Tessie Tomas on worsening political corruption: “Nakakagalit, nakakalungkot na wala ka nang mapagkatiwalaan.”

Tessie Tomas on her insights on current political scenario: “Parang biglang pumakla, maganda na yung usapan natin. Napakapaklang topic niyan. E, alam mo naman ako may pagka-aktibista ako sa UP. Sad and galit. Ako pa. Parang kamamatayan mo na walang pagbabago.”


Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang batikang aktres na si Tessie Tomas tungkol sa pakikipagtrabaho niya kina Julie Anne San Jose at Kristoffer Martin.

Ang dalawa ang magkatambal sa Kapuso teleseryeng Kahit Nasaan Ka Man, at si Kristoffer ang gumaganap na apo ng karakter ni Tessie, na si Lola Corazon.

“Siyempre, maganda ang chemistry nilang dalawa. Si Kristoffer lalo, kasi siya yung apo ko, may pagkapilyo rin, yakap nang yakap, ganun.

“Malambing, tapos ako naman pag nagpapatawa, sinasabi niya na ‘You’re so cool, Lola!’

“Hindi daw niya inakala na kalog ako, natatakot siya, kasi beteranang aktres.

“Nate-threaten siya, so pinapatawa ko siya palagi, kasi nahihirapan daw siya mag-lighten up. Iyon daw ang problema niya. Parang he’s the serious type, di ba?

“Kaya ako ang nagpapatawa sa kanya.

‘Tapos si Julie Anne naman maski noong wala pa kaming eksena, parang palabati kaagad siya, sa make-up room siya agad ang unang babati.

"Minsan naninimbang rin ako, pero siya, ‘Tita, how are you?’

“Tapos ngayon, niyayakap niya ako kasi, ‘First time nating magka-eksena!’

“Yung kanina, first time nga naman,” panimulang kuwento ni Miss Tessie nang dalawin ng PEP ang taping ng Kahit Nasaan Ka Man, sa Sampaloc, Manila, noong Biyernes, October 18.

At si Kristoffer, nakakasabay naman daw sa pag-arte nila ni Eula Valdes, na sa kuwento ay adoptive mother ni Kristoffer.

“Sa tingin ko naman, malalim din siyang humugot, tsaka lalo na sa mga iyak, parang hindi siya hirap dun.

"Mas hirap siya sa pag-lighten up, yung pag kunyari, ‘O, Mommy, sige na, huwag ka nangg magalit!’

“Sabi niya kasi, ewan ko lang, sa mga pinagdaanan yata niya sa buhay, parang hirap mag-lighten up, something like that,” dagdag pa ng multitalented actress.

Baka ma-extend daw ang kanilang show.

“Kaya ko nga ginagalingan, e,” sabay tawa ni Miss Tessie.

“Baka mapansin nga na ginagalingan kong masyado, e hindi lang baka trying too hard ako, maging TH ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iyon ang pinapanalangin ko sabi nga, di ba? Ako naman, sa dinidipensa ko, kasi maganda yung timpla ng show.

“Kumbaga sa kape, hindi yung maitim na maitim na kapeng nakakanerbiyos. Hind rin naman malamyang-malamyang puro puti na lang, puro gatas na lang.

“Tamang-tama lang siya, at I think it’s a welcome breather. Kasi [yung typical teleserye] puros medyo heavy, iyakan, ganyan. Ang ganda.

“At ako nga nae-excite ako kasi sana nga ma–extend yung musicality namin, di ba, yung kantahan pa.

“Kasi ang ganda—ganda ng boses nilang pareho. I’m a big fan of Julie Anne talaga, yung quality ng boses niya.

“And yet you know when you see her sa make-up room or waiting area, she doesn’t sing! Nagugulat ako.

“Kasi sina Zsa Zsa Padilla kanta nang kanta ’yan e, di ba? Baka naman nagsasawa, di ba?

“Kanya-kanya ’yan e, di ba? O baka nahihiya or what. Ibig ko bang sabihin, baka nagsawa nang kakakanta sa concert?

“’Tsaka nagugulat ako sa schedule nila, biglang kasama ko lang ngayon sa Angeles, separate scenes, tapos bukas pala, nasa Dubai!

“Nung panahon namin nung ’90s hindi ganyan, hindi ganito ka-hectic. Parang ang hectic ng buhay, tapos ang mga mall tours—Lucena, Naga. Inay!”

SAD AND ANGRY ABOUT POLITICAL SCENARIO. Itinanong ng PEP ang stage at movie performer kung ano ang masasabi niya sa nangyayari ngayon sa gobyerno, partikular na ang pork-barrel scam at ang involvement ng mga artistang pulitiko sa mga kaganapan sa pulitika.

“Parang biglang pumakla, maganda na yung usapan natin. Napakapaklang topic niyan.

“E, alam mo naman ako, may pagka-aktibista ako sa UP. Siguro in a general statement dahil—lalo na yung may mga kaibigan ka pang ano, di ba, sa mga senador—siguro ano lang, parang, sobrang sad ko na, sobrang lungkot ko na.”

Sa naunang panayam namin, galit naman ang ipinahayag ni Eula Valdes sa mga nagaganap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, oo galit din,” sabi pa ni Miss Tessie. “Sad and galit. Ako pa. Parang kamamatayan mo na walang pagbabago.

“Sa edad ko, People Power 1, 2, 3, di ba? May pagka-activist pa ako sa UP noon.

“Nakakagalit, nakakalungkot na wala ka nang mapagkatiwalaan. Yun lang ang statement ko, sino pang pagtitiwalaan natin dito?

“’Lahat pala kayo halos ganyan.’ Yung ganun na lang. Alam na nila kung anong ibig sabihin nun.”

Natanong namin si Miss Tessie kung wala bang nag-alok sa kanya dati na tumakbo sa pulitika.

“Ngayon, di lalo akong nasusuka diyan? Imbes na maganda yung image ko, e. Di ba ganun ngayon pag tatakbo, ‘Ay, ano yan, magnanakaw yan!’

“Ganun na, e. ‘Magna-Napoles yan!’

“E, di ba, Napoles is now equivalent sa pagnanakaw. You don’t even have to use the word, it has become a verb.

“Di ba?

“Minsan may kausap akong isang pamangkin, sabi ko, ‘Ayan o, yumaman kaagad si Napoles, anong tingin mo?’

“Ay, naku, tapos ang kapalit, one day biglang huminto ang mundo mo dahil na-preso ka na. O nasaan ngayon?’

“Di ba? So at least they learn na it’s not worth it, na magnakaw. Ganun tayo.

“Galit, galit na galit, actually.

“Tsaka ano na... basta huwag na lang, change topic,” ang natatawang sabi ni Miss Tessie.

“Alam mo naman ako kung nagbitaw, baka kung ano pa ang masabi ko. Basta’t ako, mahal na mahal ko ang bansa natin. Sabi ko nga, papaano na lang?

“Ang coping mechanism ko na lamang, nag-i-NGO work ako.”

NGO WORK. Bagamat abala siya sa kanyang showbiz career, nakukuha pa rin ni Miss Tessie na maglaan ng oras para sa kanyang social advocacies, kabilang na ang ilang non-governmental organizations.

“Ayan na nga, e! Pumangit na rin ang [connotation], hindi mo na alam kung ano.

“Meron akong foundation noon na, sa Mindanao, tumutulong sa mga refugees of war. Parang United Nations High Commission for Refugees, so ganun ang level.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Board of trustees lang naman ako. Hindi na ako active, pero ngayon I’m still the President of the Catbaloganon Foundation in Samar. Kababayan ko si Boy Abunda.

“We have scholarship programs, and then medical missions. Ngayon if somebody comes to me na, ‘O ayun pa-NGO-NGO ka pa,’ganun-ganun.’

“E, sasabihin ko, ‘Well, teka… ano yung ano ni Melanie Marquez? ’Do not judge a cover by its book.’"

Ang nasabi noon ng beauty queen, model, at actress na si Melanie ay: "Do not judge my brother. He is not a book." Ito ay noong panahong dinidensahan niya ang kapatid na si Joey Marquez.

Pagpapatuloy ni Miss Tessie, “Di ba? So hindi lahat ng NGO pare-pareho.

“Sa akin, iyon yung nakakapagpaluwag ng loob ko, na kung ganito kadumi naman ang nangyayari, meron pa rin akong magagawa.

“So that’s what I tell my friends, sabi ko hindi puwedeng galit lang tayo, hindi puwedeng rally lagi, ganito.

“Ano yung positibo mong magagawa, para sa sarili mo. The change begins in you.

"Be honest, don’t be corrupt—in you, in you, kahit na sa mga small dealings mo, di ba?

“Tapos iyon inili-lecture ko sa maids ko, e. ‘Kahit singko ibalik mo sa akin mula sa palengke ha, i-account mo. Dahil hindi ko ’binigay yan sa yo.’ ‘Opo ma’am.’

“Di ba tama? May nagagawa ka dun. Plus ’yon, I have a personal scholar in Samar, plus yung siguro twenty yung scholars namin dun.

"So nakakaluwag ng loob yun, na may nagagawa ka pa rin kahit papaano sa pagtulong.

“Yung anak ng dating maid ko, pinapaaral ko dahil marunong.

“Di ba? So I empower myself na, teka, kung ganito na kabuwisit ito, itong ating nangyayari sa ating pulitika, meron naman akong ginagawang positibo para sa ibang Pilipino.”

NO TO POLITICS FOR THE SAKE OF HER MARRIAGE. Dapat pala siya ang tumakbo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo nga, parang medyo bumibigay na ako diyan. Joke lang.

“Hindi. Sabi kasi ng asawa kong Briton [Roger Pullin]...

"Alam mo, hindi sa pagmamalaki, taga-Samar ako. Napaka-downtrodden ng Samar. At, somehow, malakas din ang corruption dun.

“May mga plunder cases din dun, ganun-ganun.”

Lagi siyang hinihikayat tumakbo sa Samar. Pero, ayaw na ayaw ng mister niyang tumakbo siya.

“Tuwing election year, pinapatakbo ako dun.

"Unang-una, hindi ko gusto. Hindi ako mahilig sa politics, parang hindi ko kaya.

“Ewan ko, sabi ko kung merong limampung taong nasa opisina ko, dahil kung anu-anong—mula sa patay, may sakit, di ba ganun yun?

“Sabagay, kasasanayan mo yun. Bakit si Vilma Santos? Kaya lang, sabi ng asawa ko, ‘Please don’t because, if you do, I will go back to England.’

“Sabi ko, ‘You will leave me?’

“Sabi niya, ‘No, I will wait until you finish your term and then I will come back.’

“E, bakit ko naman isa-sacrifice yung marriage ko, di ba?

“So ganun talaga yung nag-aasawa, kailangan bigayan kayo,” pangwakas na pahayag ng aktres na nakilala sa kanyang stand-up acts.

Ang pinakapamosong character ni Tessie bilang stand-up artist ay si Imelda Marcos, ang kontroberisyal na dating First Lady ng Pilipinas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN