Coleen Garcia insists there’s "no malice" in "sweet" photos with Billy Crawford now going viral on social media

Coleen Garcia on "sweet" viral photos with Billy Crawford: “With Showtime kasi, lahat kami nagha-hug, lahat kami nag-aakbayan. I don’t think there’s anything different with that, and it was stretched a lot. Sweet? No naman, siguro yung mga akbay-akbay, yung mga ganito-ganyan whatever, pero I was hugging Vice, I was hugging Teddy [Corpuz], and wala namang anything malaswa or anything bad. There’s no malice.&rdqu


Kamakailan ay lumabas sa ilang social networking sites ang mga litrato nina Coleen Garcia at Billy Crawford kung saan makikita na tila “sweet” sila sa isa’t isa.

Sa isang photo ay malinaw na nakaakbay si Billy kay Coleen.

Ang mga litrato ay kuha mula sa isang event na ginanap noong October 12 sa Dugout Sportsbar sa Bacolod, kung saan sina Coleen, Billy, at iba pa nilang It’s Showtime co-hosts ay magkakasama bilang guests at featured performers.

Dahil mabilis na kumalat ang nasabing mga litrato sa social media sites pagkatapos mismo ng nasabing event, maraming haka-haka ang muling umusbong at ngayo’y nagpatindi sa matagal nang balitang may espesyal na relasyong namamagitan kina Billy at Coleen.

Si Coleen ang isa sa naiturong third party noong kasagsagan ng paghihiwalay nina Billy at Nikki Gil.

Ngunit parehong itinanggi nina Billy at Coleen ang lumabas na balita.

Bagamat pinabulaanan na nila ang naunang mga usap-usapan, muli na namang nabuhay ang isyu dahil nga sa kontrobersiyal na mga larawan.



NO MALICE. Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Coleen noong Huwebes, October 24, sa hallway ng ABS-CBN, sinabi ng young actress-TV host na hindi dapat bigyan ng malisya ang “closeness” na namamagitan sa kanila ni Billy.

Paliwanag ni Coleen, “With Showtime kasi, lahat kami nagha-hug, lahat kami nag-aakbayan.

"I don’t think there’s anything different with that, and it was stretched a lot.

“Sweet? No naman, siguro yung mga akbay-akbay, yung mga ganito-ganyan, whatever.

"Pero I was hugging Vice [Ganda], I was hugging Teddy [Corpuz], and wala namang anything malaswa or anything bad.

"There’s no malice," diin pa niya.

Nanliligaw ba sa kanya si Billy o lumalabas ba silang dalawa?

“No, he’s not. Two of us? No, group pa rin,” sagot niya.

Wala raw siyang boyfriend ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I can say I am single right now.

"I’ve been single for almost a year already, and I really want to remain single first.

"I am focusing on so many things.

“I don’t wanna have a boyfriend right now talaga.

"Kumbaga sa kabayo, yung blinder. Focus on my work right now, and I want to focus on it talaga.”

Ang huling naging boyfriend ni Coleen ay si Gab Valenciano.



VISITS KUYA KIM. Kamakailan ay naospital ang isa sa mga kasamahan ni Coleen sa It’s Showtime, na si Kim Atienza.

Ito ay dahil sa Guillain Barre disease, isang kakaibang uri ng autoimmune disorder na bigla na lang umaatake sa nervous system sanhi ng viral o bacterial infection.

Hanga naman si Coleen sa nakita niyang tatag at tapang ng kanyang It’s Showtime co-host sa pagharap nito ng nasabing sakit.

Kuwento ni Coleen, “Actually, I had no idea nung una, nauna pa yung iba ang makaalam.

"Only few people knew about it, and he didn’t want anybody to know about it.

“Actually, ka-text ko si Kuya Teddy nun, sabi ko, ’Uy, saan kayo?’

"Tapos sabi niya kagagaling lang nila kay Kuya Kim.

“Sabi ko, ’Ang saya naman, nag-barbecue ba kayo?’

“Tapos sabi niya, ’Nasa ICU si Kuya Kim.’

“Sabi ko, ’Oh, my God!’

“My first reaction talaga is to visit him.

"I visited him, we spent some time there.

"Nung rehearsal namin, dumiretso kami talaga dun.

“Parang walang sakit, ang daldal pa rin, ’Alam mo ba... ganun-ganun.’

“He has that fighting spirit.

"Si Kuya Kim, he’s a fighter and I admire that about him.

"I’m very confident that he will get better.

“It is a rare disease, that’s true. He was explaining everything to us, parang trivia man pa rin siya.

"He’s already in the ICU tapos nagti-trivia pa rin siya, explaining to us about the disease and everything.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We were so worried about him but, at the same time, he was very calm, he was very okay about it. Ang dami niyang sinasabi.

“Sabi niya, ’I’m not better yet, but you know that’s good, etc., etc.’

"Again, I admire his fighting spirit.”



SHE’S THE ONE. Kasama si Coleen sa cast ng pelikulang She’s The One, na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes, Bea Alonzo, at Enrique Gil.

Dahil patok sa takilya ang nasabing pelikula, abut-abot ang pasasalamat ni Coleen sa lahat ng mga taong nanood nito.

Aniya, “Thank you, thank you so much.

"I am very happy, and I am happy that I am part of that movie.

"Kahit cameo lang, it’s actually my first project with Star Cinema. Hopefully, more to come.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN