Derek Ramsay denies reconciliation with Cristine Reyes; says they’re better off as friends

Kahit magkasama si Derek Ramsay at ang ex-girlfriend niyang si Cristine Reyes sa ilang shows sa Hawaii, sinabi ng aktor na hindi naman sila nagkaroon ng ilangan. Sa katunayan pa nga raw ay may mga pagkakataong lumabas sila, kasama ang ilang mga kaibigan.


Nakabalik na si Derek Ramsay sa bansa matapos ang halos sampung araw nitong pamamalagi sa Hawaii para sa ilang shows.

Kasama ni Derek sa mga palabas na ito ang ex-girlfriend niyang si Cristine Reyes.

Bukod sa engagements nila dun ay nakuha pa raw niyang magliwaliw sa ilang kilalang scenic spots sa Hawaii.

Ani Derek, “It was a lot of fun, we had three good shows.

"And you guys know me, I maximized my time.

"Kahit na we go to a different area four or five hours before the show, andami kong nagawa with four or five hours.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derek sa bahay ni Tessa Prieto-Valdes sa Forbes Park, Makati City, noong Tuesday, October 22, sa ginanap na private screening ng For Love Or Money, na inorganisa ng socialite-philanthropist-columnist-TV host.

Naroon din sa pagtitipon ang co-stars ni Derek na sina Alice Dixson at Ritz Azul, at ilang mga opisyales ng Kapatid network, sa pangunguna ni Wilma Galvante, TV5 chief entertainment content officer.



NO RECONCILIATION WITH CRISTINE. Kuwento pa ni Derek, kahit wala na sila ni Cristine ay hindi naman sila naging aloof sa isa’t isa.

Katunayan, magkasama pa raw sila sa hotel na kanilang tinuluyan habang nasa Hawaii.

Wala rin daw silang sama ng loob sa isa’t isa.

Aniya, “Cristine and I, we’re in the same hotel, we were able to talk, so wala kaming problema.

"But she moved to... she had a show pa in the States, mainland, she went off to the mainland.

"Ako, bumalik na ako dito.”

Habang nasa Hawaii sila ay umugong sa social media na diumano’y may balikang nangyayari.

Sabi ng Kapatid hunk tungkol dito, “No, it’s not true.

"We’re friends, we’re better off that way.

“Nakita ko nga sa Instagram na parang sinasabing boses ni Derek yun... Hindi ako yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala rin daw naging ilangan sa kanila doon, pero hindi naman sila madalas magkasama dahil kanya-kanya raw sila ng lakad pag walang show.

Lahad pa niya, “Yeah, we were like what we used to be.

"Kaibigan niya rin yung best friend ko from Australia.

"Parang nagsama kami, apat kami nun, e. Yung ex-boss ng best friend ko was with us.

"And there were few days na we did something together. Pero there, she had her own thing, her own itinerary.

“Pero there was one time na we did all go out, and we had a lot of fun. Clean fun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN