Sam Pinto flattered at being told she has striking resemblance to 2013 Miss Universe Philippines Ariella Arida

Sam Pinto on joining beauty contests: “Ang dami rin ngang nagtatanong sa akin, why don’t I join? E, feeling ko naman, I’m too short. I’m only 5’ 5", I think. At saka may tattoo ako. Alam ko bawal, e. At saka, never talaga akong nagkaroon ng interest sa sumali sa beauty contest. Feeling ko lang kasi, it’s really not for me. Feeling ko, masaya na ako sa modeling. Yung gano’n. Hindi ko talaga naging dream na maging b


May mga nagsasabing hawig daw kay Sam Pinto ang 2013 Miss Universe Philippines winner na si Ariella Arida.

Napangiti naman ang seksing Kapuso actress nang matanong hinggil dito.

“Really?” matipid na reaksiyon ni Sam nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nang mag-guest ito sa Celebrity Bluff kamakailan.

NOT INTERESTED IN JOINING BEAUTY CONTESTS. Sa ganda niya at kaseksihan, puwede nga siyang sumali sa beauty contests.

“Grabe naman!”

“Talaga bang magkahawig kami?” tanong din niya.

“I have yet to see her.

“And… ang dami rin ngang nagtatanong sa akin, why don’t I join? E feeling ko naman, I’m too short.

“I’m only 5’ 5”, I think.

“At saka may tattoo ako. Alam ko bawal, e.

“At saka, never talaga akong nagkaroon ng interest sa sumali sa beauty contest. Feeling ko lang kasi, it’s really not for me.

“Feeling ko, masaya na ako sa modeling. Yung gano’n.

“Hindi ko talaga naging dream na maging beauty queen,” sabay ngiti niya.

HAPPY WITH LOVE LIFE. Blooming si Sam lately—at hindi naman itinatanggi ni Sam na meron siyang boyfriend ngayon.

“I’m happy. Tahimik lang ang lovelife ko.

“Kasi, I guess, dahil non-showbiz siya. So, wala sigurong paki ang mundo!” tawa na naman niya.

Ni minsan, hindi nga siya na-link sa sinumang guy from showbiz. Talaga bang mas gusto niyang hindi artista ang boyfriend niya?

“Sa akin, kahit ano naman. Nagkataon lang na non-showbiz siya,” muling nangiti niyang pahayag.

“Three months pa lang yung relationship namin. Bago pa lang kami.

“And he’s actually very different from all the guys that I’ve dated. Kasi, he takes care of me.

“As in, he really takes care of me. Sabi ko nga, may ganyang guy pa pala ngayon!” tawa na naman niya.

For sure, guwapo ang boyfriend niya at tipong artistahin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Uhmmm… normal lang naman yung looks niya. Chinese.

“He’s a businessman. Thirty years old siya.”

Is he the one na kaya?

“I don’t know. Uhm… I plan to get married at thirty. I’m twenty-three ngayon.

“So, medyo matagal pa ‘yon!” tawa ulit ni Sam. “Wala pang plano talaga sa ngayon.”

Importante ba ang kasal para sa kanya? Kasi may ibang okey na live-in na lang.

“Importante pa rin for me ang marriage. Oo naman!

“I think. As of now!” napahalakhak niyang sabi.

WISHES TO DO INDIE FILM. Happy si Sam sa kanyang lovelife, at masaya rin daw siya sa takbo ng kanyang career.

“I’m just concentrating on Bubble Gang and Sunday All Stars. And then marami akong regional shows for GMA.

“Ipinapadala nila ako all over the Philippines para mag-show. So hindi naman ako nababakante sa trabaho,” pasasalamat niya.

Ilang pelikula na rin ang nagawa ni Sam. Pero gusto niyang mabigyan ng chance na makagawa rin ng isang indie film.

Aniya, “Gusto ko. Sana may dumating na offer.”

Pero, kung ihahambing sa mainstream movies, hindi financially rewarding ang paglabas sa indie films.

Pagsang-ayon niya, “I know. But gusto kong gawin because it’s different from, kunyari, yung mga commercial na movies.

“Yung sa indie, you can do whatever you want. You can interpret it in your own way.

“Hindi yung kung ano ang gusto ng masa, kundi iba naman.

“We’ll see. Sana, soon, makagawa ako.”

NO TO DARING MOVIE SCENES. May pagka-sexy ang image na pinu-project niya. At game din siya sa paglabas sa sexy pictorials at maging sexy cover girl ng men’s magazines.

Pero sa pelikula, hindi pa siya nakakagawa ng role na talagang daring. Open ba siyang magpa-sexy rin onscreen?

“Puwede naman, pero hindi ko kaya yung super-sexy.

“As in, magpapakita ng anything. I cannot.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

What about love scenes?

“I’ve done that na with Cesar Montano. Doon sa movie na Hitman.”

Biniro namin siyang malamya naman yung love scene nilang iyon ni Cesar at hindi masasabing daring talaga.

“Hanggang doon lang ang kaya ko!” sabay tawa ulit ni Sam.

Takot ba siya na baka tumutol ang boyfriend niya?

“Hindi naman.

“Ewan ko.

“Lagi ko namang ini-explain sa kanya na work naman ‘to, e. At naiintindihan naman niya.

“Yeah!

“At saka lahat naman, tina-try kong i-explain,” paliwanag ng Viva talent.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN