometown in Bohol: “Awang-awa ako, parang ’Paano makaka-recover ito?’ Kasi, hindi pa tumitigil, e. At saka, may feeling ako na kapag nandoon ako, parang risk na nandoon ka. May risk. Kasi, may mga sinkhole. Hindi mo alam kung bakit may ganun. Tapos, meron ngayong mga hills na umaangat. Tapos yung flat, nagbu-bundok. Kaya sabi ko, ’Ano ‘to, weird.


Masaya ang naging unang fund-raising concert na pinangunahan ng aktor na si Cesar Montano at ng singer na si Noel Cabangon, na ginanap sa Teatrino Greenhills, kagabi, October 25.

Ito ay ang Sagip Bohol, na nasa ilalim ng Panaghoy Children’s Foundation.

Ayon kay Cesar, nasa kalahating milyong piso na siguro—kasama na ang ilang pledges—ang nalilikom nila para sa mga nasalanta ng lindol sa Bohol at ilang parte ng Kabisayaan.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktor/direktor/host kagabi, sinabi nito, “Maraming pledges. Almost half a million na and counting kami. Marami rin na parating pa galing abroad.

“Marami ang nagpa-fund-raising doon, at yung Panaghoy, isa yun sa mga beneficiary, recipient nila.”

Maraming mga performers na dumating sa ginawang Sagip Bohol fund-raising concert nina Cesar at Noel.

Ilan sa mga naabutan ng PEP ay sina Luke Mejares, Brod Pete, Alvin Anson, Diego Loyzaga, Nyoy Volante, Jonathan Badon, Dante Ponce...

Dingdong Avanzado, Jessa Zaragoza, Jimmy Bondoc, Paolo Santos, Dulce...

Tres Marias (Lolita Carbon, Bayang Barrios at Cookie Chua), Joey Generoso ng Side A band, at marami pang iba.

Yung iba naman, hindi na lumabas sa stage, pero nagpunta sa event at nag-abót ng kanilang tulong, tulad ng Kapuso actor na si Dingdong Dantes.

Siya ba ang personal na tumawag, lalo na sa mga artista/singer na nag-perform?

“Yung iba,” saad niya.

“Yung iba talaga, hinanap nila ako para sabihin na sasama. Yung iba, tawag ng mga barkada. ’Pare, sasama raw si ganito, sasama raw si ganoon,’ puro ganun.

"Nakakatuwa nga, ang daming nakisama.”

Ngayon pa lang daw, may plano na si Cesar na magkaroon ng Part 2 para sa Sagip Bohol fund-raising concert.

Ayon sa aktor, “Plano ko na yung Loboc Choir, dalhin dito.

“At least, may essence na Bohol na Bohol talaga.”

TO HELP, BUT NOT TO RUN.” Hanggang saan ang plano niyang pagtulong sa mga nasalanta ng lindol sa Bohol?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hanggang may dapat pang tulungan. Hanggang dapat pang suportahan ang Bohol. Kasi, sa tingin ko, for the next three to five years, kailangan talaga,” diin niya.

Wala ba siyang planong humingi ng tulong sa mga nakatataas na opisyales?

Aniya, “Well, ganun din naman, tumutulong din sila.”

Naitanong tuloy namin kay Cesar kung dahil ba sa nangyaring kalamidad at sa boluntaryo niyang pagtulong ay manumbalik muli ang pagnanais niyang tumakbo sa pulitika?

|”To help na lang, to help, but not to run,” paglilinaw niya.

“Sa tingin ko, mas makakatulong ako sa kanila kapag wala ako sa [public] office. Mas may mahahatak akong tao na talagang gustong tumulong nang totoo sa Bohol.”

EARTHQUAKE VICTIMS’ IMMEDIATE NEEDS. Sa ngayon, ano ang mga nakikita niyang pangangailangan ng Bohol, bukod sa basic needs na pagkain at tubig?

“Tarp,” saad niya.

Ang tarpaulin ay isang uri ng waterproof canvas na karaniwang ginagamit para sa mga billboards, outdoor banners, at posters.

“Yung tarpaulin. Kasi, ang ginagawa nilang tent, kung anu-ano lang. Banig.

"Ayaw nilang matulog sa bahay nila kasi, iniisip nila, any moment, babagsak.

“Kasi, diretso pa rin ang earthquake, tuloy pa rin.

“E, magtatag-ulan na. Kawawa, magkakasakit ang mga bata.

“Tapos, may isang island sa Tubigon na lumulubog. May isang island doon na malaki yun, hundreds ang families roon. Lumulubog.

"Siyempre, yung residente, nasa bangka.

“They are still hoping na baka lumutang pa.

“So, natutulog sila sa bangka. Kaya kawawa naman. Sabi ko nga, lahat ng kasama ko, taga-Bohol.

“Sabi ko nga, bakit hindi sila pumunta [yung mga taga-Tubigon] sa mainland. Kaso, saan sila titira? Wala naman silang lupa doon.

“So, kailangan hanapan ng lupa. Lagyan ng pansamantaang shelter.”

Ang bahay raw niya sa Bohol ay maayos naman at hindi naapektuhan, gayundin ang mga kamag-anak niya rito.

DAUGHTERS’ PARTICIPATION IN RELIEF OPERATIONS. Kilalang isang Boholano si Cesar at may ilang beses na rin siyang sumubok na pasukin ang pulitika sa probinsiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang maganap ang malakas na lindol noong October 15, nakauwi na si Cesar ng Bohol, at dalawang gabi raw siya roon kasama ang tatlong anak nila ni Sunshine Cruz.

Patuloy niya, “Two nights kami roon, kasama ko ang mga anak ko. Namigay kami.

"Sa Baclayon yung sa amin, pero, pumunta ko sa Loon, yung devastated talaga.”

Yung tatlong anak niyang babae, ano ang naging reaksyon nang personal nilang makita ang kalagayan sa Bohol?

Kuwento niya, “Awang-awa sila.

“Ako, ang isa sa reason kung bakit ko sila ’sinama, para makita nila kung gaano sila ka-blessed.

“Kapag nakita nila ang mga underprivileged na bata, makikita nila na, ’Masuwerte pala tayo.’ They appreciate life. They appreciate their blessings.”

RISKS. Nang dumating siya sa Bohol at nakita niya ang pinsala ng lindol, ano ang naramdaman niya?

“Awang-awa ako, parang ’Paano makaka-recover ito?’ Kasi, hindi pa tumitigil, e.

“At saka, may feeling ako na kapag nandoon ako, parang risk na nandoon ka. May risk.

“Kasi, may mga sinkhole. Hindi mo alam kung bakit may ganun. Tapos, meron ngayong mga hills na umaangat. Tapos yung flat, nagbu-bundok.

“Kaya sabi ko, ’Ano ‘to, weird.’

“Tapos, yung biyak sa kalsada, kapag sinilip mo, 35 feet! Malalim! Tapos, lumilindol.

"Sabi ko, ’Anong mangyayari? What’s next?’ Hindi mo alam,” dagdag pa niya.

Ngayon lang daw nangyaring napakalakas na lindol ang naranasan ng Bohol.

Pag-amin ng aktor, “Oo, ngayon lang, ngayon lang, 7.2 magnitude.”

Ano ang mga naging pagmumuni-muni ni Cesar bunga ng trahedyang ito?

“Alam mo, hindi mo rin masabi, sa totoo lang. Siyempre, yung mga ganyan, ina-allow ng Diyos ‘yan for a reason.

“As spiritual, ina-allow ng Panginoon ang lahat ng bagay dahil meron siyang kinu-korek. But, well, hindi naman kagustuhan ng Panginoon.

“Of course, ang Diyos natin, ayaw tayong nakikitang naghihirap tayo, nasasaktan tayo. Merong purpose ang lahat ng pangyayari,” pahayag nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SUNSHINE’S PLEA FOR HELP. May nagsabi naman kay Cesar na isa sa mga artistang nag-post agad sa Twitter ng “Please, Pray for Bohol,” ay ang misis niyang si Sunshine Cruz.

Nakangiti namang pahayag ni Cesar, “Nabasa ko rin.”

Kinumusta namin kung naapektuhan ang lugar kunsaan nag-propose siya kay Sunshine noon, na nagiging tourist spot na sa Bohol bago maglindol.

Ayon kay Cesar, “Sa Baluarte, yung harapan ng Baclayon Church. Pero, okay naman, okay lang yun. Kasi, wala naman yung mataas na gusali. Flat lang yun. It’s like a pier, so okay pa yun.”

Hindi rin maiaalis kay Sunshine kung naging malapit na sa puso nito ang Bohol, sa ilang ulit niyang pagpunta roon kasama ang pamilya.

Matutuwa kaya si Cesar kung sorpresang dumating si Sunshine at nakisali sa Sagip Bohol fund-raising niya?

“Of course, of course, everybody. Kahit sino ngang makita ko. Kahit hindi ko nga dating asawa, natutuwa ako, siya pa kaya?” nakangiting sabi ng aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN